TIMOTHY'S POV
It's the king day! Bow down your heads and everybody shout: “Happy Birthday, King Thy!”
Joke!
Pero birthday ko bukas, invited kayong lahat!
Napagkasunduan naming magkakaibigan na ngayon ise-celebrate ang birthday ko dahil bukas pupunta kaming Spain ng family ko para i-celebrate ang birthday ko syempre, nandoon kasi si Abuela.
Oo 'te, 20 years old na ako! Jusko.
[ telegram ]
mga geng geng sa gedli
Timothy :
anong oras kayo pupunta rito sa bahay
Simon :
anong meron?
Cyan :
mga 6 pm
Ken :
gago mon hahaha ngayon natin ice-celebrate birthday ni thy, nakalimutan mo?
Vin :
Hindi pa nakaka-get over 'yan sa nangyari no'ng pag-uwi namin galing sa bar.
Timothy :
magtatampo na sana ako kaso sige, ano bang nangyari?
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA
KARGO KONSENSYA KO PA YAWA
Simon :
KASALANAN MO TALAGA! Pinahahatid sa iyo si Aina tapos umiiling iling ka lang putangina ka.
Ken :
Bro, chill.
Explain niyo muna kung anong nangyari sa inyo pauwi.
Simon :
hindi pa kami masyadong nakakalayo sa bar ng may maramdaman akong umalog
sumabog yata yun
tapos sinabi ko kay nevin na babangga kami
buti na lang kamo napigilan niya
muntikan na kaming mabangga sa may poste
madaraanan niyo naman yun kapag pupunta kayo kila aina
Vin :
Yeah, may someone lang na nagbutas ng gulong ng kotse ko.
May nakita ring sira sa makina.
Timothy :
pasensya na mga tol
Simon :
tapos si aina patulog tulog lang
kumikingina
Aina :
HOY KAGIGISING KO LANG
ako na naman topic niyo
wala nga akong maalala no'ng gabi na 'yon
Simon :
MALAMANG LASING KA
SABING HUWAG MATULOG TAPOS TINULUGAN KAMI
buti nga hindi tayo nabangga kasi kung nagtuloy tuloy yun, tuloy tuloy rin tulog mo
Ken :
imbes na sa bahay umuwi, sa langit napunta
Simon :
ay no! hindi mo sure kung sa langit mapupunta yan
Jaro :
Saan punta niyo?
Aina :
Jaro!
Jaro :
Oh?
Cyan :
aruy ang cold
hahahaha galing freezer
Ken :
ice cream guys, gusto niyo?
Timothy :
PUNTA KAYO SA BAHAY, 6 PM ASAP!
kawawa naman jona namin, cold na si jaro sa kanya
Aina :
☹️??☹️??☹️??
malungkot ako pero dapat bad b***h pa rin
Jaro :
Sorry, busy lang talaga sa company.
Cyan :
dude, g12 ka pa lang haha
Timothy :
binigyan ng maagang responsibilidad
Jaro :
Part of adulting. ?
Aina :
miss you ☹️
Jaro :
Ako rin, kita tayo sa bahay nila Thy.
Aina :
?????
Timothy :
MALALANDI
Cyan :
marupok amputa
Ken :
ginawang meeting place bahay nila thy haha what a mind set
Simon :
hala nasaan yung akin
☹️☹️☹️
Vin :
Disgusting naman mga pare.
Aina :
MGA BITTER
Pinatay ko na ang cellphone ko after naming mapikon si Jona.
Sa totoo lang, ilang linggo na hindi pumapasok si Jaro, may balak nga sana akong dalawin siya kaso marami rin akong ginagawa. Hanap na lang ako ng time siguro.
Mamaya pa naman sila darating at 12:21 PM pa lang kaya natulog na lang ako.
“ ? Happy birthday to you
Happy birthday to you
Happy birthday Timo, hbd thy
Happy birthday, Happy birthday
Happy birthday, Timothy! ? ”
Napadilat ako dahil sa ingay na naririnig ko. Oo, ingay! Mga sintunado sila. Tiningnan ko sila, may hawak na cake si Cyan habang ang iba ay may dalang mga regalo. Tinakluban ko ang sarili ko ng kumot, baka nananaginip lang ako.
JAROSLAV'S POV
Nandito kami sa bahay nila Thy. Iniwanan ko mga gawain sa opisina at ipinasa sa secretary ni Dad.
“It's already 6:30, puntahan na kaya natin sa kuwarto niya?” Si Simon.
We all agreed. Naglakad kami papunta sa second floor kung saan naroon ang kuwarto ni Thy. Lumapit kami sa may dark violet na pintuan.
“Sindihan niyo na 'yong kandila,” sabi ko sa kanila.
Nasa tabi ko si Jonaina at siya ang nagpihit ng doorknob. Nakita namin si Timothy na natutulog, gulo gulo ang buhok at ang mga unan ay nasa baba na.
Pumasok kami sa loob at kinantahan siya. Nagising s'ya ngunit bumalik din sa pagkakatulog.
“Gumising ka na riyan, umaga na!” Sigaw ni Simon sa kanya. Hinablot ko naman ang kumot niya habang si Nevin ay hinihila ang braso ni Thy para tumayo.
