Hindi ko maintindihan kung saan ko ibabaling ang ulo ko nang mga sandaling bumilis ang ritmo ng kaniyang kamay sa aking kaselanan. Mahusay na pinagpapala ng isa niyang kamay ang aking dibdib habang sa kaniyang bibig ay nakapaloob ang isa pa. Kinakapos ako ng hangin dahil doon at napapansin na rin ang pagsunod ng balakang ko sa kaniyang ginagawa.
“Hmmm… Uh…” hindi napigilang halinghing.
“F*ck! I’m going insane!”
Ilang sunod-sunod na mura ang naririnig ko sa kaniya na ‘di ko na lubos maintindihan. Para akong namimilipit ng makaramdam nang paghalukay ng kung ano sa puson ko at ilang mabibilis na pagdiin ng daliri niya ay may sumabog sa akin na dahilan ng mahahabang halinghing na nag-e-echo sa tahimik na silid. Lupaypay ang katawan ko dahil doon. Ngayon ko lamang naranasan na mapagod ng walang ginagawa o binubuhat na mabigat. Ang magkabila kong kamay ay halos nanlalambot sa pagkakakawit sa kaniyang leeg.
Umungol muli ako nang inalis niya ang kamay sa aking kaselanan at pinakawalan ng bibig niya ang aking dibdib. Matapos iyon ay binuhat ako ng ayos bago inihiga sa malamig na marmol na sahig. Tanging ang manipis na nasirang satin dress ang sumasapin sa akin.
Dahil wala na akong saplot na suot ay damang-dama ko ang lamig na hatid ng sahig. Sa paglapat ng likod ko roon ay siya ring paglapat ng labi niya sa aking leeg. Kusang naglandas ang kamay ko sa kaniyang dibdib at inisa-isang alisin ang pagkaka-butones ng kaniyang long sleeve. Nang matanggal ko ang mga iyon ay sinubukan kong alisin subalit agad akong naliyo nang bumaba ang halik niya sa aking dibdib hanggang sa aking puson.
Para akong mahihimatay sa kiliting nararamdaman. Ang kamay niya ay hinila pababa ang manipis na telang tumatakip sa aking kaselanan na ramdam kong basing-basa dahil sa pinakawalan ko kanina. Napadilat ako at mistulang tatayo ng pigilan niya ako sa pamamagitan ng pagpatak ng halik doon.
Suminghap ako dahil sa gulat. Hindi ko kailanman inakala na gagawin ang bagay na iyon sa akin. Isang bagay na nakakahiya ngunit ang hiya na sumisibol pa lang sa sistema kon ay muling naglaho nang ang dila na niya ang kumilos. Halo-halong emosyon at sensasyon ang ipinahahatid ng ginagawa niya sa akin. Never I have ever imagine that someone will do this kind of thing to me at sadyang nakakabaliw iyon.
“Ah! Ah!” magkakasunod na ungol ko.
Hindi ko malaman kung didilat ba ako o kung saan ko ibibiling ang ulo ko. Sinubukan kong pigilan ang malalakas na ungol dahil baka mamaya ay may mapadaan. Kagat-kagat ko na ang labi ko at halos nararamdaman na ang sakit ngunit nang muling tumindi ang init at pagbuo ng panibagong bulto ng sensasyon sa aking puson ay hindi ko na napigilan. Muli ay nagpakawala ako na sinabayan ng mga ungol na ‘di ko na nagawang itago.
Nanginginig ako dahil doon. Umahon siya mula sa aking binti at napagmasdan ko kung paano umigting ang kaniyang panga habang inaalis ang sinturon sa kaniyang slack. Nang maalis iyon ay mabilis na kumilos ang kamay niya para pakawalan ang sarili. Gusto kong magulat ngunit hindi ko na magawa nang mag-angat siya sa akin ng tingin at muli ay yumukod upang bigyan ako ng masuyong halik.
