Wala tuloy ako sa mood nang magising kinabukasan. Kung bakit ba naman kasi sa lahat ng makikita ko sa social media, ayon pa talaga. At nagbalik na pala ang hinayupak. Sana don na lang siya sa kung saang lupalop man siya nag stay nung nawala siya. Hindi ko na naabutan sina mama pagbaba ko sa kusina. Nag iwan lang sila ng note na maaga silang umalis papuntang palengke. Maaga sigurong nagising si papa kanina. May luto naman nang pagkain sa lamesa kaya 'yon ang kinain ko. Pagdating sa company ay nag time-in lang ako then ginawa ko na ang mga dapat kong gawin. Maaga ding dumating si Michelle kaya kahit paano ay nabawasan ang pagka badtrip ko. Busy ang lahat sa kaniya kaniyang ginagawa dahil nagbaba ng announcement ang upper heads na dadating daw ngayong araw ang CEO. Sa wakas at makikilala k

