Maaga akong gumising ngayon dahil papasok na ako sa trabaho. Yes! May trabaho na agad ang eabab. Kaka graduate ko lang last week diba? Tapos the day after tumawag yung HR manager nung company na pinag ojt-han ko. Kinuha nila ako bilang HR Generalist. Tinanggap ko na agad dahil why not diba? Trabaho na nga ang kusang lumalapit sa'kin tatanggihan ko pa ba? Tsaka ito naman talaga ang plano ko e, after maka-graduate maghahanap na agad ako ng trabaho. Next month pa naman ang start ng review ko sa review center para sa board exam. And kung itatanong niyo kung pwede nang magtrabaho bilang HR Generalist kahit hindi pa nakakapag take ng board, yes po pwede po. Hindi naman required na nakapag board na since iba naman ang trabaho ng HR compared sa psychometrician na dapat ay nakapasa sa board para al