Iba iyon sa halik na ibinibigay niya kanina. Hindi agresibo, hindi galit. Banayad lamang. Naramdaman ko ang pagbundol ng isang matigas na bagay sa aking kaselanan na dahilan ng pagsinghap ko. Unti-unti niya iyong iginaya papasok sa akin. Sa b****a pa lang ay dama ko na ang sakit. Isang beses lamang ako nakipag-s*x at nang manganak ay cesarean kaya naman in-expect ko na masasaktan ako ngunit ‘di ganito kasakit na parang may hinihiwa sa akin.
“F*cking tight!” pagmumura niya at saka isinagad ang sarili sa akin.
Napapikit ako sa sakit at kinagat ang labi, pinigilan na dumaing. He paid for this, Viviana. Iyon ang sinasabi ko sa aking sarili. Ramdam na ramdam ko ang kalakhan niya sa akin at sagad na sagad iyon. Hindi ko akalain na kaya kong tanggapin ang ganoon. Sa unang mga paggalang ay dumadaing ako sa sakit habang siya ay napapamura.
“This feels so… f*cking good…” sambit niya habang bumibilis ng bumibilis ang pagdiin sa akin.
Dama ko pa rin ang sakit ngunit kahit papaano ay nahahaluan iyon ng ibang pakiramdam.
“Ah! Ah! Ah!” umaalog ang dibdib ko dahil sa mabilis niyang pagkilos.
Madiin at nanggigigil ang bawat pagdiin niya. Hindi ko rin alam kung kailan nawala ang hapdi doon at napalitan na lamang ng bolta-boltaheng sarap na ‘di ko matandaang natikman ko. Lumalakas lalo ang ungol ko, sumasabay sa bawat pagbayo niya sa aking kaselanan. Ang kamay ko ay hindi malaman kung sasabunot o kakalmot sa kaniya dahil sa tindi ng ipinararamdam niya sa akin.
“F*ck, f*ck, f*ck! I’m coming!”
Parang isang gatilyo iyon dahilan ng pagsabog ng naipong sensasyon sa aking puson. Ramdam ko ang pagsirit ng kung ano sa kalooban ko at ang panghihina ng buo kong katawan. Lupaypay ang dalawa kong kamay. Naririnig ko ang mga mahihinang daing niya dahil ang mukha ay nasa leeg ko pa. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pagkatapos noon dahil nilamon na ako ng dilim.
Nagising ako sa ‘di pamilyar na silid sa akin. Sinubukan ko alalahanin ang lahat at nang bumalik sa akin ang pangyayari ay dali-dali akong umahon mula sa pagkakahiga. Parang inalog ang ulo ko dahil doon ngunit ‘di iyon inintindi kundi inisip kung sa paanong paraan ako napunta sa silid na ito. Sigurado naman ako na sa isang maliit at walang kalaman-lamang silid nangyari iyong maselang tagpo sa akin at sa costumer.
Maaring naawa siya sa akin nang ako ay mawalan ng malay. Posibleng iyon ang dahilan. Dumapo ang tingin ko sa aking relo na regalo pa sa akin ni Kuya Carl. Halos lumuwa ang mata ko nang makitang alas diyes na ng umaga. Para akong nabuhusan ng tubig at nagmamadaling nilisan ang kama ngunit agad ko rin na pinagsisihan ng muntik na ako matumba dahil sa sakit sa aking kaselanan.
Parang may sugat iyon at miski ang dalawa kong hita ay bugbog. Kagat-labi akong naglalakad at napapapikit na lamang din. Tinungo ko ang comfort room sa loob ng kwarto na iyon. Mas malaki pa sa condo ko ang silid at ang comfort room noon ay sinlaki lamang ng aking silid. Halatang mayaman talaga ang lalaking iyon.
Inuna kong magsipilyo at maghilamos. Mabuti na lamang at may mga bagong gamit doon at may malilinis na tuwalya. Dahil may closet din naman ay kumuha ako ng isang pinaka-simpleng dress doon. Wala akong makitang pantalon at t-shirt kaya naman kinuha ko na lang ang pinaka-simple.
Nang matapos ko na ayusin ang sarili ko ay dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Tumambad sa akin ang mahabang pasilyo. Base sa railings ay nasa isang palapag ako. Nang lumingon sa itaas ay bumulaga sa akin ang mataas na kisame at naglalakihang ilaw at chandeliers. Contemporary ang disenyo ng interior nito at talaga namang aakalain mo na bilyonaryo ang nakatira. Mayaman si Mr. Asera at miski na ang napangasawa ng aking ina ngunit hindi ganito kayaman na tipong bahay pa lang ay lululain ka na. Kung hindi nga lamang tanghali na at kung kaibigan ko ang may-ari ng bahay ay mananatili ako rito upang pagpalain ang mata sa ganda noon.
Sinipat ko muli ang aking relo at sinunod ang cellphone ko na lowbat na. Bumuntong-hininga ako at saka luminga-linga upang masigurong walang tao.
Hinanap ko kaagad ang hagdan pababa at saka lang napag-alaman na nasa third floor pala ako kanina. Nagmamadali ako ngunit maingat ang aking bawat paghakbang upang ‘di makalikha ng ingay. Mistula naman na wala ring tao sa loob ng malaking bahay na iyon dahil wala akong nasalubong kahit isa man lamang.
Nang makalabas ako ay para akong nakahinga ng maluwag. Nakangiwi ako na huminto sandali nang ‘di na nakayanan ang hapdi na nararamdaman sa gitna ko. Sumasabay pa ang pagkulo ng aking tiyan at idagdag pa na sobrang malayo ang bahay na pinagmulan ko gate ng village. Higit bente minutos ko yatang nilakad.
Nagtataka pa sa akin iyong Guard kung saan ako galing. Sinabi ko na lamang sa isang kaibigan kahit ‘di ko matandaan kung ano ang pangalan. Kinuha nila ang pangalan ko at contact number sakali daw na may tumawag na residence na may nawawala. Muntik-muntikan mag-init ang ulo ko. Inisip ko na lamang na ginagawa lamang nila ang kanilang trabaho.
Paglabas na paglabas mula sa gate ay pumara agad ako ng taxi at nagpa-diretso sa may Club. Kahit papaano ay tanda ko pa ang ibinilin sa akin na bumalik doon. Sa b****a pa lang ay napansin ko na kaagad si Cara. Pabalik-balik ang cellphone niya sa kaniyang tenga at ang mukha ay halatang kunsumido.
Nang bumaba ako sa taxi ay para siyang nabunutan ng tinik nang makita ako. Lakad-takbo siyang lumapit sa akin.
“Gaga ka! Mamatay na ako sa kaba dahil mag-aalas onse na ay wala ka pa,” paninita niya.
Bumuntong-hininga ako.
“Pasensya ka na. Lowbat ang cellphone ko kaya ‘di mo ako ma-contact pagkatapos ay nakatulog ako…” naputol ang sasabihin ko dahil ‘di malaman kung iku-kuwento ko ba sa kaniya ang nangyari.
“Hoy! Halika muna nga at baka ‘di ka pa nag-aalmusal. Mamaya mo na isipin,” aniya at hinila ako papasok.
Mabilis ang lakad niya kaya ‘di ko masabayan dahil sa hapdi ng aking gitna. Huminto siya at binalingan ako ng tingin at bumaba ang tingin sa aking hita. Umikot ang mata niya.
“Dumating din pala,” aniya.
Ginabayan niya ako hanggang sa makapasok sa loob. Sa halip na sa opisina tumuloy ay sinabi niya na mag-almusal na muna ako at um-order ng ilang putahe ng pagkain para sa akin. Hindi ko alam na may parte pala sa Club na iyon kung saan maari silang kumain.
“High Class, ‘to. Iyong ibang baguhan na mula pa sa probinsya ay nabibigyan ng isang kwarto rito upang ‘di na sila umupa sa iba,” pagku-kuwento niya habang kumakain ako.
“Alam mo ba na balak ko na tumawag sa Pulis dahil wala kong balita sa iyo? Malay ko ba kung m-in-urder ka na ng costumer mo,” himutok niya.
Humingi muli ako ng pasensya dahil doon.
“Oh, siya! Magtungo na tayo sa office tapos ay sa Hospital. Pagkatapos iyon, ibigay mo na sa Hospital ang fee para madaliin nila na makahanap ng heart donor,” aniya.
Sinamahan ako ni Cara sa lahat. Sa opisina ay pinag-usapan lamang namin ay ang membership na kung sakali na ako ay mangangailangan uli ay maari akong makabalik. Ganoon pa man ay nilinaw ko na hindi na ako babalik dahil labis-labis pa ang perang natanggap ko. Pagdating naman namin sa Hospital ay doon ako halos mamroblema.
Kahit pala may pambayad na akong pera para sa heart donor ay malaki pa rin ang problema ko dahil hirap na makahanap ng ganoon. Hindi ko alam kung maiiyak ako o ano. Mabuti na lamang at naroon si Cara upang kahit papaano ay i-comfort ako.
“Huwag kang umiyak dito. Baka mamaya naririnig ka ng anak mo tapos maka-apekto iyon sa kondisyon niya. Ang alam ko sa mga ganito, tulog lang sila pero ang isip ay gising,” ani Cara.
“Hindi ba at wala ka pang tulog, Cara? Maari mo na akong iwan dito,” pahayag ko na nginusuan niya lang.
“Wala akong costumer kagabi kasi hindi ako mapakali sa iyo kaya naman naghintay lang ako sa club!”
Nangunot naman ang noo ko.
“Kung gayon pala ay wala kang kita? Huwag kang mag-alala at medyo may kalakihan ang perang natanggap ko.”
Umingos siya sa sinabi ko.
“Gamitin mo iyan sa anak mo at sa sarili mo huwag sa akin, okay? Nga pala! I-kwento mo sa akin kung bakit dumating pa rin iyong costumer mo,” aniya.
Inilapag ko ang tasa ng kape sa mesa. Nilibot ng tingin ko ang kabuoan ng coffee shop at saka bumalik sa kaniya. Bumuntong-hininga ako.
“Sa totoo lang ay ‘di ko alam kung paano sisimulan. Alam mo naman, hindi ba? One night stand lang ang una kong karanasan at lasing na lasing pa ako kaya wala akong maalala.”
Tumango siya sa akin. Kasama ko siya noong nagkayayaan noon sa isang bar at hindi sinasadyang malasing ako at nauwi sa ganoong aksidente.
“Wala akong kaalam-alam sa maka-mundong bagay, Cara kaya naman hindi ko alam kung naging masaya ba sa naging serbisyo ko ang lalaking iyon. Hindi ko matandaan ng lubos ang mukha niya pero sa tingin ko kung makakasalubong ko siya ay makikilala ko naman agad. Iyon nga lang ay hinihiling ko na huwag na sana magpanagpo ang aming landas,” paliwanag ko.
Napapansin ko ang lungkot sa mata ni Cara.
“Pasensya ka na, huh? Wala akong sapat na pera na maipapahiram sa iyo kaya naman kinailangan mo pa mauwi sa ganiyan. Alam ko na nakakaramdam ka ng pagsisisi ngayon,” aniya.
Umiling ako agad. “Hindi… Hindi ko pagsisisihan na ginawa ko ito para sa anak ko. Kung nagawa kong ibigay ang sarili ko sa ‘di ko kakilala noon ng libre, ngayon pa ba na may kapalit?” sambit ko.
Pareho kaming natulala sa mga hawak naming kape. Siguro ay parehas namin na iniisip kung anong klaseng trabaho ang napasok namin.
“Nagsasawa na rin ako, alam mo ba? Kapag umuungol ako ay pagpapanggap na lang. Kailangan ipakita mo na magaling mag-romansa ang costumer mo kasi natutuwa sila roon kahit pa diring-diri ka na. Hindi naman ibig sabihin na nakasanayan na natin ay ayos na,” bakas ang pait sa boses niya.
Kahit papaano ay nauunawaan ko siya.
“Bakit hindi ka na lamang mag-ipon at magtayo ng negosyo, Cara? Para naman mahinto ka na?” tanong ko.
Ngumiwi siya sa akin.
“Kung natatandaan mo na bagsak ako lagi sa subject na math, susko! Anong negosyo ang sisimulan ko? Senior High lang natapos ko at baka mauwi lang sa pagkalugi,” aniya.
Nangunot naman ang noo ko. “Kahit tindahan lang, ganoon…”
“Malabo na sumapat ang kinikita noon. Wala akong sariling bahay, Via. Lahat binabayaran. Apartment, tubig, kuryente at pagkain. Sa laki ng kinikita ko nakakapangutang pa ako minsan!” problemadong sambit niya.
Nakagat ko ang aking labi dahil sa iniisip. Ang balak ko sa pera na sosobra ay gamiting panimula sa negosyo. Naisip ko naman na hindi ko iyon kaya na mag-isa kaya naman dahil si Cara lang talaga ang kaibigan na mayroon ako ay siya agad ang sumaksak sa isip ko.
“N-nagbabalak ako na magsimula ng negosyo.”
Humigop siya sa tasa ng kape at tumango sa akin na indikasyon na magpatuloy ako.
“Alam ko na hindi ko kaya iyon ng walang kasosyo kaya gusto mo ba na tayo na lang dalawa ang mag-handle sakali?” tanong ko.
Sumilay ang ngiti sa labi niya.
“My God, Via! Matalino ka sa mga ganiyan kaya naman susugal ako, ‘no! Alam ko na wala kang pagkakabaalahan kundi iyan kapag nagkataon! Tanda ko pa noon ang lakas ng benta sa products mo nang piang-try tayo ng business sa School!” aniya.
Napangiti ako nang maalala ang kaniyang tinutukoy.
“Sige, sige. Go ako diyan. Basta ang kailangan muna ay gumaling ang anak mo bago iyan para hindi mahati ang time mo,” saad niya.
Sumapit ang alas tres ng hapon at kinailangan niya na magpaalam sa akin dahil may kailangan pa siyang kitain. Siniguro niya naman na tatawag ako sa kaniya palagi lalo pa’t kailangan ko raw ng mapagsasabihan ng problema tungkol kay Evan. Sobrang malaki na ang naitulong sa akin ni Cara at ‘di ko alam kung kaya ko bang matumbasan iyon.
Nagdiretso ako sa condo at nais na sana ay magpahinga bago bumalik muli sa Hospital ngunit napansin ko kaagad ang ilang mga lalaking nakaitim sa harapan ng pintuan ng condo ko. Nangunot ang noo ko at naunahan ng kaba. Napansin ko na bukas ang pinto noon kaya naman labis akong nagtataka kung sino ang nagbigay sa mga taong iyon ng code ng pinto ko.
Dali-dali akong tumakbo palapit sa kanila. Agad naman nilang napansin ang presensya ko.
“Sino kayo? Bakit ninyo binuksan ang condo ko? Trespassing ‘to!” madiing sambit ko sa mga naroon bago dumiretso sa loob.
Naabutan ko ang isa sa staff ng condominium at ang isang lalaki na nakatalikod sa akin.
“Anong ginagawa ninyo?” mataas ang boses na tanong ko.
Sabay silang lumingon sa akin. Sa halip na sa staff ay sa lalaking naka-suit ako napatingin. Namilog ang mata ko nang makilala siya. Oo, sinabi ko na ‘di ko halos matandaan ang mukha niya pero sinabi ko rin na kung sakali na makikita ko siya makikilala ko.
“A-anong ginagawa mo rito?” utal na tanong ko at nagpalipat-lipat ng tingin sa staff at sa kaniya.
Umangat ang sulok ng kaniyang labi at tila naaaliw sa nakikita.
“Uh… He’s Mr…” nahinto ang staff sa pagsasalita ng umangat ang kamay noong lalaki sa ere.
“You can leave us now,” aniya sa malamig at seryosong boses.
Hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin ko dahil wala akong kaalam-alam sa kung bakit siya narito.
“This is not trespassing, Mrs. Asera. I now own this building,” aniya.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Ano naman ngayon?
“Dahil ba pagmamay-ari mo na ay pwede mo nang pasukin ang kanino mang silid na matipuhan mo?” sarkastiko kong tanong.
Naningkit ang mata niya at naglaro ang kung anong emosyon doon.
Lumakad siya palapit sa sofa at doon ay parang isang hari na umupo.
“Why don’t you sit down, Mrs. Asera. I have something to discuss to you,” may kung ano sa boses niya na nagbibigay ilang sa akin.
Itinuro ng kamay niya ang katapat na sofa seat at hindi ko maalis sa akin na maalala ang nagawa ng kamay na iyon sa aking katawan. Pumikit ako ng mariin at kinagat ang labi upang kolektahin ang sarili. Is he not satisfied with what happened and he wants to take back the money? One way to find out.
Sinunod ko ang inutos niya at nagtungo roon. Ibinaba ko ang bag sa aking tabi at seryoso siyang hinarap.
“So… why are you here? Are you not satisfied of my performance?” buong tapang kong tanong.
Walang lugar ang hiya rito ngayon, Viviana. Nangyari na iyon at bilang isang babae na pumasok sa trabahong marumi, sa una pa lang ay dapat naitapon ko na ang hiya.
Nanunuot sa kalamnan ko ang klase ng titig na ibinibigay niya sa akin. Hindi ko alam kung galit, pagka-aliw o ano. Tumikhim siya.
“What do you think, Mrs. Asera?” malisyoso ang tanong niya na iyon.
Astang bubuka ang bibig ko upang itanong sa kaniya kung bakit Mrs. siya ng Mrs. sa akin ngunit naunahan na niya ako.
“If you think I am not satisfied, what will you do?” aniya at sumandal pa.
Ngayon ay para siyang isang principal na nagtatanong sa isang estudyante na may offense. Nagsalubong ang kilay ko at pinisil ang kamay upang pigilan ang sarili.
“You are here for that? You can’t take the money back, I see…”
Pumikit ako ng mariin at saka tumayo at tinignan siya, mata sa mata.
“I cannot give you back the money, Mr. whoever you are but I…” bumuga ako ng hininga nang hindi masambit ang salitang nais kong sambitin.
Naningkit ang mata niya at miski na ang sulok ng kaniyang labi.
“But what? You’re going to try if you can satisfy me again?” nanunuya niyang tanong at saka tinapunan ako ng tingin na may halong pang-iinsulto.
Parang sinisilaban ang kalooban ko dahil doon. Wala akong maaring ibalik sa kaniya dahil ang tingin na iyon ay naaayon sa pinasok ko. Sunod-sunod ang paglunok na ginawa ko bago tumango.
“I can. I will. I just can’t give you back the money,” pinipilit kong tatagan ang boses habang sinasabi iyon.
Ngumisi siya at hilaw na natawa pagkatapos ay nang-iinsultong tumango sa akin.
“Let’s see?” maangas niyang sambit. “Pleasure me.”
Nanginig ang tuhod ko dahil doon lalo na noong napalitan ng walang buhay at malamig na ekspresyon ang mata at mukha niya. Dahan-dahan akong lumakad patungo sa kaniya. Halos manlambot ako sa hiya habang nakamasid siya sa akin.
Sa gitna ng hita niya ay tumayo ako at kahit may bikig sa lalamunan at gustong umiyak dahil sa sitwasyon ay pinilit kong maging normal ang ekspresyon ko. Yumukod ako upang patakan sana ng halik ang kaniyang labi ngunit iniwas niya iyon. Dahil ayoko na magtanong, sa leeg ako nagsimula. Nanginginig ang labi ko at ninerbyos mabuti hindi lamang dahil sa hiya kundi dahil sa pait na nararamdaman. Ibang-iba sa naramdaman ko kagabi. Kahit papaano kagabi ay ‘di ko dama na isa akong bayarang babae.
Natigilan ako para suminghap at nagpatuloy. Gumalaw ang kamay ko patungo sa kaniyang trouser at inalis ang pagkakahugpong ng sinturon. Hinahayaan niya lamang akong gawin iyon na lalo ko pang ikina-nginig. Naramdaman ko ang pag-igting ng kaniyang panga at pagtunog noon. Nanginginig man at walang alam sa ginagawa ay ikinilos ko ang aking kamay sa kaniya. Sandaling naninigas ang kaniyang katawan ngunit ‘di ako tumigil.
Ginagaya ko lang ang napanood ko kagabi. Dahan-dahan akong bumaba paharap sa kaniyang puson at pikit-mata na gagawin ang isang bagay na labag sa aking kalooban ngunit bago ko pa magawa ay narinig ko na ang pagmumura niya na dahilan ng pagdilat ko. Sakto sa pagbukas ng aking mata ay ang pagsapo niya sa aking pisngi at sinalubong ng labi niya ang labi ko.
Masuyong halik ang ibinigay niya sa akin na mistulang gatilyo sa aking emosyon. Naramdaman ko ang pagdaloy ng luha sa aking mata dahil sa halo-halong emosyon na nadama ko kanina ngunit mas dama ko ang pait.
“F*ck!” sambit niya sa pagitan ng halik. Nilisan niya ang aking labi at pinatakan ng halik ang aking pisngi na basa ng luha.
“I’m sorry,” bulong niya bago muli akong hinalikan.
Hindi ko alam kung paano nabago ang pangyayari. Hindi ko alam kung bakit ako ngayon nakapa-ilalim sa kaniya habang humahalinghing gayong kanina ay mapait ang nararamdaman ko? Paanong ako ang nasisiyahan ngayon na nasandal sa may sofa habang nasa pagitan siya ng aking mga hita at muli akong binabaliw?
Ano ang ginagawa ko? Bakit nauwi sa ganito?
‘Just hope that you satisfied him this time,’ saad ko sa aking isipan.
Matapos kumawala ng sensasyon sa pagitan namin, ako ang naunang tumayo. Kahit pa nanlalambot at nanghihina ay pinilit ko ang aking sarili na tumayo.
Pinulot ko ang damit na hinubad kanina at hindi siya binabalingan ng tingin kahit pa ramdam ko ang titig niya sa akin. Halos fully clothed pa rin siya at ako lang ang nahubdan. Astang iiwan ko siya sa sala at papasok sa loob ng aking silid nang bigla siyang magsalita.
“You’re still in need, right?” bumalik sa pagiging malamig ang boses niya.
Natigilan ako at saka siya hinarap. Hindi ko na alintana na nakahubad akong nakatayo sa harapan niya gayong nagawa na niya lahat sa akin. May karapatan pa bang umakto na nahihiya ang isang bayarang tulad ko?
“Your son still doesn’t have a heart donor,” aniya.
Sa mukha niya bumalik ang pagiging seryoso at malamig.
“Paano mo nalaman ang tungkol diyan?” matigas ang boses ko nang sambitin ang mga salitang iyon.
Umiwas siya ng tingin sa akin.
“It doesn’t matter, Mrs. Asera. What’s important is to find heart donor for your son or he will die.”
Ang huling salita niya ang gumising sa galit ko.
“Don’t you dare involve my son here! He won’t die!” galit na galit kong sambit.
“Your son is the reason why you gave yourself to me, right? Don’t be a hypocrite, Mrs. Asera. Be my w***e and I will guarantee you, money won’t be a problem.”
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga salitang binitiwan niya. Salubong ang nangangalit kong kilay habang nakatingin sa kaniya. Inakala ko na kahit papaano ay may puso ang taong ito ngunit wala.
Pipi ko siyang tinalikuran at nagsimula muling maglakad ngunit muli ding nahinto ng siya ay magsalita.
“I know someone who’s willing to give their son’s heart,” aniya.
Iyon ang nagpalingon sa akin. Tinignan ko siya at nakitang walang halong pagbibiro ang kaniyang mata miski na ang tono ng boses. Tumayo siya.
“The family will only give that to those who’s close to them. I can ask for that…” nabitin ang kaniyang sinabi at tinawid ang pagitan namin.
“Only if you agree to my condition,” pagpapatuloy niya.
Bumagsak ang tingin ko sa isang malaking picture frame kung nasaan ang nakangiting picture ni Evan ay nakalagay. Sunod-sunod akong napalunok.
“Your choice, Mrs. Asera. I’ll give you an hour to think,” saad niya at saka ako nilagpasan.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ngunit agad din akong nagsalita.
“I’ll do it…” kiming sambit ko. Nahinto ang mga yabag niya.
Suminghot ako at tinatagan ang sarili.
“I’ll be your w***e and you’ll do everything to find a donor for my son.”