CYAN’S POV
Napakasarap namang pakinggan ng mga away ninyo, mga iyakan, at sisihan ninyo.
Mga uto uto.
Nakita ko si Jaro na nasa kotse niya, nage-emote.
“Last na emote mo na ‘yan, tol, sulitin mo na.” Nakangising sambit ko sa sarili at inihanda ang pitong pako para patamaan ang salamin ng sasakyan niya.
Sapul, dude! Isa pa nga.
Labas na riyan, kuya Jaro.
“Natamaan ka rin.”
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at naglakad papunta sa direksyon niya.
“Masasaktan ba dapat ako?” Nagtataka niyang tanong sa sarili habang hinahawakan ang mga pako sa kaniyang dibdib.
“Oo, Jaro, masaktan ka.”
Tumingin siya sa direksyon ko. Nginitian ko lang siya at hinagisan ulit ng pitong pako sa mukha.
“Bullseye!”
Tumama ang tatlong pako sa magkabilaan niyang mga mata. Habang ang isang pako ay sa noo niya tumama.
Ngumisi ako sa aking nakita.
“Ganyan ang mangyayari sa iba kapag hindi marunong dumistansya sa fiancé ng iba.” I chuckled.
Tinalikuran ko siya at naglakad na parang walang ginawang krimen kanina. Umaastang sigma sa daanan papasok sa bahay nila Jona.
“Oh, Cyan, mags-stay ka rito?” si Timothy.
I acted surprised.
Mabilis lang din namang mapaikot itong si Thy, isusunod na kita.
“Ah, hindi, may naiwan lang ako sa taas. Uuwi na ba kayo? Kumusta si Jonaina?”
He showed the ring of Simon, there are still a bloodstained. Hindi pa rin nalilinis.
Next time nga lilinisin ko muna mga gamit bago gawing pain, ang dumi kasi.
“Pauwi na sana ako pero daraan muna ako sa shop ni Abuelo para ipalinis itong singsing ni Simon.” He said as he stared at it for a seconds.
Tumango naman ako at pasimpleng kumukuha ng mga pako sa likuran ng pants ko.
Tinapik niya ako sa braso. “Mauna na ako, ingat kayo sa pag-uwi.”
Sinundan ko lamang siya ng tingin habang binibilang kung nakakailang hakbang na ba siya.
Nang umabot na sa pito ay pinaulanan ko siya ng pako. Lumapit ako sa nakadapang Timothy na naliligo na sa mismo niyang dugo.
Dumapa rin ako at tiningnan siya sa mga mata.
“Ang ganda ng mga mata mo pero pinapaiyak ka lang ni Jona,” nginitian ko siya. Inilapit ko ang mukha ko sa kanya at nginitian na naman ng malaki. “Ako nga pala ang pumatay sa kaibigan mo. Ako rin ang nagpadala ng cake noong birthday mo, nakain mo ba?” Saad ko na parang demonyong binubulungan ang isang anghel.
I saw a tear falling from his right eye before he closed those eyes of him.
Tinusukan ko pa ng isang pako ang kanang mata niya bago tumayong muli. Maglalakad pa lamang sana ako ng may makita akong anino sa may itaas ng hagdanan, kaya dali-dali akong umakyat.
I saw Kean, dumbfounded. Halata sa kanya ang pagkabalisa. Hindi mo malaman kung anong hakbang ang kaniyang gagawin.
“I-Ikaw ang p-pumatay…”
“Ako nga,” as I smiled at him cutely. “Pauulanan na kita ng mga pako, ha? Huwag kang sisigaw.”
Pinaulanan ko siya ng mga pako at hindi nga siya sumigaw. I smiled widely.
Punong puno na ng dugo ang damit at katawan niya. Hindi ako nakuntento roon, sinaksakan ko siya ng pako sa ulo ng tatlo at sinipa siya dahilan ng pagkakagulong niya paibaba.
“Last victim, my fiancé.”
“Cyan,” pagkarating ko sa kuwarto niya. “Bakit nandito ka pa? May naiwan ka ba?” Sunod sunod niyang tanong.
“Bakit ka umiiyak?” Tanong ko sa kanya.
“W-Wala ‘to,” she wiped her tears. “Ah, sorry pala kanina at nakita mo pang nagbabangayan kami. I know that my actions earlier are inappropriate, nasaktan lang talaga ako at hindi ko kasi matanggap ang pagkawala ng kaibigan natin. Hanggang ngayon ang sakit sakit pa rin.” She sobbed so hard while saying those words.
Tumango ako sa kanya at pinuntahan ang singsing ni Simon.
Lumapit ako kay Jona.
“B-Bakit?” Naguguluhan niyang sambit.
“Wear this,” I smiled at her.
“Ha? Anong… Cyan…”
“I am your fiancé, right?” Kinuha ko ang kamay niya at isinuot ang singsing sa kanya.
Her hand was shaking, poor her.
“Cyan… F-Fiancé-”
“Yes, I’m your fiancé… before,” she gulped. I hold her wrist tightly and looked at her eyes. “Fiancé mo na sana ako kung hindi ka lang tumakbo, kung hindi ka lang umalis, kung hindi mo lang ako tinulak! Pinagkasundo tayo, Jona-”
She slapped me. That hurts.
“Dahil hindi naman kita gusto! Pinagkasundo lang tayo, Cyan-”
“Pero mahal kita!” I shouted at her. Sa pagsigaw ko na rin iyon ay sinaksak ko siya sa dibdib niya gamit ang pako. “Sobrang. Mahal. Kita.” Mariin at paulit-ulit na saksak hanggang sa bumulagta siya sa sarili niyang kama.
“Bakit hindi mo ako magawang mahalin, Jona…” Umiiyak na sambit ko habang patuloy siyang sinasaksak sa kanyang katawan. “Anong meron kay Jaro na wala sa akin?!” Ibinaon ko ang pako sa kanyang puson, hiniwa-hiwa ang kanyang tiyan hanggang sa lumabas ang kaniyang lamang loob.
“Cyan!” si Nevin. Napahinto ako sa aking ginagawa.
Nilingon ko siya… at nginitian.
“Patay na siya…” Sabi ko. “Pinatay ko siya,” turo ko kay Jonaina. “Pinatay ko silang lahat!”
Tiningnan kong muli si Jona na nakaawang ang bibig at mulat ang mata.
“Bakit hindi ako magawang mahalin ng taong mahal ko, Nevin?” Naiiyak na sambit ko sa kaniya. Tumingin ako sa kanya sa itinutok ang pako na may dugo ni Jona. “Bakit mas pinili niyang tumakbo sa kasal naming dalawa, bakit mas pinili niyang samahan si Jaroslav? Anong meron sa kanya, Nevin?! Sabihin mo sa akin!” Sigaw ko. Nakatutok lang ang baril niya sa akin.
Bakas sa kanyang mga mata ang lungkot, sakit, at pighati. Ngunit tinatagan niya ang kanyang loob. Unti-unti niya ang nilalapitan habang unti-unti ko rin na ibinaba ang mga pako sa aking mga kamay.
Muli, tiningnan ko ang aking mahal na nakaratay sa kanyang magandang kama na ngayon ay nababalutan na ng dugo at atay.
Hindi ako ganito, hindi ako mamamatay tayo. I am not a murderer! Nagmahal lang ako… Nagmamahal lang ako.
“I'm…” Nevin hold my hands and cuffed me. “I’m the criminal, love.”