Phase 10

3688 Words

Mabilis akong nagdilat ng mata at pinakiramdaman ang katawan bago napabalikwas sa pagkakahiga. Sumakit ang ulo ko sa pagkakaalog noon ngunit mas pinili kong igala ang mata sa loob ng silid at halos makahinga ng maluwag nang makitang walang bakas ng ibang tao na nagpunta rito kagabi. Hanggang ngayon ay hindi nawawala sa isip ko ang hakahaka ko kagabi na nais nilang gawin sa akin. Natural lamang na maisip ko iyon lalo pa’t ganoon ang nakita ko sa kaniyang mga kaibigan.   Bumuntong-hininga ako at saka nanlalambot na sumandal sa headrest. Nang iangat ko ang aking kanang kamay para tignan sana ang oras sa relo ay napansin ko na wala iyon doon. Nangunot ang noo ko at iginala ang tingin sa vanity mirror sa tapat kung saan ko inilalapag ang mga gamit ko na nais kong mabilis ding makuha at nahana

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD