chapter 4

1815 Words
NEVIN'S POV After the talked with Jonaina, I felt pain and anger. I knew she would say those words from the start, ako naman talaga ang una eh, inagaw lang siya sa akin. Not totally because hindi naman naging kami from the start. Nahuhulog na si Jonaina noon sa akin ng umeksena si Jaro. Jaro and I are best friends pero ng malaman ko na may gusto rin siya sa balak kong ligawan, naging cold ako sa kanya. Kinakausap ko pa rin naman siya, hindi na nga lang katulad ng dati. I was planning to make a move para makuha muling si Jonaina but I guess hindi ko na magagawa iyon dahil hulog na hulog na siya roon sa lalakeng 'yon. Iyong sinabi ko sa kanya after kong umalis sa harapan niya noong gabi na 'yon? Panakot lang 'yon, pero malay niyo may matanggap siyang kakaiba. I did my night routine after naming kumain ng family ko sa restaurant nila Jaroslav. Yes, we did our family dinner sa restaurant ng best friend ko. I wore my white sando t-shirt and pajamas and I did my homeworks. We have a group activity sa Math at kagrupo ko sila Cyan at Jaroslav. Wala naman na kaming problema sa bundok na pinagagawa ng professor namin, hindi ko rin naman maintindihan sinasabi niya kaya hindi na ako nakinig, si Cyan na bahala roon dahil kumpleto siya ng materials at alam naming tutulungan siya ng ate niya. May ambag ako roon ha! Iyong clay na para sa mga bundok at halaman sa ibaba ng bundok! Hindi ako pabigat, igagaya niyo pa ako sa mga kagrupo ninyong isinama niyo pangalan sa groupings eh wala namang ambag. Charot. Habang ginagawa ko ang homework sa bio, biglang umilaw ang cellphone ko. May message galing kay Cyan. Cyan : bro, may pinadala ako riyan sa inyo na gagamitin sa bundok, pakidala na lang bukas. thanks. Hindi ko na siya nireply-an at pumunta na sa ibaba. Binuksan ko ang pintuan at wala namang package roon. Hindi pa siguro dumarating kaya tumambay na muna ako sa sala namin at nakinood ng tv, tumabi ako sa kapatid ko na tulog na. “May ipis sa binti mo,” sabi ko. Nagising siyang gulat at nagtatatalon kaya natawa ako sa kanya. Uto uto talaga kahit kailan. “Punyeta naman, kuya, wala naman eh!” Reklamo nito. “Ang ganda ganda ng tulog ko!” Umiling iling na lang ako sa kanya. “Sa kuwarto ka matulog, boy, pangit mo.” Hinampas niya muna ako ng unan bago siya umakyat sa taas. Narinig ko pa ang pagsara niya ng pinto, malakas 'yon, halatang nagdadabog. Mabuti na lang at wala rito sila Dada kung hindi lagot siya. Sakto namang tapos na iyong pinapanood niya ay may kumatok sa pinto. Iyon na siguro ang sinasabi ni Cyan na dadalhin ko bukas. Nag-unat na muna ako bago tumayo at naglakad papunta sa pintuan namin. Pagkabukas ko ay tumambad sa akin ang… patay na daga? Nevin : bro, patay na daga dadalhin ko bukas? gago trippings mo. Cyan : anong patay na daga? tanga iyong cardboard na malaki pinahahatid ko riyan, bumili ako sa online tapos malapit lang naman sa inyo iyong shop kaya riyan ko na lang pinadala. gago baka may nakaaway ka na naman haha. Nevin : ulol. Sino namang nagpadala nito? Lokong 'yon. TIMOTHY'S POV Bored na bored na ako rito sa bahay, tapos ko na rin namang gawin mga homeworks ko. Idamay mo na rin ang household chores. Nakapagluto na rin ako, pinakain ko na mga pusa ko. Nakapagdilig na rin ako nang halaman. What should I do? Sigh. Ha! Inom! [ telegram ] mga geng geng sa gedli Timothy : hoy, tara nomi Cyan : huwag po kuya, bata pa ko. Timothy : tangina mo, cyan sumama ka baka nandoon na forever mo Cyan : hard pass gago Ken : Tara, sa BGC tayo. Aina : pass ako guys, hindi ako pinayagan Vin : OTW, sinong magpapasundo? Simon : pasundo, tol Vin : Alright. Timothy : ipaalam kita, jona? omw sa inyo Aina : loh ☹️ nag-lie na nga ako na hindi ako pinayagan tapos pupunta ka rito, such a good friend ha Timothy : LUH BABAE NA 'TO TATAKAS KA PA Jaro : Pass muna, I have so many things to do pa. Nasa office ako ni Dad, pinapagawa sa akin 'yong mga papers niya tch. Timothy : sige haha ganyanan eh Jaro : Luh! Seryoso nga. Timothy : k hoy Cyan sumama ka Cyan : ito na tangina mo hindi ka ba makakapag-inom na hindi ako nakikita Ken : WOAH Simon : HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA HAHAHAHAHAHA HINDI PA TAYO LASING NIYAN HA “lakas na ng tama, wala pa namang beer sa harapan,” sabi ni Nevin, nagda-drive siya Timothy : ???????? Mga gagong 'to. JONAINA'S POV Nag-ayang uminom si Thy at wala akong dahilan para tumanggi pero nagsinungaling akong hindi ako pinayagan. Nagulat ako nang sinabi niya na pupuntahan niya ako rito kaya sinabi ko na lang iyong totoo. Napakamot tuloy ako sa batok ko at pumunta na sa comfort room. After kong maligo ay nag-ayos na ako. I just wore a plain black t-shirt and white short partnered by white snickers, I tucked in the t-shirt and spray perfume. I used sweet night winter berry wonder, super tamis at bango niya but nasasakitan sa ilong si Mom kaya tinatago ko, ngayon ko na lang ulit nagamit iyon. I didn't put any make-up because I'm sucked on that at hindi ko rin hilig 'yon. Nagpulbo lang ako at lip balm and ready to go! I jumped a little when I heard the beep of the car galing sa labas kaya nagmadali akong bumaba. I saw Timothy sa driver seat, sinimangutan ko siya. “Simple yet pretty,” he said. Mas lalo ko lang siyang sinimangutan kaya natawa siya nang mahina. I occupied the front seat and wore the seatbelt. “Tumatakas na nga ako tapos biglang manunundo.” I whispered but I swear, he heard it that's why he chuckled. Nag-asaran lang kami ni Thy hanggang sa huminto ang sasakyan niya. I saw Nevin's car kaya lumabas na ako ng sasakyan. I closed the door of the car and went to Thy. “I miss him,” I informed him. He gave me a glance and shook his head. “Uminom ka ba ng gamot para sa sakit mo na imh disease?” Sarkastikong sambit niya. I just pouted and walked beside him. We immediately saw the others kaya pumasok na kami roon. “May gusto ka sa akin, 'no?” Bungad ni Cyan kay Timothy. Umupo muna ako bago sila titigan. Tinaasan niya ng kilay si Cyan bago umupo sa tabi niya. “Kapal naman ng mukha mo.” “Sus, aminin mo na!” “Baka naman ikaw ang may gusto kay Thy, Cy?” Sabat bigla ni Simon, nagtataka. Cyan gave him a smirked and winked. “Siguro, baka oo.” Nabulunan si Thy sa iniinom niyang beer kaya natawa ako at inabutan siya ng tubig na nakita ko. “Manahimik ka, Cyan, gagong 'to. Lasing ka na ba? Wala pang 10 minutes nang makapunta kami rito, ah!” “I'm just joking, babe.” Cyan emphasize the word ‘babe’ so Thy stood up at pumunta sa dance floor. I shook my head. I leaned over Simon's shoulder. “Miss ko na siya.” “Girl, may gamot ako rito, baka gusto mong inumin?” “Psh! Hindi na niya ako kinakausap ng maayos, he always said na busy siya.” “Baka naman busy talaga siya?” “Kahit naman busy 'yon may oras pa rin naman siya sa akin,” I said in a sad tone. I saw Nevin looked at us and raised his right brow. “What's the matter?” He asked. “Miss na niya raw si Jaro,” he laughed after saying those. I nodded, looking straight in his eyes. “Really,” Nevin's and looked away. I chuckled. Nakaka-anim na shots na ako ng Bacardi nang tumayo ako. Bumalik na rin si Thy at nakikipagkwentuhan na sa kanila. “Let's dance!” I grabbed Nevin's hand and pulled him to the dance floor. He declined me and back to his seat kaya ako na lang ang sumayaw. I felt hands in my waist kaya lumingon ako sa likod. I saw a man who is still holding my waist, I removed his hand but he is so strong at hinila ako sa may madilim na sulok. Umaalma pa rin ako ng makita ko si Simon na palapit sa amin. And in just clicked, the man that was holding my waist ay nakahiga na sa floor. Simon hold my hand at hinila ako papalayo roon. “Thy, iuwi mo na ito. Lasing na 'to,” Simon said to Thy. Hindi pa ako lasing, 'no! Pagewang gewang lang ako maglakad pero hindi. “Ikaw na, ayoko pa umuwi,” Thy said. “Hoy, Timothy! Uuwi na ako, ikaw maghatid sa akin pauwi dahil ikaw ang sumundo sa akin sa bahay!” Sigaw ko sa kanya, drunk. He just shook his head and leaning to Cyan's shoulder. Cyan gave me an apologetic smile, so I nodded. “Tara, ako na magda-drive,” Nevin stood up and helped Simon na alalayan ako. I chuckled to the both of them. “Hindi pa naman ako lasing,” I said while walking. “Lasing ka na, uwi na tayo,” Nevin told. I nodded at his statement. I feel sleepy. “Huwag ka na munang matulog punyeta!” I heard Simon kaya tinawanan ko lang siya but ended up sleeping habang hinihila nila ako paalis sa bar. SIMON'S POV Sabing huwag munang matulog, eh! Babaeng 'to. “Tangina naman,” I sighed. “Ang bigat mong babae ka!” Nevin just chuckled at me. “Get her inside,” he said kaya sinunod ko siya. Ang bigat niya talaga! Kingina naman kasi, iinom inom tapos hindi naman kaya ang sarili. “Ihatid na muna natin siya sa kanila tapos balik na lang tayo ulit dito, kung babalik pa.” Sabi ko ng maipasok ko na si Jona sa backseat, sinuotan ko na rin ng seatbelt. He nodded and start the engine. It's 10:46 PM na pala, baka hanapin na itong batang ito sa kanila. “Ano 'yon?” I asked ng maramdaman ko ang umalog. “s**t,” Nevin whispered. “Ha? Ano—” “Hold on!” Humawak naman ako. Gago, babangga ba? “Babangga tayo, Nevin!” “I'm trying to control it! Damn breaker, just f*****g break, damnit!” Tiningnan ko si Jona na natutulog sa likuran. Patulog tulog lang ackla, baka last na tulog mo na 'to, babangga tayo! I closed my eyes at nanalangin sa Ama na sana hindi bumangga iyong sasakyan. Ang mahal kaya nito!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD