Chapter 1 ANG PAGTATAGPO
Andrea 's POV
"Don't allow the voice of your fears to be louder than the other voices in your head. Make sure the voice of reason, the voice of belief, the voice of confidence are all strong enough to drown it out."
"Kring...Kring...Kring..."
Naputol ang pagmumuni muni ko ng biglang tumunog ang aking phone.
"Hello Andrea, anu na kelan ka uuwi? ano na ang plano mo? " ang sabi ng nasa kabilang linya
"Mama, I miss you! Opo, uuwi ako dyan pagkatapos ng finals namin." sagot ko sa mama
"Marami nang nagtatanong kung uuwi ka para makapag enroll sila sa summer music workshop mo, sayang naman diba ang income".
Nangungulit na naman ang mama sakin kasi marami na daw ng iinquire sa bahay kung magtuturo daw ako uli ngayung summer ng Voice lesson. Hinahanap na talaga ako nila dahil sa bukod na magaling daw ako magturo, mabait pa daw na teacher at mala moderno na style pa and recital ko.
"Yes Ma, magwoworkshop parin ako this summer para makabili ako ng bagong cellphone ko" sabay tawa niya.. "basta uuwi ako dyan bago mag Fiesta sa atin. Ok, sige ma maglalaba pa kasi ako.. bye! see u soon! ang malambing na sabi ko sa mama
Sabado ng umaga, araw ng paglalaba ko ng aking mga damit.
"hay,.. buhay malayo sa pamilya, konting tiis nalang dai makakauwi ka na sa bahay nyo, at buhay prinsesa ka na naman uli".. sabi ko sa sarili ko.
Pagkatapos kong maglaba, kumain ako ng breakfast at bumalik sa kwarto para magpahinga uli.
Ako ang tipong hindi mahilig maglakwatsa, mas gusto kong mahiga and matulog sa apartment lang pag walang pasok. Sa idad kung 23 years old di ko naranasan na mag bar hopping, inuumaga sa bar or magdisco. Ok na sa akin ang mag sss or magtext sa mga friends ko. At saka wala man akong boyfriend na mgdidate sakin. kunsabagay mas matanda man ako sa mga classmates ko and sa department namin mga busy man kami sa studies namin.
Pero meron naman akong naging boyfriend puro nga lang mga LDR. Actually mag iisang taon na nung ako ay nakipagbreak sa bf kung babaero na feeling sobrang guapo..hahahaha... Kasi naman mas gusto nya yung wild kesa akin na walang alam.....hahaha..... Me naging Bf ako pero di nagtagal dahil sa inahas naman ng anak ng kasera ko. Kaya natututo nadin ako na set aside muna ang lovelife.
Makalipas ang tatlong araw...
Araw ng pag uwi ko sa probinsya namin.
Honk! Honk! Honk!
"Hay , salamat dumating na ang barko, makakauwi na din ako."
Siksikan ang pier dahil maraming pasahero na uuwi ng Negros. Tapos na kasi ang 2nd semester and papuntang Holy week na din.
Isa ako sa mga nakipagsisikan para makauwi lang sa amin.
Makalipas ang isang oras, nasa Bacolod na ako. Siempre me sumundo sakin malayu pa kasi bahay namin another 1hour pa papunta sa bahay namin. Bago kami umuwi nagpasyal pa muna sa mall, ng grocery pa at me mga dinaanan na mga importante pa.
Kasama ko pala ang aking Mama at ang aking kapatid na lalaki na ngdrive ng sasakyan namin.
Ginabi na kami sa pag uwi...
Kinaumagahan....
"Andrea, gising na pinapapunta ka ng Mama mo sa tindahan. tumulong ka daw dun at nang makita ka ng mga tao na dumating kana".sabi ng katulong namin.
Hay naku ang mama talaga.. " Ok po, bababa na po ako..
Pagkatapos kung maligo, dumaan muna ako sa papa ko sa office nya.
"Hi Pa.. alis muna ako. punta muna ako kay mama, meron ka bang ipapadala?"
