PANG-ILANG BESES ko na ba itong hikab sa araw na ito? Hindi ko na mabilang sa dami. Tatlong araw na ang nakakalipas nang mangyare ang tangpong iyon kasama si Dark. At higit sa lahat, tatlong araw akong tulog dahil doon. Oo. Tama. Tatlong araw. Aba't, may tinurok pala sila sa akin na kung anu ng hindi namin napapansin ni Dark. Hindi ko naman nararamdaman ang sakit. Wala akong maramdaman sa oras na iyon. Nagtataka nga ako kung ano ang ginawa ng lalaking nakamaskara. Wala akong kaalam-alam na may tinurok na pala sa akin habang may kinakaharap si Dark. Lagi ko ngang kinukulit ang damuhong iyon at lagi rin masamang tingin ang sinasagot sa akin. Nakakainis na nga, sarap sabunutan bangs ng isang iyon. Ngayon lang talaga nai-stress ang ka-dyosahan ko ba. At hindi rin malaman-laman kung baki

