SA BUONG okasyon ay nakabusangot lamang ako. Nakaka-beastmode lang kasi. Panghinalaan ba naman daw akong juntis. Bakit, masama bang lumafang ng ganoon karami? Buntis agad-agad? Alam ko namang may 'nangyare' sa amin ni Dark pero, ay, tsk, kasi naman. Pwede naman siguro na galit-galit ako pag may time kapag kumakain ako no? At ito namang katabi ko ay kanina pa nakangisi. Sinakyan pa ang pang-iinis sa akin. Sarap lang bangasin ang pagmumukha sa sobrang inis ko. Dahil naiinis ako at padabog akong tumayo dahilan para bumaling ang atensyon nila sa dyosang gaya ko. "Where are you going?" Wala paring emosyon na tanong ni Dark pero ang damuho nakangisi parin. Sinamaan ko naman ito ng tingin. "Kakain!" Naiinis kong sagot sa kanya. "Kakain ako kasi nga buntia ako diba? Kaya kakain ako ng mad