"Ay oo anak, me iuutos ako sayu.. Idownload mo nga ako ng mga music na cha- cha request kasi ng mga anak nang namatay na yun ang music na ipapatugtug sa funeral car ng nanay nila.. " sabi ng papa
"ngek! 0k sige pa.. " natawa nalang ako habang pasakay sa pedicab.
ay siyanga pala, for the information of everybody may ari pala kami ng isang funeral home sa lugar namin. Si mama ko naman ay may grocery store sa tindahan..
nung hapon din yun, pumunta ako ng internet cafe. di pa kasi uso yung internet or wifi sa mga bahay. Dalawa lang ang internet cafe sa lugar namin. Sadyang piniili ko yung malapit sa market. Mas konti lang tao dun at hindi maingay pa.
Pagkababa ko sa traysikle, sumenyas na agad ako sa may ari ng computer shop.
"Hi. good afternoon Kuya JV, kumusta po? " bati ko sa may ari.
" Hello Dai. kumusta ka? Nakauwi ka na pala.. napasyal kaman? sabi ni kuya JV
"Kuya, magpapadownload ako ng mga musics po me available ba na cubicle po?"
"Aws, sige nasa loob man si Ralp, Pasok ka nalang" Sabi niya..
Pagpasok ko sa loob..
"hi Ralp, aaahh Ayyyy.. aaa....aaaahhhhhggghhhaay!!" napatili ako dahil nadulas ako sa sahig....
Jed's PoV
Time check 10 in the morning, Friday..
"Hi Ma'am, Good morning! How may i help you?" Nakasmile na binati ko ang papalapit sa mesa ko na babae.
"Hello Good morning po Sir, mag inquire lang sana ako kung ano ang requirements para ako makaloan? " sagot ng babae
Me kinuha ako sa drawer ko tapos binigay sa babae.
"Eto po maam yung icocomply nyo po, tapos balik nalang kayu once complete na yung documents nyo."
"Ok, salamat Sir" sabay tayo ng babae
"You're Welcome...
(Si Jed ay isang banker at ilang years na din siyang ngtatrabaho sa bangko as loan officer. Punuan sila ngayun dahil Friday. Maraming nagahahabol ng mga bayaran at iba pa.)
Binuksan ko uli ang drawer ko habang wala pang kliyente. Tiningnan ko ang papel na nasa sobre at nireview ko uli ang laman ng sulat na ginawa ko. Resignation letter ko ito na ipapasa ko na kay sa manager namin. Itutuloy ko na ba to ang pagresign ko. Sabi ko sa sarili ko. Final na talaga to at sabay hinga ng malalim.
"Jed, pinapatawag ka ni maam" tapik ng kasamahan nya sa bangko
"Aws, sige2x salamat". Ibinalik ko muna ang liham sa sobre at nilagay sa drawer ko. Pagkatapos tumayo ako agad para puntahan ang manager namin sa office nya.
"Maam, pinapatawag nyo daw po ako?" Bungad ko sa boss ko
"Yes, yes! Take a seat. Meron akong bagong assignment sayu kung papayag ka." Sabi agad ng boss ko na babae. Nasa mid fifties na ang idad pero parang bagets parin ang looks.
Nabigla ako, panu ba to tatanggapin ko ba or hindi na. Papasa na sana ako ng letter of resignation ko. Napaisip tuloy ako.
"Anu Jed? Tatanggapin mo ba?" Sabi ulit ni maam
"Hmm.. Saan po yan Ma'am? Tanong ko sa kanya.
"Sa Bacolod " nakangiting sabi ni Ma'am. Kasi alam nya na malayu ito sa lugar namin. .
"Ma'am? Ang layu layo naman hehehe " napaisip na naman uli ako. Hay naku, paanu ba to?.
" Ok! Sge po, tatanggapin ko nalang po".Biglang sagot ko.
Sabay hinga ng malalim, bahala nalang. Sayang naman itong opportunity na to kung di ko tatanggapin at saka di pa ako nakapunta ng Bacolod. Saka nala ako magresign pagkatapos ng assignment na to.
"Ok, good... Next week na to kaya magprepare ka nalang ng mga dadalhin mo. Mag undertime ka nalang today para makapag ayos ka ng mga dapat mong dalhin. Mahabang habang byahe kasi to. Pakitingnan mo nalang din kung merong connecting flight from Leyte to Bacolod. O di kaya, magland trip ka papunta dun. Dapat by Monday, nandun ka na. Ok? "
"Hahaha.. Oh wow! Urgent pala to maam? Hahaha..sige po maam." bumalik ako sa mesa ko. Binuksan ko uli ang drawer ko at kinuha ko ang resignation letter para ilagay sa bag ko. Mahirap na baka mabasa pa ng uupo sa mesa ko.
Nag isip uli ako , exciting to, new place and new friends. Sana hindi boring dun. Niligpit ko mga gamit ko and tinapos muna ang mga ginagawa ko kanina para walang masabi ang sasalo sa position ko while nasa ibang branch ako.
Pagkatapos kung maligpit ng gamit ko nagpaalam na agad ako kay Ma'am.
Bago ako umuwi ng bahay. dumaan muna ako sa mall para mag grocery.
Pagdating ko ng bahay kakarating lang din nila Mama and Papa galing sa work nila. Sinabihan ko sila ng new assigned branch ko. Kahit sila ay nagulat din kasi sobrang layo daw at agad agad pa. Pero matanda na daw ako kaya ko naman alagaan sarili ko.
Sunday ng umaga ang alis ko, nakakuha ako ng connecting flight papuntang Bacolod via Cebu.
"Kring..Kring...Kring...". Tunog ng alarm clock
5:30 am na... Kelangan ko nang maligo , 7:00am ang flight ko kasi. Kumain muna ako bago ako umalis ng bahay. Hinatid naman ako ng aking parents sa airport kaya maaga ako nkapagcheck in.
Makalipas ang 30 minutes na paghahantay, for boarding na kami. This is it. Excited na ako and at the same time kinakabahan. Ewan ko kung bakit. Anu kayang meron dun? Baka maraming magaganda dun. Napangiti tuloy ako sa mga iniisip ko. Naku, di man lang ako nakapag text sa gf ko. Pagkaupo ko sa upuan ng eroplano kinuha ko agad ang phone ko at tinext si Jenny.
" Bhe, sorry ngayun lang ako nakapagmessge nabusy kasi. Anyway, paalis ako ngayun papuntang Bacolod. Inassign kasi ako dun biglaan lang. Text nalang kita pag andun na ako. " sabi ko sa text ko sa Gf ko tapos nilagay sa airplane mode ang setting ng phone ko.
Yes, me Gf ako kaso LDR kami at minsan lang nagkikita.
Mabilis lang ang flight ko at nakarating agad ako sa Cebu and sumakay uli sa airplane papunta na sa Bacolod. Ilang minuto uli nasa Bacolod na ako, i think 20mins lang ang byahe ng airplane. Di man lang uminit ang puwitan ko.
Pagkalapag ng airplane kinuha ko ang cellphone ko para matawagan ang susundo sakin.
" Hello, good morning si Jed po to. kakalapag lang po ng airplane. Ah ok sige, naka yellow ako na tshirt and maong pants. Salamat". sabi ko sa kausap ko Sa telepono.
Nasa parking lot na pala ang susundo sa akin. Bumaba na din ako sa airplane pagkakuha ko ng mga bag ko.
Pagkalabas ko. nakita ko na agad ang lalaking nakahawak ng plackard na me pangalan ko at kumaway ako sa kanya.
"Hi, ako po si Jed" sabi ko ng makalapit ako sa kanya.
"Hello po Sir Jed, welcome to Bacolod City. Ako pala si Glen, driver ng bangko po. " pakilala nya habang nakipagkamay sa akin.
"Tara na sir sa sasakyan. mahabang byahe pa to papunta sa lugar namin." Sabi nya sabay kuha ng isang bag ko.
Sumunod ako sa kanya papuntang sasakyan. Habamg nasa sasakyan kami nakaramdam ako ng gutom.
"Kuya. pwede ba tayung dumaan muna sa kainan o kaya sa mall. kumain muna tayu bago bumyahe po."
"Ok sige po sir, copy po. Sa mall nalang tayu sir kung gusto mo para makapasyal ka muna." Sabi ni Glen na nakasmile pa.
"Ok po Kuya, salamat. " tugon ko sa kanya.