“Nangangalay na ako!” Reklamo ni Cyan. Siya pala ang may hawak ng cake, akala ko si Kean. “Hipan mo na 'to.”
Lumapit si Cyan kay Thy, nakaupo na siya ngayon. Nag wish muna siya bago hipan ang kandila. Nagpalakpakan kami at ginulo na siya.
“Ang baho ng hininga mo,” si Cyan.
Tinadyakan siya ni Thy kaya natawa kami sa kanya. Tumayo siya at dumiretso sa CR.
“Gago, baka nagtampo 'yon,” sabi ko.
“Hindi 'yan. Mabaho naman kasi talaga hininga niya, galing ba naman sa tulog.” si Cyan.
Umiling na lang ako at nilapitan si Jona. I kissed her forehead and sat beside her. I played her fingers.
“How are you?” I asked. Alam ko na palagi siyang naghihintay sa akin at hindi ko gusto 'yon.
Ako dapat ang naghihintay sa kanya.
“I'm doing well,” she answered and leaned to my shoulder. “I miss you so much.”
I gave her again ng soft kissed.
“I'm sorry,” I sincerely apologized.
“It's okay, I know you doing well too.”
“PDA! PDA! PDA! RATED SPG!” Parang sira ulong sigaw ni Simon kaya tinawanan siya ni Kean at Nevin. Si Cyan, ayon, pini-picture-an kami.
“Baliw,” I chuckled, inihagis ang unan na nasa kama ni Thy.
TIMOTHY'S POV
“Tara na sa baba,” aya ko sa kanila pagkatapos kong mag-toothbrush at hilamos.
“Naks, mukang tao na ulit,” pang-aasar pa ni Cyan.
Pinakyuhan ko lang siya at inayos ang damit ko. Nakasuot lang ako ng white t-shirt at jogging pants. Hindi naman kami aalis dahil dito lang kami sa bahay magsasaya.
“Playlist ko gagamitin!” Sigaw ni Simon habang tumatakbo palabas ng kuwarto ko.
“Hoy! Putangina huwag mong gagalawin ang speaker at bluetooth, ang pangit ng playlist mo! Jejemon!” Si Kean.
“Tayo'y mag-otso otso,” pagkanta naman ni Nevin at sinabayan siya ni Cyan.
Mga loko talaga.
Bumaba na kami at nakita namin ang dalawa na nagtatalo sa speaker.
“Ayaw niyo ba ng kanta na pang-BGC?” Nagmamakaawang tanong sa amin ni Kean.
Sawang sawa na rin kami sa playlist ni Simon pero g lang kami kung saan masaya siya. Hinayaan ko lang sila roon at inihanda ang mga pagkain na dala dala nila.
“Anong BGC?”
“Iyong YK, LDR, mga gano'n?”
“Jejemon themed tayo ngayon, huwag kang KJ!”
“Simon, please stop!”
“Pukingina mo b***h mang-aagaw ka, sariling boyfriend ko inaangkin mo na!”
“K-Pop na lang patugtugin niyo!”
“I agreed! Enhypen sana, drunk-dazed!” Sabi ko pagkatapos kong ihain sa kanila ang mga pagkain.
Wala namang nagawa si Simon. Kumain lang kami at nagsaya.
I am so grateful that I have a friends like them, kahit may PDA rito! But seriously, I am super happy.
Nagt-twerk na si Kean at Simon sa unahan na ang BGM ay otso otso. Napasalampak na lang ako sa couch habang pinanonood silang magsaya, mag-asaran, at magkulitan.
“Masaya ka ba?” Jona asked.
I nodded at her. “Sobra.”
Matapos ang celebration ay umuwi na silang lahat, ako na lang ang natira rito sa bahay. Wala naman kaming kasambahay o kung ano man dahil ayoko n'on. Nilinis ko lahat ng kalat nila, pinatay ang speakers na hanggang ngayon ay tumutugtog pa ang jejemon na playlist ni Simon.
Pabagsak kong iniupo ang sarili ko sa sofa, katatapos lang maglinis, ng may nag-doorbell.
Nagtaka ako kung sino ang darating, wala naman akong inimbitahan na iba pa. Hindi rin naman nagsabi sila Mama na uuwi sila ngayon, alam ko overtime sila ngayon sa work para walang sagabal sa celebration namin bukas sa Spain.
Tumayo ako at naglakad ng dahan dahan papunta sa pintuan namin. Sumilip muna ako sa butas kung may tao ba, wala naman? Pagbukas ko ay may kahon doon at may note…
Happy Birthday, Timothy :)
Kinuha ko ang box at isinarado ang pinto. Inamoy amoy ko pa ang box bago dumiretso sa kusina.
Pagkabukas ko ay isang cake ang tumambad sa akin.
“Ay putangina, Ama!” Napatalon ako sa gulat at napasigaw nang ma-realized kung anong klaseng cake ang nasa harapan ko.
Laman, atay, at puso ng tao.
Nag ring ang cellphone ko kaya gulat din akong napatingin doon. Dali-dali kong pinulot iyon sa may sofa at tiningnan ang mensahe.
Cyan :
Wala na si Simon.