Nasundan nang nasundan ang pangyayari sa amin ni Jaren lalo pa at tila hindi siya napapagod. Kahit na nanlalata na ang katawan ko, sa tuwing madadantay sa kaniya ay nabubuhayan muli. Marahil, kung hindi bumalik sina Manang Melba at ang anak ko ay hindi kami maaawat. Pakiramdam ko ay namanhid ang ibabang parte ng katawan ko kaya naman nanginginig ang binti ko nang subukan kong tumayo. Si Jaren ay nagbibihis pero nasa akin ang atensyon kung kaya agad akong nadaluhan noong bumigay ang tuhod ko. “Sit here. I’ll bring Evan and our lunch here,” aniya. Dahil nga pagod na rin ay hindi na ako nagreklamo at tumango para sabihing oo. Nagtagal pa ang tingin niya sa akin bago ako iwanan. Nag-init ang pisngi ko nang maalala ang ginawa kanina. Hindi kailanman sumaksak sa hinagap ko na