Maganda talaga ang Bacolod Very Urbanized na kesa sa Lugar namin. Daming mga matataas na gusali and mga malls pa. Samantalang sa amin Gaisano palang ang mall dun.
Dinala ako ng driver sa SM, sa foodcourt nalang din kami kumain para makatipid ako. Pagkatapos namin kumain nilibot ko lang ang mall tapos bumalik na sa sasakyan kung saan naghihintay ang driver.
" ok na po ba sir? Alis na tayu? " Tanong ng driiver sakin. "Me dadaanan pa ba tayu o wala na po?" Dugtong pa nya..
"Ok na po kuya, hehe.. Sa susunod nalang uli. Tara na po" giit ko
Nakaidlip ako habang nasa byahe. Maaga pa kasi ako nagising kaya inaantok pa. Nagising nalang ako ng tinawag ako ng driver sabay sabi na.
"Sir, andito na po tayu, welcome po sa Town namin."
Tiningnan ko ang relo ko past 5pm na pala, tapos sabay tingin sa bintana , puro tubuhan ang dinadaanan namin pa, papasok palang kasi sa town kung saan ako maaassign. Binuksan ko ang bintana. Nalanghap ko ang napaka preskong hangin. Iba talaga ihip ng hangin sa probinsya.
"Sir malapit na po tayu, pero etong lugar na to sakop na to ng poblacion namin
"
Makalipas ang ilang minuto nasa proper na kami. Nakakita kasi ako ng signage.
"Sir, tingin ka sa right side, madadaaann natin ang bangko nyo". Sabi ni Glen.
Humarap ako sa kanan , katabi ng bangko ang Munisipyo. Ang ganda ng istraktura ng munisipyo parang palasyo. So far, ok naman ang lugar, maganda, malinis kaso walang mall. Oo nga naman anu, hindi naman kasi eto syudad. Kung gusto kung magmalling. babyahe pa ako ng mahigit isang oras para makarating sa city.
"Dretso na tayo sa tutuluyan nyo po, ang may ari ng bahay ay dating empleyado ng bangko din po. matandang babae na po at walang asawa. " giit ng dryaber
Maya maya..
"Andito na tayu sir." sabi ng drayber
Hindi naman masyadong malayu ang bahay na tutuluyan ko sa bangko. Pwedend lakarin. Bumaba na ako sa sasakyan at sumunod kay kuya Glen.
"Tao po., manang Incey. Amdito na po kami" tawag ni Kuya Glen
Me lumabas na Babae, medyo me katandaan na din.
"Hello, pasok kayu sa bahay. Welcome to my house, Upo muna kayu." Sabi ni manang Incey.
"Dito nalang ako sa labas manang" giit ni Glen
Kaya ako nalang ang pumasok sa loob.
"Magandang Hapon po" . bati ko sa kanya at sabay upo "Ako nga po pala si Jed, Taga Leyte po."
"Ang layu pala ng pinanggalingan mo pa. Buti pumayag kang madestino dito." Dati din ako sa bangko ngwowork. Kwento nya. Kumusta man ang byahe mo? Tanong nya pa.
"Aws ganun po bah, ok lang naman po. Di ko inakala talaga na malayu itong iaassign sa akin . Pero ok naman po at least nakapasyal na din sa Negros sa wakas" nakangiti akong sinagot ang tanong nya.
"Oo, don't worry marami kang mapupuntahan dito na mga magagandang tourist destination. Maeenjoy mo din dito. Anyway. yung room mo nasa taas, ikaw lang mag isa sa room. Me restaurant sa harap ng bahay. pwede ka dun kumain, yung may ari dun pamangkin ko at dati din syang nagtrabaho sa bangko kaso nagresigned na sya. O anu, akyat ka muna at magpahinga sa kwarto. " sabay tawag kay glen.
"Glen, ilagay mo na sa taas ang bag ni Jed."
Umakyat na kami sa kwarto. Ok naman ang bahay, malinis at malaki pero me kalumaan nga lang ang bahay.
"Sir Jed, ok ka na ba dito? Kitakits nalang sa Monday po. Sabi niya pagkalapag niya ng bag ko at bumaling kay manang incey.
