Hindi mapuknat ang ngiti sa labi ko mula sa byahe hanggang sa marating namin ang isang panibago at malaking bahay. Hindi na doon sa kung saan niya ako dinala noon. Ngayon ay hindi na village kundi mismong lupa niya ang kinatatayuan ng bahay, mas malawak at mas homey tignan. Sa umpisa pa lang ay wala ng pagsidlan sa tuwa si Evan na para bang ngayon lamang nakakita ng ganoon. Miski sa gate ay ‘di siya tumigil. Automatic kasi na bumukas kaya nagtatakbo roon at hinanap ang guard. “Mommy, sa TV ko lang po ‘to nakikita,” bulong niya saka humagikgik na sinamahan ng palakpak. Jaren is looking at him with adoration. Isa sa napansin ko ang pagiging mahilig niya sa bata dahil kung hindi, bakit ganito na lamang ang reaksyon niya sa mga simpleng bagay na ginagawa ni Evan? Napapaisip t

