Phase 5

4033 Words
Alas otso ng umaga, sa halip na sa bahay ako dumiretso ay sa Hospital na ako nagpahatid. Katulad ng dati, naabutan ko pa rin ang anak ko na nakahiga at walang malay. Ang kaibahan lang ay mas marami na ang naka-konektang tubo sa kaniyang katawan na isang indikasyon sa mas lumalala niyang kalagayan.   Nagsisikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan siya. Hinaplos ko ang kaniyang buhok at pinatakan ng isang halik ang kaniyang noo. Tumulo ang luha ko sa kaniyang pisngi na agad kong pinunasan. Suminghot ako at tumingin sandali sa kisame upang mapigilan ang pagtulo pa ng luha.   Humugot ako ng malalim na hininga at saka suminghot-singhot.   “E-evan…” kinuha ko ang kaniyang kamay.   “B-babalik si Mommy dito t-tapos gagaling ka na…” kahit anong pigil ko ay tumutulo pa rin ang luha ko at ang hikbi ay hindi ko mapigilan.   Pihado nito, nagkalat ang make-up sa mukha ko.   “Ma’am, we need the heart transplant as soon as possible,” huling habilin ng Nurse sa akin.   Mahigpit ang kapit ko sa aking cellphone at hinihintay ang tawag ni Cara. Dalawang oras na lamang bago mag-alas siyete at lalong tumitindi ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba. Nagawa ko na ang lahat sa bahay upang kahit papaano ay mawala iyon sa aking isipan ngunit hindi iyon nangyari. Paulit-ulit ko lang naiisip na ilang sandali na lamang at magbebenta ako ng katawan sa hindi ko kilalang lalaki. Tinignan ko ang aking sarili sa salamin.   Walang kayos-ayos ang aking mukha. Nang tawagan ako ni Cara ay sinabi niya sa akin na bandang alas sais ay may darating ditong babae na mag-aayos sa akin at ihahatid ang damit na kailangan kong suotin.   Kanina bandang alas dos ng tanghali ay may isang text akong na-received at may ibinigay na link at code. Nang buksan ko iyon ay tumambad ang litrato ko roon at ang mga nag-offer ng malalaking pera sa akin. Sinimulan iyon sa sampung milyon hanggang sa ang iba ay nagpapataasan. Mapait akong napangiti at hindi lubos maisip kung bakit kaya nilang magtapon ng ganoon kalalaking pera ngunit ganoon talaga ang mundo. Kung wala sila, paano ang mga desperadang tulad ko?   “Kayanin mo, Viviana. Nagawa mo nga na ibigay ang sarili mo noon ng libre sa isang lalaking hindi mo rin kilala, ngayon pa ba?” mapait ang tono ng boses ko habang sinasabi iyon sa sarili.   Sumapit ang alas sais at narinig ko ang tunog ng door bell ng condo ko na sadyang luma na.   Nang buksan ko ang pinto ay agad na bumungad sa akin ang isang tantiya ko ay nasa mid-thirties na babae. Mapula ang labi at makapal ang make-up ngunit bagay naman sa kaniya.   “Eleonor,” aniya at inilahad ang kamay sa akin na siya ko namang agad na tinanggap.   “I’m Anna,” pakilala ko rin naman. Tumango siya.   Pinatuloy ko siya at saka isinara ang pinto.   “Halika, start na tayo at by seven ay baka nariyan na ang sundo mo,” aniya.   Sumundo ako sa kaniya ng pinaupo niya ako sa harapan ng vanity mirror sa aming sala. Nakakunot ang noo ko sa sinabi niya.   “A-ang sabi sa akin ni Cara ay ite-text niya sa akin kung sino ang magiging costumer ko bago ako magtungo roon,” sambit ko.   Tumango siya. “Oo, ganoon dapat pero dahil bongga ka at ang laki ng pinasok mong pera sa management, dadaan ka pa roon para maibigay agad sa iyo ang pera mo,” nakangiti niyang sambit.   “At saka malaking tao yata ang nakatipo sa iyo kaya hindi ibinigay ang pangalan. Wala rin naman na masasabi sa iyo si Cara, ‘di ba? Mysterious ang costumer,” dagdag niya pa.   Agad kong dinampot ang cellphone ko at nag-text kay Cara.   Ako:   Ca, hindi ba pwedeng malaman kung sino ang costumer ko? Kahit hint lang? Natatakot ako na baka isa siyang masamang ato o ‘di kaya ay sindikato.   