chapter 6

1525 Words
SIMON'S POV “I need to go, guys, I have a meeting pa tomorrow with my lovely handsome professor in computer.” I chuckled as I described my professor that my Dad hired for me. He wants me to study about the computer, I don't know what is up to him. Damn this alcohol. I saw Cyan stood up and saw his body gesture na gusto akong ihatid palabas but I stopped him and smiled at him. “Ingat, Simon!” Aina said in a drunk voice so I giggled. “Nandyan naman iyong driver niya, right?” I heard before I stood up. I went to the door and closed it. I sighed and walked para puntahan iyong driver ko. Malayo pa naman iyong pinag-park-an ni Manong pero nagawa kong maglakad papunta roon. Oha! “Oh,” walang tao. “Si Manong talaga, iniwan ba naman 'yong sasakyan… Bakit niya rin ako iniwan? Aish! Lahat na lang!” I was about to called my driver nang may tumaga sa akin. Oo, taga. “Akala mo hindi ko malalaman na may gusto ka sa kanya?” Nanggigigil na sambit niya. Bakas din sa boses nito ang galit at sakit. I tried to fight but I am weak already. I saw him. “B-Bakit…” Patuloy niya pa rin ako tinataga hanggang sa may sumigaw. “Simon!” I heard someone's voice before I passed out. JONAINA'S POV [ telegram ] mga geng geng sa gedli Timothy : last day na ng lamay ni Simon, pupunta ba kayo? Ken : papunta na. Aina : Thy, how are you? kumakain ka pa ba? nakakapagpahinga? Timothy : ayos lang ako. ty, jona. I closed my telegram app and power off my cellphone and cried. I don't know what's happening and why Simon needs to suffered like this. Wala naman siyang ibang ginawa kung hindi nagpatawa at makipag-away kay Timothy. Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa makatulog ako. Nagising ako ng 5:21 PM kaya tumayo na ako at nag-ayos, I will visit Simon at ngayon na lang siya ulit makikita, sa huling pagkakataon. Umiyak na naman ako sa bathroom habang inaalala ang mga masasayang araw namin. This is my everyday routine when Simon died. Sinabi ni Cyan sa amin iyon at iyak lang ako nang iyak sa kanila. Mas grabe ang iyak ni Thy, while Cyan is crying but he chose to comfort Thy, sila ang best friends ni Simon. Pagkatapos kong maligo ay nag-ayos na ako. Nagsuot lang ako ng white t-shirt, black jeans with white sneakers and black cap. I called my driver para ipag-drive ako sa bahay nila Simon. Nang huminto ang sasakyan sa may tapat ng bahay nila Simon, parang gusto ko na lang ulit umuwi. Hindi ko kayang makita siya… Masakit. Thy saw me and he immediately walked towards our car. He opened the door where I sat at. I shook my head, saying that I don't want to see Simon and I am weak. But instead, he smiled at me and cares my arm para lumabas sa sasakyan. He closed the door ng mahila niya ako palabas at inalalayan ako papunta kay Simon kung saan siya nakahiga. I cried even more and Thy hugged me, patting my back. I also heard him crying. “Why… Why Simon…” I uttered. Timothy hugged me more. “B-Bakit ka nang-iwan… Alam mo ba na hindi natuloy iyong pagpunta nila Thy sa Spain dahil ayaw niya? Nag celebrate siya ng birthday niya sa hospital kung saan ka sinugod…” Hindi natuloy ang celebration nila Thy sa Spain because of what happened to Simon that night. Thy also volunteered na siya ang magbabayad para sa lamay at libing ni Simon because he felt guilty. We assured him na hindi niya kasalanan 'yon. “Simon,” si Thy. “Balik ka na, bangon n-na…” Nakauwi na ako sa bahay ng 11:46 PM, namumugto na ang mga mata ko. Hindi ko rin nakita si Jaro sa lamay ni Simon, baka bukas pa siya pupunta since isasaboy na ang abo ni Simon sa dagat bukas. Hiling niya sa amin 'yon. “Kapag ako namatay, iyong abo ko isaboy niyo sa dagat, ha?” Katahimikan… “B-Baliw ka talaga! Tara sayaw na lang tayo,” si Thy. “Luh, seryoso nga!” “Ewan ko sa iyo, bilis na, sayaw na tayo!” Pumapatak na naman ang mga luha ko, I chuckled. “Ano bang kasalanan mo sa mundo at ikaw ang kinuha ni Lord?” I laughed as I sat to my bed and looked our picture together. “Nasa langit ka ba ngayon? Feeling ko wala, hindi ka naman bagay roon.” “Ang daya daya mo… Iyong katawan mo pira-piraso! Parang pinlay 'yong kantang deja vu dahil sa mga sinasabi mo noon. Isipin mo rin, wala ka pang pangarap na natutupad except sa isasaboy ang abo mo sa dagat.” That night, I fall asleep. Nagising na naman akong maga ang mata. Pumasok ako sa CR at naligo, as routine, umiiyak na naman ako. After kong maligo ay nagsuot ako ng black dress partnered by white sneakers. Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok at umalis na sa bahay. Hindi ako nagpahatid kay kuya driver, I just grabbed a taxi papunta sa village nila Simon. When we stopped there, nagbayad ako at lumabas sa taxi. I saw Thy, crying silently. Naglakad ako papunta sa kanya and he immediately saw me. He smiled at me, nakakapanghina ang mga ngiti niya. “Hindi ko pa rin tanggap, Jona…” He said and hugged me. I also cried kasi nararamdaman ko iyong nararamdaman niya ngayon, sinisisi niya 'yong sarili niya. “Kasalanan ko talaga lahat. Kung hindi lang ako nag-aya na pumunta kayo sa bahay at mag celebrate tayo roon, hindi sana mangyayari 'to.” I shook my head. “No… no, walang dapat na sisihin sa nangyari, Thy. Nagplano tayong lahat, napagpasyahan na sa bahay niyo na lang ganapin, wala kang kasalanan. Kami naman ang nagplano. Hindi rin gugustuhin ni Simon na sinisisi mo ang sarili mo.” He cried harder this time. I saw Cyan walking to us, he smiled weakly at me and tapped Thy's shoulder. They cried in front of me… I hate this. “Wala na siya, ate,” si Cyan. Tinawag na kami ng mama ni Simon kaya nagpunas kami ng mga luha bago pumunta sa van nila. We stopped sa dalampasigan, hindi ko alam kung saan ito. Ngayon lang ako nakapunta rito. I looked at Cyan and Thy, they are quiet at hindi ako sanay. Si Kean at Nevin ay nasa kabilang sasakyan habang si Jaro… hindi ko pa rin nakikita. Jona : are you coming? Jaro : Yes, I am here where you guys stopped by. I'm waiting here all day. I was shocked and confused, but I appreciated that he is here, waiting. Cyan opened the door for us para makalabas na kami at magsimula ang seremonya. Hindi mahawakan ng maayos ni tita Serene, Simon's mother, ang lalagyan kung saan naroon ang abo ni Simon. Pumunta si Timothy kay tita at siya na ang nagpresinta na maghahawak, binigay naman agad niya ito sa kanya. Jaro walked towards to us. His eyes was empty. Cyan also distanced to us. “I'm sorry, nawalan ka ng kaibigan,” I said to him. He just nodded and I saw his eyes got tearing. Nagsimula ang seremonya at tulala lang ako. Hindi ko pa rin maaninag kung bakit at paano, ang bilis lang ng pangyayari. Napaayos ako ng tayo ng kalabitin ako ni Jaro, he gave me a small smile, I smiled back. “Simon, napakadaya mong bwisit ka!” Sigaw ni Timothy ng isaboy na ang abo ni Simon. Lahat kami ay nagsiiyakan. Jaro caressing me while Cyan was trying to hug Timothy. I saw Kean and Nevin silently crying. How I wish this is just a dream. It is hurt so bad. Gabi na ng maihatid ako ni Jaro pauwi sa amin. I said thank you to him and he just nodded, he drove away. Pumasok ako sa bahay at nakita si Dad na nakaupo sa sofa, he smiled at me and gave me a hug. I cried again. “Ang daya niya, Dad,” “Hush, honey. Makukuha natin ang justice ni Simon.” My Dad comfort me. After I cried to him, naglakad na ako paakyat sa kuwarto ko. Ilalapag ko na sana ang bag ko ng may mahagip ang mga mata ko. Isang singsing? Nilapitan ko ito para maaninag ng husto. I was so shocked! Ring with a blood, and note. Wear it :) I called Jaro but he didn't respond so I called Kean instead. “Kean,” I said when he picked up the phone. “What's the matter?” “B-Blood…” “Blood? Huh?” “T-There is a r-ring here and i-it is f-full of blood,” I was so scared! “There is also a note here.” “Baka naman ketchup lang 'yan na naiwan ng kasambahay ninyo?” “No…” I answered. I just realized na… Singsing ito ni Simon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD