LAGLAG ang panga ko sa nakikita. Sa tanang buhay ko ay ngayon lamang ako nakakita ng lalaking umiyak. At imposible pa dahil ang lalaking ito ay si Dark. Hindi lang talaga ako makapaniwala. Para akong nanaginip ng imposible na naging posible. Napakurap-kurap ako ng ilang beses. Tinatantya ang pangyayaring ito. Parang gusto kong kurutin ang sarili at magising sa kahibangan. "s**t!" Daing nito, dahil sa kurot ko sa kanya na naging dahilan para mahinto ito sa pag-eemot niya. Sinamaan naman ako ng tingin nito. Nakow! Alangan naman na kurutin mo ang sarili ko. No. Dahil isa akong dyosa hinding-hindi mangyayare ang bagay na iyon. Kinurot ko ulit siya na sapagkakataong ito ay ang dalawang pisngi naman. "Fvck!" Tinampal naman niya ang kamay ko. "Stop it!" Singhal nito at hindi makapaniwal