Sinimulan ayusin ni Eleonor ang buhok ko habang ako ay kagat-labing naghihintay sa reply ni Cara. Ilang minute na ang nakalilipas at wala pa rin. Marahil ay tulog pa siya. Tumikhim ako at tinignan si Eleonor sa reflection sa salamin.   “May mga sindikato ba minsan na nag-bi-bid?” kinakabahang tanong ko.   Sinulyapan niya ako sa salamin at saka ngumusi.   “Karamihan. Iyon iyong mga palalayasin ka na lamang after ng sarap,” aniya.   Napalunok ako dahil sa nakumpirma.   “Huwag kang mag-alala. Hindi ka naman nila babalakin patayin unless may nagawa kang hindi maganda,” dagdag niya pa.   Lalo akong kinilabutan. Paano kung kapag nasa sitwasyon na ako ay bigla akong nerbyusin at ‘di sinasadyang umiwas sa mga haplos niya? Hindi kaya tutukan ako ng baril noon? Pera lang ang hangad ko kaya naman hindi ko lubos maisip na maaring mauwi sa wala ang paghihirap ko.   “Kinakabahan ka. Wala pa namang nangyayaring ganoon,” bakas sa boses niya ang pag-e-encourage sa akin.   “P-posible ba na hindi lang ang isa ang magpaparaos sa katawan ko?” nanginginig ang labi kong tanong.   “Minsan lang at nasa sa iyo na rin kapag gusto mo. Sa tingin ko dahil malaki ang binayad sa iyo ay hindi ka mahahawakan ng kung sino lang. Tulad nga ng alam mo, bago ka kaya mabenta ka,” paliwanag niya.   Ang usapan na iyon ang nagpapatindi ng kabog ng dibdib ko. Noong sumagot si Cara sa text ko ay iisa lang ang sinabi niya katulad ng sinabi ni Eleonor.   Cara:   Private din ang info at mukhang bilyonaryo. Pihadong sagot na miski ang pagpapagaling ng anak mo at ang future niya! A hundred million for you, my friend!   Halos lumuwa ang mata ko sa nabasa.   “Totoo ba ‘to? Isang daang milyon?” bulalas ko dahil sa gulat.   Humalakhak si Eleonor at tinapik ako bago nagtungo sa harapan ko para sa make-up.   “Oo, be! One hundred million at ikaw pa lang ang nakapagpapasok ng ganiyang kalaking pera sa club sa isang bagsak lang,” tunog pamumuri niya sa akin.   Sa halip na matuwa ay lalong bumagsak ang balikat ko. Sa ganoon kalaking pera, ano ang dapat kong i-expect mamaya?   “Isang daang milyon para sa isang gabi…” wala sa sarili kong sambit.   “Kapag humahaplos na siya sa iyo, ipikit mo lang ang mga mata mo at isipin  ang pera na iyon para makayanan mo,” pagbibiro niya na ikinapait lamang ng sistema ko.   Sumapit ang alas siyete saktong pagkatok ng isang lalaking naka-suit ay ang pagkatapos ng pag-aayos sa akin ni Eleonor. Noong una akala ko ay siya ang nakabili sa akin ngunit sinabi ni Eleonor na ito ang isa sa guard ng Club High’s, ang club kung saan ako pumasok as escort.   “We’re heading to the club,” sambit noon at nang simulang paandarin ang makina ng sasakyan.   Hindi ko siya sinagot at ibinaling ang tingin sa bintana at pinilit kalmahin ang sarili.   “Para ito sa anak mo,” pagpapalakas ko sa sa sarili.   Kinse minutos ang itinagal ko sa loob ng sasakyan at agad din naming narating ang isang magarang building na nakasulat ang Club High sa ibabaw.   “Just tell the bouncer the name you used and asked where the office is.”   Sinunod ko ang sinabi noong lalaki. Apat na bouncer ang dinaanan ko bago pa ako iginaya noong hostess sa isang pasilyo na kayraming mga pinto.   “Sa dulo, naroon ang kulay gintong pinto. Doon ka kumatok, okay?” aniya.   Pihado ang bawat kong paghakbang, hinihila pababa-taas ang maikling fitted dress na ipinasuot sa akin. Iniiwasan ko rin ang maingay na pagtama ng heels ko sa sahig dahil ayoko na makaagaw ng pansin. May ilang mga babae na lumalabas sa ilang pinto roon at sinasalubong ako ng kuryusong tingin.   Nagmadali ako upang marating ang pintuan na itinuro sa akin at kumatok ng tatlong beses. Ilang sandali pa ay bumukas iyon at agad na sumalubong sa akin ang isang lalaki na naka-pormal na suot.   “You must be Anna!” aniya at ang boses ay tunog babae. He is a gay, I think.   “Come, come! Our most expensive escort!” tunog nagagalak niyang sambit habang ako ay napangiwi na lamang.   “We’re very glad you came to us! Dahil diyan ay malaki ang maiuuwi mo ngayon and isa ka sa pinakamabilis na nakaakyat sa chart ng top five best escort namin. If you still want to do one more, you are free to message us, okay?” masigla ang boses niyang sambit.   Pumasok muli kami sa isa pang silid at doon ay may mga papeles na napakarami at nakasalansan sa iba’t ibang estante. Pumunta siya sa isang cabinet at doon ay hinugot ang isang sobre.   “Here’s the hundred thousand money para may magagamit ka while the other one is the check worth sixty eight million,” aniya.   Nanginginig kong tinanggap iyon at ‘di pa rin makapaniwala noong mahawakan ko na.   “As for your costumer, he’s a new one. He is a very private person but I can assure you that he’s not someone who will do cruel things to you. Sure na makababalik ka na walang galos o kahit na ano,” aniya.   Kahit na nalaman ko iyon ay ‘di pa rin ako nakampante.   “Isa siyang businessman, iyon lang ang pwede kong sabihin,” aniya at sa tingin sa akin ay may kakaiba.   “The Mercedes Benz is at the entrance. Halos magkasunod kayo. Doon ka sasakay, okay?”   Paglabas ko sa room na iyon ay nakasalubong ko ang iba pang mga babae na ngayon ay may inggit sa tingin sa akin at may mga bulungan akong naririnig.   “Siya iyon! Ang laki daw agad kahit bago pa lang. Ano kayang meron diyan?”   Bumuntong-hininga ako at isinawalang-bahala iyon. Sa totoo lang ay hindi naman ako swerte tulad ng inaakala nila at hindi ko ‘to gagawin kung hindi ako desperada na maipagamot ang aking anak. Humigpit ang kapit ko sa bag na hawak ko kung saan ko inilagay ang pera. Sasapat na iyon para sa operasyon at higit pa. Ngayon, Viviana, ikaw naman ang dapat na tumumbas sa pera na iyon.   Si Evan, si Evan… Si Evan… Siya lang ang mahalaga. Hindi ang aking puri, hindi ang katawan, hindi ang dignidad kundi ang anak ko. Paulit-ulit kong sinasambit sa isipan ko ang mga salitang iyon.   Lulan ng isang magarang sasakyan ay lumulutang ang isip ko sa kawalan at mas lalong tumitindi ang kaba na nararamdaman. Ilang sandali lang ay pagpaparausan ang katawan ko. Sandali lamang iyon, Viviana at siguradong makakasama mo sa mahabang panahon ang iyong anak.   Pumasok ang sasakyan sa loob ng malaki at sikat na sikat na village kung saan tanging mga mayayaman lamang talaga ang makaa-afford. Nakatanaw ako sa mga naglalakihang bahay na nadaraanan namin. Minsan sa isip ko ay natanong ko kung may pag-asa ban a makatira ako sa ganoon kalaking bahay at mamuhay na parang isang reyna na walang pinoproblemang financial. Malabo iyon.   Nang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang tila opisina lamang ang laki ng bahay ay gusto kong magtaka dahil hindi iyon ang aking inaasahan subalit naunahan ako ng kaba at nagsimulang mangatog ang tuhod ko. Sinusubukan ko kumalma ngunit hindi ko magawa. Bumukas ang pintuan ng sasakyan at iniumang noong driver ang kamay sa akin upang alalayan ako ngunit ilang sandali pa siyang naghintay bago ko napilit ang aking katawan na kumilos.   “This is where he will meet you. Wait until ten o’clock or if he won’t show up, don’t leave until it’s five in the morning,” pagbibigay instructions sa akin ng lalaki ngunit ‘di ko na lubos na nauunawaan.   Nang makalabas ako sa sasakyan ay agad siyang bumalik sa loob at pinaandar iyon palayo sa akin. Nakatanaw ako roon hanggang sa tuluyan nang naglaho sa paningin ko. Bumalik ang tingin ko sa maliit na bahay na iyon. Mistulang maliit pa kaysa sa aking condo at kung susumahin sa tingin ko ay para lamang sa guard. Hindi ko gusto ng umupa sa katawan ko na malaman ko kung saan ang bahay niya sa mga naglalakihan na nadaanan ko kanina. Kung gayon pala ay bakit na lamang niya ako dinala sa isang Hotel?   ‘Baka ayaw niya gumastos dahil masyado ng malaki ang nagastos sa iyo, Viviana,’ sita ko sa aking isipan.   Umihip ang malamig na hangin na dahilan nang panginginig ko. Napilitan akong lakasan ang loob at magtungo roon sa maliit na silid na iyon. Nang pihitin ko ang door knob ay agad na bumukas iyon at tumambad sa akin ang walang kalaman-lamang silid. Wala as in. Ni miski alikabok yata ay hindi iyon dinadapuan. Luminga-linga ako upang tignan kung may tao at hindi alam kung matatawa ako o maiinis dahil sa nakita? Hindi kaya pinagti-tripan lamang ako ng driver kanina?   “Pero ang isa sa management ang nagsabi na iyon ang maghahatid sa akin?” bulong ko.   Agad kong kinuha ang cellphone ko sa maliit na bag na dala ko at tinawagan ang number ni Cara. Dalawang magkasunod na ring lang at sumagot siya.   “Oh? Kamusta? Nasa club ka na ba?” aniya.   Tumikhim ako at saka hinaplos ng kaliwang kamay ang balikat ko.   “C-cara. D-dinala ako noong sinakyan ko sa isang sikat na village pero ibinaba ako sa tapat ng maliit na silid at nang buksan ko ay walang kahit anong laman ‘to. H-hindi kaya nagkamali iyong nagdala sa akin?” naguguluhan kong tanong.   Narinig ko ang pagkalansing ng kung ano sa kabilang linya.   “Huh? Imposible na magkamali. Baka naman diyan ka talaga? May sinabi ba sa iyo ‘yong naghatid?” miski siya ay nagtataka.   “Ang sabi niya lang ay maghintay ako hanggang ten at kung walang dumating ay hintayin ko na mag-alas sinco ng umaga bago ako umalis,” paliwanag ko.   Narinig ko ang pag-ingos ni Cara.   “Ang labo naman? Baka may saltik iyang costumer mo, ‘di kaya?” nahihiwagaan niyang tanong.   Bumuntong-hininga ako at sinimulan muling kabahan.   “Ang sabi noong nakausap ko ay kilala niya ang lalaking nagbayad sa akin at nasisiguro niya raw na makababalik ako ng buong-buo,” sambit ko.   “Eh?” ang tanging nai-sagot sa akin ni Cara.   Ilang sandali pa at pinili ko na lamang na pumasok sa loob at isara ang pinto upang kahit papaano ay ‘di ako makatawag pansin sa kung sino man na maaring dumating.   “Ang swerte mo kapag hindi siya dumating, huh pero huwag ka mag-alala. I-text mo sa akin kung saan ka ngayon at kapag six ay ‘di ka pa nakababalik sa club ay pupuntahan na kita, okay?”   Doon natapos ang tawagan namin ni Cara. Sa ikli ng suot ko ay damang-dama ko ang lamig sa loob ng silid na iyon. Wala ring upuan dito at tanging sahig lamang ang aking mapagtitiisan. Sa una ay ayoko na maupo at baka sa ‘di kaaya-ayang posisyon ako datnan ng costumer na nakabili sa aki. Isa pa, nang maalala ang tungkol sa sixty eight million pesos na nasa bag ko ay inisip ko kung sa paanong paraan ko mapapalitan iyon. Napakalaking pera at kung isang simpleng s*x lang ang makukuha niya sa akin ay parang imposible. Wala akong kamalayan sa makamundong gawain. Lasing ako noon nang may mangyari sa amin ni Evan at hindi iyon kailanman nasundan dahil hindi ko ginusto na kung sino-sinong lalaki lamang ang makagagalaw sa akin. Tama na iyong isang beses na pagkakamali. Marami rin naman ang sumubok na manligaw sa akin ngunit wala sa isip koi yon noon dahil na kay Evan na natuon ang atensyon ko. Kaya naman hindi ko lubos maisip kung paano masa-satisfy ng isang tulad kong walang alam sa s*x ang lalaking iyon.   Sa malaking halaga, kung hindi siya masa-satisfy, ang isang beses ay maari pang maulit at ‘di ko gustong mangyari iyon. Aaminin ko man na minsan ay naiisip ko kung ano ang pakiramdam noon dahil hindi malinaw sa hinagap ko ngunit ‘di ako kailanman sumubok na pumasok sa bar at basta na lamang humanap ng lalaki for one night stand.   