Hapong-hapo ako dahil sa pagsusuka. Maya't maya ang tingin ko sa likuran at baka magising si Jaren. I don't want him to see me in this state. Baka magkaroon pa siya ng kaalaman tungkol sa kalagayan ko. Hindi ko alam kung ikagagalit niya ba sakaling malaman niya na buntis ako at kung hindi naman, ayoko na panatilihin niya ako sa tabi niya dahil lamang sa batang dinadala ko. Alam ko, sigurado ako kahit pa hindi mag-take ng tests. Positibong buntis ako lalo pa at pinagdaanan ko na ang ganitong kalagayan. Marahan ang kilos ko, alas kuatro ng umaga at naghahanap ako ng yogurt at saka ketchup. Pakiramdam ko ay gutom ako roon kaya naman bumaba ako. Pero nang buksan ang ref at sumungaw ang amoy ng cheese ay bumaligtad ang aking sikmura at ngayon nga ay umiinom ako ng tubig. Matapos iyon ay ta