"Manang, alis na po ako. Ikaw na po bahala kay sir ha. Ng aantay na kasi ang asawa ko sa palengke. Sige po sir, message nalang po kung magpapasama ka sa akin, nag aantay na aksi si misis" . paalam niya sa amin ni Manang Incey
"Ok, no problem. Sige alis kana" Sabi ni manang incey
"Ok po, Salamat Kuya" ang sabi ko naman sa kanya.
Hinarap ako ni manang Incey at sabay sabi na--
,
"Ok lang etong kwarto sayo? Yung Banyo nasa baba malapit sa kusina. Magpahinga ka muna kung me kailangan ka nasa kwarto lang ako. Siyanga pala, kasama ko sa bahay ang mga pamangkin, isang compound kasi kami dito at isang buong pamilya. hehe.. Pahinga ka muna. Feel at home lang ha." Sabi nya bago bumaba..
"Ok po manang, salamat po"
Pagkaalis nya, inayos ko muna ang mga gamit bago humiga. Kakahiga ko lang ng magring ang phone ko.
"Hello ma, yes andito na po ako. Ok naman po ako dito. Ok sige po. " sagot ko sa kabilang linya. " Text nalang po tayu. Sige , Bye"
Sa sobrang pagod ko sa byahe nakatulog agad ako.
"Tik..tik..tilaok....Tik..tik..tilaok... "
Nagising ako sa huni ng manok. Nakatulog pala ako na hindi man lang nakapaglinis ng katawan at hindi din nakapaghapunan. Kinuha ko ang phone ko, alas sais na ng umaga, insakto lang para makapaghanda ako sa first day ko sa office.
Bumaba ako ng kwarto para makaligo na. Nasalubong ko ang si Manang Incey sa kusina.
"Good morning Jed! Kumusta man ang tulog mo? Napagod ka ata sa byahe di kana nakababa para magdinner." sabi niya sakin
"Good Morning po Manang! Oo nga po eh napagod sa byahe po." sagot ko sa kanya.
"Ganun talaga mapapatal ka sa biyahe, first time mo kasi dito, panu nalang kung nag land trip ka papunta dito. Ay siyanga pla, meron ng Hot water sa thermos. nilagyan kita sa table ng mug kasama ng plato meron na din dun coffee. Ipagluluto muna kita ng breakfast mo para makakain ka di ka kasi nakapag dinner kagabi. siguradong gutom ka. O sya, maligo kana mun". sabi nya sabay pasok sa kitchen.
"Ok po manang! Salamat po". at pumasok na din ako sa banyo
Pagkatapos kung maligo nagbihis na agad ako ng uniform ko para early pa ako sa office. Siempre, first day ko po kaya sa work ko dito, magpapa impress muna.
Insaktong pagbaba ko nakahain na si manang Incey. Sabay kaming kumain habang nagkukwentuhan. Nakilala ko din ang mga kasama nya sa bahay niya at ang mga pamilya nya sa compound nila. Ang dami pla nila.
Insaktong alas otso ng umalis ako papunta sa work. Sumakay ako ng trysikle kasi hindi ko pa kabisado ang daan. Habang papunta ako sa office, Nanonotice ko na lahat ng dinaanan namin nakatingin sa akin. Grabe naman dito. Napatawa nalang ako sa isip ko.
Pagdating ko sa bangko, sinalubong agad ako ni Kuya Glen.
" Good Morning po Sir! Kumusta ang tulog nyo po? bati nya sakin
"Morning Kuya! Ok naman po" Ang aga nyo ha. "sabi ko sa kanya.
"Hehe.. nakalimutan kung sabihin sa inyo po na guard din po ako dito. Tara po sir, andito na si Ma'am Belen inaantay kana po nila." sabi niya habang binubuksan ang back door ng bangko.
Pagbukas ng pintuan.....
"Welcome to La Guerta branch " sabay sabay nilang pagbati sa akin.
Nagulat ako me pa welcome surprise pala sila sa akin. Nagpasalamat ako sa kanila at isa isang nakipagkamay at nagpakilala sa akin.
Tinawag din ako at kinausap ng manager ng bangko. Inassign parin ako sa mga loans.
