chapter 7

1175 Words
KEAN'S POV “Hey, Jona, are you still there? Hey!” she hang up the phone. Bumangon ako sa kama at nagtungo sa cabinet ko para kuhanin ang susi ng motor ko. I picked my phone again and dialed Cyan's number. “Ken,” “Where are you?” I asked habang tumatakbo papunta sa garahe. “Nasa bahay, bakit? May problema ba?” “Hurry, puntahan natin si Jona.” As I end the call. Mabilis akong sumakay sa motor at pinaandar 'yon. Sana mali ang iniisip ko. Sana hindi ikaw ang pumatay kay Simon, Jaro. “Jona!” Sigaw ko nang makarating ako sa bahay nila. May lumabas na lalake galing sa garden. “Sir,” si kuya Pat. “Gabi na po, bakit po kayo narito?” Tanong niya habang pinagbubuksan ako ng pinto. “Tinawagan po ako ni Jona, kuya, m-may ibibigay lang daw po siya.” Pagdadahilan ko pa. May narinig akong mga kotse at motor kaya napalingon ako roon. As what I expected, narito silang lahat. Si Timothy na nakasakay sa kotse ni Nevin, si Cyan na nakasakay sa motor niya, at si Jaro na palabas sa sasakyan niya. Tinaliman ko siya ng tingin. “Kuya Pat, pwede na po bang pumasok?” Tanong ni Thy. Halata pa rin sa mukha ni Timothy ang pagod pero pinuntahan niya pa rin si Jona. I sighed. Tumango lamang si kuya Pat at pinapasok na kaming lahat. Nangunguna sa amin si Thy, kasunuran niya si Jaro, Cyan, ako, at si Nevin na binabagalan ang lakad at tulala. “Nevin,” tawag pansin ko sa kanya. Hindi niya ako binigyan ng tingin kaya't huminto ako at nang malampasan niya ako ay itinulak ko siya paakyat. Sapilitan tayo rito. “Thy… S-Singsing ito n-ni Simon,” nanginginig na sambit ni Jona ng makarating kami sa kuwarto niya. Lumapit ako kung saan nakalagay ang singsing na iyon at pinagmasdang mabuti. Medyo sariwa pa ang dugo. “Nevin,” dinig kong tawag ni Jona. “Alam kong ikaw ang may gawa niyon kay Simon!” Sigaw niya. Lumingon ako at na kay Nevin ang atensyon ng lahat. “Hinding hindi ko magagawa kay Simon 'yon, Jona!” Sigaw pabalik ni Nevin habang tinuturo pa ang sarili. “Hindi ba't sumunod kang lumabas kay Simon?” Napatingin ako kay Jona. “May hawak hawak ka pang bote noon, baka naman iyon ang ginamit mo para magpira-piraso ang katawan niya?” Ngumisi si Nevin. “Pinagsasasabi mo—” “At hindi ba't sinabi mo rin sa akin noong umamin ka na may pinaplano ka? May plano ka! Kasama ba ito sa plano mo, ha?” Nahihirapan niyang sambit. Pero hindi lang naman si Nevin ang lumabas ng mga oras na iyon… “Jona—” “Ikaw ba, Nevin?” si Timothy. “Ikaw ba ang pumatay kay Simon?” Naguguluhan at umiiyak na tanong niya. Naguguluhan na rin ako pero imposible. Katahimikan… O baka naman— “Hindi ako ang pumatay sa kanya, Timothy.” Huling kataga niya bago lumabas sa kuwarto ni Jona. “Hindi naman talaga siya.” Bulong ni Jaro. Ngumisi ako at tinuro siya. “O baka naman ikaw ang pumatay kay Simon, Jaro?” Nagulat si Jona, at pati si Timothy pero ngayon ay dama ko na ang galit niya. Halos hindi na kasi nagpapakita si Jaro sa amin, sumusulpot lang siya bigla bigla. “Anong sinasabi m— pinagbibibtangan mo ba ako?” si Jaro. “Oo,” diretsa kong sagot. “Hindi imposibleng ikaw ang pumatay sa