PARANG nawawalan na ako ng pag-asa dahil ilang oras na ako kakalangpag sa pintuan at kakasigaw na humihingi ng ruling ngunit wala paring nakakarinig sa akin. Sa hauling pagkakataon at malakas na sinipa ko ang pinto at napadausdos sa sobrang pagod. Gusto kong maiyak dahil sa frustasyon at takot na aking nararamdaman. Nasaan ba ako? Saan ba nila ako dinala? Kaninong lugar ito? Nasaan si Dark? Nasaan sila? "D-dark..." napasinghot ako at unti-unting nararamdaman ang mga luhang lamina pa nagbabadyang pumatak. Sana pala hindi ko iniwala ang dalawang iyong hindi sana ako mapupunta sa lugar na ito. Hindi ko alam kung ilang araw o oras ako nawawala pero sa pagkakaalam ko dyosa ako at hindi walking calendar at orasan. Waaaah! Nasaan ba sila? Sa pagkakatanda ko ay kasama ko s