Makalipas ang ilang minuto, binuksan na ang bangko. Marami na din ng aantay sa labas. Abah ok pala dito kahit town lang maraming depositor. Whole day akong nabusy dahil nireview ko ang mga qualified para magloan.
Di ko na din namalayan na 5pm na pala. Uwian na. Bilis naman ng oras. Niligpit ko na din ang mga gamit ko para sumabay sa mga kaofficemates ko sa paglabas ng bangko.
Pagkalipas ng limang araw, at last makapahinga na din sa work. Ang bilis talaga ng oras akalain mo ba naman naka limang araw na ako dito.
Sabado ng umaga, naglaba ako ng mga damit ko muna. sa totoo lang di ako marunong maglaba kaso wala akong makitang laundry shop dito. Kaya tiis tiis muna.
Pagkatapos kung maglaba, kumain muna ako tapos nagpahinga na sa kwarto.
Naisipan kong tawagan ang GF ko total Sabado man wala din syang work. Ring lang ng ring walang sumasagot. Siguro busy pa sya.
Nung hapon din yon, dahil sa sobra kung bored knaisipan kong mag Internet sa harap ng tinutuluyan kong bahay. Insakto lang na walang tao. Kami lang ng ngbabantay sa shop at ang may ari na abala sa Restaurant nya sa labas.
Makalipas ang ilang oras, nabusy ako sa pakikipagchat sa computer ng biglang me tumili na babae.
"aaahh Ayyyy.. aaa....aaaahhhhhggghhhaay!!" tili ng babae.
Andrea's POV
"aaahh Ayyyy.. aaa....aaaahhhhhggghhhaay!!"
Nagulat ang bantay ng internet sa bigla kung pagtili sabay tumba sa floor. Pagkarinig ng may ari sa sigaw ko pinuntahan nya din kami sa shop.
"O anong nangyari, ok kalang dai? Napaano ka?". sunod sunod niyang tanong.
Ako naman nakaupo parin sa sahig, nadulas kasi ako sa floor.
"Ok lang po ako Nong, nadulas lang po ako pero kaya ko pong tumayo. " natatawa kung sabi sa kanila.
Si Ralph hindi na nakatayo at umalalay sakin kasi mismo sya nagulat din sa nangyari. Tanging nasabi nya lang --
"Ate, ok ka lang?"
Tinulungan akong tumayo ng may ari tapos ng makatayo ako umalis agad sya dahil me costumer na sa labas. Ako naman, iniinda ko ang sakit sa puwet ko sa pagkabagsak sa floor.
Natatawa ako sa sarili ko tapos chineck ko kung nabutas ba ang short ko at tiningnan ko ang tsinelas ko kung nasira ba tapos sabay lingon sa mga cubicle ng mga computer kung me mga tao. Nakakahiya kasi ang nangyari.
Pagtingin ko sa likod ko me nakita akong lalaki nakatingin lang sa akin. Nainis ako sa kanya, di man lang ako sinalo or tinulungan man lang tumayo na sya pala ang mas malapit sa akin.
"Hmmpp! whatever! " sabi ko sa sarili ko at sabay lakad na parang wala lang me nangyari. Lumapit ako sa counter kung saan nakaupo si Ralph.
"Yes Ate? " tanong ni Ralph
"Uy, magpapa burn ako ng CD. Puro lang Cha- Cha music mga 12 songs. When ko pwedeng balikan? " giit ko
"Aws.. baka next week pa ate, me tinatapos pa kasi akong program and invitation. Ok lang ba?". sagot niya.
"Ok sigeh, babalikan ko nlang next week. Salamat. Aalis na ako.
Dahan dahan akong lumakad palabas. Masakit talaga puwet ko pati bewang. Di ko na din nilingon ang lalaki na hindi man lang ako tinulongan tumayo. Hayun busy na sya uli sa computer. Pakialam ko bah sa kanya.
"Pedicab pasakay." kaway ko sa pedicab. "
Sa Tindahan po kuya" sabi ko ng makasakay na ako.
********************************************
Note: Still working for the next episode. please bear with me since this is my 1st story.
ps. more kilig moments on the next episodes.
?Ire?