30 Nagising ako kinaumagahan na nasa ganoong pwesto pa rin sa kung paano ako nakahiga kagabi bago ako makatulog nang hindi ko namamalayan. Hindi na rin tuloy ako nakapagpalit ng damit kaya naman pala ang uncomfortable dahil naka uniform pa ako. Sabado ngayon kaya sasama ako kina mama sa pagtitinda. Wala rin naman akong gagawin sa bahay, tinatamad pa akong magbasa ng book. Ayoko rin namang maiwan mag isa sa bahay dahil lalo lang akong malulungkot non at maiiyak. Kaya mas mabuti pang ituon ko na lang ang atensyon ko sa ibang bagay. Bumangon na ako at naligo. Pagkatapos ay nagsuot lang ako ng plain white t-shirt at jogging pants. Mas komportable akong gumalaw sa ganitong kasuotan. Nagsuklay lang ako at nag spray ng konting pabango saka lumabas ng kwarto. Mukhang nasa kusina na sina mama