Sa labis na pagkainip ay naisipan ko na lamang manood ng video na may tagpong ganoon ng sa gayon ay hindi ako gaanong mangmang ngunit nang sumapit ang alas onse ay tuluyan na akong nangawit at lubusang nainip sa kapapanood at paghihintay kaya naman umupo na ako sa sahig at naisip na hindi na marahil darating ang costumer na iyon.   Nagpadala agad ako ng mensahe kay Cara at sinabi na wala pa rin ang costumer at baka hindi na ito darating. Ang kailangan ko na lamang ay maghintay hanggang alas sinco nang umaga at pwede ko na lisanin ang lugar.   Sa kahihintay at sa sobrang tahimik ng paligid ay ‘di ko namalayan na hinila ako nang antok. Yakap-yakap ko ang aking mga braso at binti sa posisyon ko kanina upang kahit papano ay maibsan ang lamig sa aking katawan.   Naalimpungatan ako nang maramdaman na may humawi sa buhok ko at agad na idinalat ang mata upang maging alerto. Sumalubong sa akin ang isang lalaki na may makapal ngunit hubog na kilay, may kulay dark brown na mata at mapupulang labi. Matangos ang ilong niya at may kaunting balbas sa ibaba ng labi. Kunot ang noo niya at may malamig na tingin sa akin ngunit ang siyang napansin ko ay ang ka-miserablehan na nakabalatay sa kaniyang mukha. Sa tantiya ko sa kaniyang edad ay nasa twenty nine or thirty siya. Makisig at magandang tindig ng katawan, nagsusumigaw sa otoridad kung paano siya kumilos.   Binawi niya ang kamay sa paghawi sa buhok ko; umalis siya sa pagkakayukod at tumayo dahilan kung bakit papaano nakalayo siya sa akin. Para akong natauhan at nagmamadaling tumayo at pinagpagan ang sarili.   “I-ikaw iyong…” hindi ko maituloy-tuloy ang sasabihin ko dahil hindi ko alam kung paano ko siya ia-address ngayong nasa harapan ko siya.   Kumibot ang dulo ng labi niya at ngayon ko lang napansin ang pamumungay ng mata niya. Bahagya ko rin naalala na nakaamoy ako ng alak habang malapit siya sa akin. Nakaramdam ako ng hiya sa klase ng tingin na ibinibigay niya na tila ba napaka-cheap ko. Sa totoo lang ay inaasahan ko na matanda ang costumer na nakakuha sa akin ngunit sumibol ang pagtataka sa akin na isang binata iyon na may mala-diyos na itsura. Bakit niya kailangan magbayad ng milyon para lamang makasama ang tulad kong simple lang kung kaya naman niya makuha ang kung sinong babae na nais niya. Ganoon ang tipo ng itsura niya. Isang ngiti at kindat sa isang babae sa bar ay makukuha niya ito. Hindi nga lang sa tulad ko na problemado.     “So, you’re Viviana Asera…” sambit niya sa magkahalong marahas at mababang boses ngunit mas depinado ang paggaralgal doon dala ng kalasingan.   Nagulat ako at nagtataka sa kung paano niya nalaman ang tunay kung pangalan at mistulang magtatanong ako nang muntik-muntikan siya mawalan ng balanse na agad kong sinalo lamang. Narinig ko ang pag-asik niya.   “Touch me, f*ck! Don’t!” galit na sambit niya kaya naman hindi ko maintindihan kung bibitawan ko ba siya o hindi dahil pakiramdam ko ay tutumba siya kapag ginawa ko ‘yon.   Kumpara kanina, mas amoy ko na ang alak sa hininga niya.   “I said don’t… f*cking touch me!” he growled.   Pumikit ako nang mariin dahil sa pagkairita ngunit pinigilan ko ang aking sarili na pagtaasan siya ng boses.   “Paano ko po kayo mabibitawan kung kayo mismo ang nakakapit sa akin,” malumanay pa rin ang boses ko kahit sinusumpong ng pagkairita.   Mula sa bahagyang pagkakayuko ay iniangat niya ang ulo at sinalubong ang aking tingin. Lumikha ng isang nanunuyang ngisi ang kaniyang labi.   “So… you are telling me I like touching you?” tanong niya na ang tono ng boses ay parang ‘di makapaniwala na ganoon ang iniisip ko.   