08 Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa mansyon niya. Oo, sa mansyon. Hindi naman bahay 'to e, sobrang laki nito para maging bahay lang. Ang laki laki ng mansyon pero siya lang naman ang nakatira, ang alam ko nag migrate na sa Canada ang parents niya kaya siya na lang ang natitira dito. Hindi ko nga din alam kung bakit nagpaiwan la siya dito, imposible namang dahil sa business kasi kayang kaya niya namang i monitor yun kahit wala siya dito physically. Nagawa niya nga ng ilang taon e. Wala siyang kasama na mga house helps dito, kaya malakas din ang loob niya na isama ako dito kasi walang makakakita maliban sa ilang security guards na nakabantay sa gate. Thrice a week lang pumunta dito yung mga taga linis niya dito sa mansyon, hindi niya pinag stay in kasi ayaw niya na may kas