kanya dahil hindi ka namin nakikita. Hindi ba't alam mo rin na may gusto si Simon kay Jona kaya madalas mo siyang pinagseselosan—” “Tarantado ka!” Sigaw ni Jaroslav at sinapak ako. “Totoo naman, diba?” I chuckled as I wiped the blood in my lips. Isang sapak na naman ang natanggap ko bago niya kami iwanan. Huli ka. JAROSLAV'S POV Matapos ko silang layasan ay dumiretso ako sa kotse ko. Padabog kong isinara ang pintuan. “Bwisit! Bwisit,” sigaw ko. “Simon naman! Magparamdam ka naman ngayon, hahayaan kitang takutin ako ngayon basta sabihin mo lang sa akin kung sinong gago ang nagpira-piraso sa iyo!” Parang tangang sigaw ko sa loob. “Pinoprotektahan ko lang naman kayong lahat, bakit ako pa ang argabyado rito?” Nakakapanghina, putangina! Nasa opisina lang ako magdamag at hindi na pinapapasok ni Dad dahil sa mga papeles na kailangang tapusin. Ang mga papeles na iyon ay tungkol sa mga kaibigan ko. Sinusubaybayan ko sila palagi. Bakit ako pa? Nakita ko ang pangyayari simula't sapul at ang mas malala ang kay Simon. Nagpaalam na si Simon sa amin na uuwi na. Sumunod sa kanya si Nevin. Sumunod na rin ako dahil hindi ako mabahala. Nang makalabas na ako ay nagtago ako sa malaking puno at naroon din si Nevin. “Ano?” Natatawang sambit ko. “May kakaiba akong nararamdaman, pre,” pag-amin niya. “Huwag mong sabihin na gusto mong kuhanin sa akin si Jona. Alam ko namang nagselos ka sa amin ni Jona noong gabi na iyon sa resort, ang tamlay nga ng mukha mo noon tapos parang nababasa ko iyong nasa isip mo. Gago pre, hindi pa nga ako sinasagot at wala na nga rin akong oras sa kanya, ngayon na nga lang ako bumabawi tapos—” “Bobo! Ang ibig kong sabihin ay parang ngayon susugod ang killer.” Sabay irap nito. Dukutin ko mata nito eh, saktong may panungkit kami rito. “Ayun na,” sambit ko. Nakita namin si Cyan na papunta sa direksyon ni Simon. “Bakit may hawak na taga 'yon?” Tanong ko. “Balot na balot ah,” dagdag naman niya. Hindi kaya… “Sinasabi ko na nga ba!” Sambit ni Nevin. “Putangina! Saan ka pupunta?! Hoy!” Hinila ko ang damit niya at pinaupo siya ulit. “Tangina naman, Jaro! Mamamatay na si Simon, ano ba!” Sigaw niya sa akin. Pagkatingin ko sa direksyon nila ay wala na sila roon. “Tangina! Tangina!” “s**t!” “Bakit ko ba kasi pinigilan si Nevin na iligtas si Simon?” Umiiyak kong tanong sa sarili. Guilty ako sa nangyari, kasalanan ko. Paaandarin ko na sana ang sasakyan ko ng may tumama sa bintana ko kung saan ako nakaupo. “Oh my goodness! Wala akong dalang—” hindi pa man tapos ang pagra-rant ko sa sarili ko ay may tumama na naman sa bintana ko but this time ay basag na ang salamin. “Sugat na naman, puta.” Binuksan ko ang pintuan ko. “Kung sino ka mang bumabato sa sasakyan ko, bayaran mo 'tong loko ka! Ang mahal mahal ng bili ko rito tapos—” wow, dibdib ko ang target. May tumamang pako sa dibdib ko, binilang ko iyon at pito ang tumama. “Masasaktan ba dapat ako?” Tanong ko sa sarili ko habang binibilang ulit ang mga pako. “Oo, Jaro, masaktan ka.” Napatingin ako sa direksyon no'ng nagsalita. Cyan…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD