“Is there a problem?” Mabilis kong nabawi ang aking sarili mula sa pag-iisip nang marinig ang boses niya mula sa aking likuran. Agad kong ipinaskil sa aking labi ang isang pekeng ngiti. “Wala naman. May naalala lang ako,” tipid kong tugon. Nanatili ang titig niyang tila may hinahanap sa aking mata kaya naging maiwas ako. Naghanap ako ng maaring punahin subalit nauna na siya. “You’ve been spacing out since morning,” puna niya, naglakad na patungo sa kung nasaan ako. Sunod-sunod akong napalunok, pakiramdam ko ay naco-corner niya ako but still, I won’t tell him anything. Jaren might be a part of my life now but that is because of the contract I signed. After three months ay magiging parte na lamang siya ng aking nakaraan. Isang instrumento upang mapanatili kong maayos

