07 Pagkarating namin sa mall, nag park lang siya then pumasok na kami sa loob. Nakakailang yung mga tingin samin ng mga nakakasalubong namin, paano ba naman kasi? Itong kasama ko nasa bewang ko na naman ang mga kamay, wala naman sigurong nakaka kilala samin dito. Kaya lang, siguro kaya ganon ang tingin samin ng ibang tao is because halata na mas matanda siya kesa sakin. Baka iniisip nila na sugar daddy ko siya. Ay jusko naman, hindi ko naman pineperahan ang lalaking ito ano. Ngayon nga lang niya ako gagastusan e. "Don't mind them. Just enjoy buying your stuffs." bulong niya habang naglalakad kami. Pansin niya din pala, akala ko ako lang. Or baka dahil nakikita niya kung paano ko tingnan pabalik yung mga nakatingin samin. "Ih, baka ang tingin nila sakin sugar baby mo." tinawanan niya lan

