31 Ilang araw na ang lumipas simula nang malaman nina mama ang katotohanan. Ilang araw na din mula nang umalis si ninong at kahit isang beses ay hindi niya man lang ako tinext o tinawagan man lang. Siguro nagpakasal na sila nung babaeng 'yon. Kahit ilang beses ko mang kumbinsihin ang sarili ko na hindi ko dapat iniiyakan ang lalakeng 'yon, hindi ko pa rin mapigilan ang mapaluha sa tuwing maaalala ko siya. Sa tuwing maaalala ko kung paano siya makipaglaplapan sa babaeng 'yon. Pesteng puso naman kasi 'to, sinabihan ko nang 'wag siyang mahuhulog sa lalakeng 'yon dahil walang kasiguraduhan pero sumige pa rin. Ngayon ano? Edi kumikirot ka ngayon? Nakakainis talaga. Sana huwag nang magtagpo muli ang landas naming dalawa. Ayoko nang makita pa siya. Napalingon ako sa pinto ng kuwarto ko nang

