Phase 34

1049 Words

Nanatili akong tulala hanggang sa sumapit ang gabi ay hindi ko magawang kumain. Para bang tumigil ang pag-ikot ng lahat nang malaman ang panibagong kondisiyon ng anak ko. Nakatingin lang ako sa kaniya, hinahanap kung saang parte ng ngiti niya ang hindi totoo. Masigla si Evan. Nakikita ko iyon kung kaya hindi ko malaman kung paanong may sakit uli siya matapos ang operasyon.   Bakit palaging ang anak ko? Bakit hindi na lang ang ibang masasamang tao? Bakit ang anak ko pa na inosente at wala pang nagagawang kasalanan sa mundo? O bakit hindi ako? Kung galit sa akin ang mundo, sa akin na lang sana. Hindi na sana sa isang walang muwang na bata.   Pinalis ko ang luha na naglalandas sa aking pisngi. Umiiyak ng walang tunog dahil hindi pa rin matanggap na nagkaganito na naman ang anak ko.  

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD