''Mahal ko, gising na. Andito na ako.'' Awtomatiko namang napadilat ang mata ko nang marinig ko ang malamyos na boses nito. Dali-dali naman akong napabangon at mabilis ko itong niyakap nang mahigpit. ''Paano ka nakapasok? Akala ko iniwan mo na ako,'' mangiyak-ngiyak na turan ko sa kaniya. Naramdaman ko naman ang mahinang paghagod nito sa likuran ko. At sa haplos nito pawang naramdaman kong safe ako't kusang naglaho ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. ''I'm sorry kung hindi ko na magagawa ang pangako ko sa iyo.'' Kusa naman akong napabitaw ng yakap sa kaniya at matamang tinitigan ito. 'Di ko mawari kung bakit tila may kakaiba sa mga tingin nito at 'di ko alam kung bakit iba ang kutob ko. ''Natupad mo ang pangako mo Marco, andito ka. Itatakas mo na ba ako? Ano bang nangyari sa'yo

