NAPADAING ako sa sakit ng bigla-bigls na lamang akong marahas na ihinagis ako ng isa sa mga tauhan ni Vianno dahilan upang muntik na akong ngumudngod sa sahig. Sinamaan ko naman ito ng tingin pero hindi na ako pinansin nito dahil agad na itong umalis sa silid na tinutuluyan ko. Kanina, habang walang tigil ako sa kakaiyak sa nalaman ko ay bigla na lamang ako hinila nito at ibinalik rito. Pero ang kinaiinis ko lang ay sinara ang pagmo-moment ko kanina. Sarap sipain ni koya. Kung may lakas lang ako ngayon dahil na drain na lahat dahil sa nalaman ko kanina ay malamang sa alamang tinabunutan ko na ang kalbong iyon. Akala mo kung sinong gwapo kalbo naman. Padabog akong tunayo at pinagbagan ang dumi sa aking damit. Kapagkuwan ay masama kong tinitigan ang pinto kung saan lumabas ang kalbong