Sasagot pa sana ako nang inalis niya ang pagkakahawak sa braso ko ngunit dumapo naman ang kamay sa aking baba at saka ngumisi.   “On second thought…” he murmured. “Why not, right? I paid hundred million for you so why not…” dagdag niya pa at saka gumapang ang kamay mula sa aking baba patungo sa likuran ng ulo ko.   Bago ko pa malaman ang balak niyang gawin ay nadala na ako nang pagtulak niya sa katawan ko sa pader. Napapikit ako dahil sa pag-alog ng ulo ko kahit pa ang kamay naman niya na nakahawak sa ulo ko sa likod at tumama sa pader. Nang magdilat ko ng mata ay hindi ko inasahan ang marahas na paglapat ng labi niya sa akin miski na ang galaw noon.   Tila natulos ako sa kinatatayuan at hindi maapuhap ang sarili dahil sa pagkabigla. Aaminin ko na inaasahan ko na ito ngunit nagulat ako sa pagbabago niya ng nais. Kanina lamang ay ayaw niya akong hawakan.   Bumalik sa isip ko ang sinabi niya. He paid a hundred million for me. Oo nga naman. Dapat niyang sulitin ang ganoon kalaking pera. Hindi ko alam kung saan napunta ang kaba ko kanina ngunit ngayon ay hindi ko na iyon maapuhap. Isa na lamang ang nasa isip ko. Tapusin ang gabing ito. Marahil dahil lasing siya ay malakas ang loob ko. Sa una ay hindi ko sinasagot ang kaniyang halik ngunit kalaunan ay ginawa ko rin.   Just give him what he paid for, Viviana.   Hinayaan ko na maglakbay ang kaniyang kamay sa katawan ko. Hindi kumikilos ang ibang bahagi ng katawan ko maliban sa labi at dila. Hinahayaan ko lang siya. Noong una ay tanging mararahas na halik ang tinatanggap ko sa kaniya ngunit kalaunan ay unti-unti iyong naging marahan. Hindi ko alam kung dahil sa pagbabago ng ritmo ng halik niya ako nadala. Natagpuan ko na lamang ang sarili kong mga kamay na nakakawit sa kaniyang leeg.   Bumaba ang halik niya sa aking leeg at marahan na sinisipsip ang balat noon. Dahil satin lamang ang kasuotan ko ay napakabilis niyang magkaroon ng access sa aking dibdib nang hilahin niya sa pamamagitan ng kagat ang strap noon. Bumagsak ang isang strap at bumaba ang halik niya sa aking kanang dibdib. Ang kaliwa niyang kamay ay siyang naglalaro sa isa ko pang dibdib na natatapalan lamang ng may kanipisang padding ng damit ko ngunit alam kong dama niya ang paninigas ng maselang bahagi noon. Kumawala ang ungol sa aking labi at halos maliyo.   Sa pagkakataong ito ko lang nalaman na wala akong alam sa kakaibang pakiramdam na ipinahahatid ng ganitong tagpo miski na ako ay nagkaanak.   “Uh… hmmm…” umalpas sa labi ko ang mga halinghing na iyon na gusto kong ikahiya ngunit walang puwang ang isip ko roon.   Nakasandal ako sa pader at ang ulo ay pabiling-biling. Hindi ko na napansin kung paano niya inalis sa likuran ng ulo ko ang kaniyang kamay at kung paano iyon napunta sa aking hita na ngayon ay nagpapadagdag kiliti sa aking puson.   Umakyat ang kaniyang kamay sa aking kaselanan at kahit pa may harang pa iyon na manipis na tela ay nahanap niya kaagad ang gitna na dahilan ng pag-angat ng aking balakang. Alam kong ramdam niya ang pagkabasa ko roon na siya pang ikinahihiya ko ngunit nawala lahat iyon sa biglaang pagkilos ng kaniyang daliri na pinagsimulan muli ng sunod-sunod kong pag-ungol.   Nilisan niya ang dibdib ko at saka bumaling sa aking leeg at sa aking tenga.   “F*ck this! You’re so wet…” he murmured through my ear.   Iniangat niya ang isang hita ko sa kaniyang baywang upang mas lalong magkaroon ng access sa baba ko.   “I’ll make sure you’ll beg for more…” usal niya saka sinipsip ang sensitibong bahagi sa aking leeg.   “Make you beg more than what he made you did…”   Hindi ko alam kung ano ang kaniyang tinutukoy dahil mas naka-focus ako sa namumuong tension sa aking puson na gawa ng malikot niyang kamay sa aking kaselanan.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD