HABANG binabagtas ang may kahabaang pasilyo ng mansyon. Hindi ko mapigilan ang mangamba. Dalawang araw na rin ang nakakalipas matapos ang nangyari sa tahanan ng mayor. At hindi parin mawala-wala sa akin ang kabahan sa tuwing maalala ko si Vianno. Nasa poder pa lamang ako pansamantala rito ay alam ko na kung ano ang magagawa at magawa pa lang nito. Dahil ako mismo ay saksi sa ginawa nito sa isa niyang tauhan. Ang pagtraydor sa kanya, walang pag-aalinlangan na ginilitan niya ito ng leeg sa harapan mismo ng mga tao niya. Wala sa sarili ako napabuntong hininga. Paano pa kaya na malaman niya na trinaydor ko siya. Ang sarili niyang pinsan ay trinaydor siya. Pero, wapakels ako, hindi naman kami buo na pinsan. Ang kinabahala ko lang talaga ay ang gagawing hakbang nito. Alam ko, napakatal

