Phase 38

1003 Words

Natutuwa akong pagmasdan si Evan na nagtatakbo at masigla pero dahil nabahiran na ng takot ang isip ko tungkol sa kaniyang sakit ay agad kong hinarang at niyakap. "Stop running, anak. Baka mapaano ka," nag-alala kong pahayag. Narinig ko ang isang malalim na buntong hininga sa likuran ko. "Uncle Jaren," pagtawag ni Evan sa kaniya, umangat pa ang kamay na nakaakap sa akin kanina. Kumalas ako sa yakap and nilingon si Jaren na nakatayo at nakatingin lang sa akin. Nakasuot siya ng tuxedo at sa kamay ay bitbit ang attache case. He's going to work. Ang anak ko na nagbabalak pa na kumarga kay Jaren ay napigilan ko na. "You are off to work," sabi ko saka tumango. Bumaba ang tingin niya sa kamay kong nakapigil kay Evan na magtungo sa kaniya. Ibinaba niya ang attache case at saka ibinuka

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD