Kapit patalim. Iyon ang nangyari sa akin ngayon. I have no choice. Wala pa rin akong choice kundi ang um-oo. At least, ngayon ay 'di matatagalan ang paghahanap sa heart donor. He's rich and like what he said, may kakilala na siya. Wala na akong dapat intindihin kundi ang klase ng ugnayan na mayroon kami. Never in my life I heard those words and now it was being thrown at me. Be his w***e or lose Evander. "Pumayag ka?" maang na tanong ni Cara habang nakatingin sa akin na nagpapalakad-lakad sa kaniyang harapan. Kagat-kagat ko ang aking labi at tumango. "Kailangan ko, Cara. Heart donor na iyon," paliwanag ko. "Nakuha na rin naman niya ako kaya wala na akong ipagkakait," paliwanag ko kahit pa mismong sarili ko ay 'di naniniwala sa aking sinasabi. Narinig ko ang buntong-hi

