Arc 1: The Heirarchy

2712 Words
Chapter One: The Page I lay awake on my bed, hearing my mother as she sang her lungs away. Unlike the streotypical morning in a province, there aren't any rooster calls and the night was as sound as vaccum. Ayoko pang bumangon pero kanina pa tumutunog ang orasan ko at hindi ko na mapigilang hindi ignorahin. So with a heavy body and still moony-eyed face, I got up just as mommy was about to bellow my name. Napangisi ako dahil eto na naman tayo. "Aristheia!" Napapikit ako sa sigaw ni mommy mula sa kusina ng bahay namin. "Tanghali na! Kumain ka na!" Kasabay ng mga sigaw sa akin ni mommy ay ang saktong pagtunog uli ng orasan ko nang alas cinco 'y media. "Opo!" sigaw ko pabalik at mabilisang tinignan ng isang beses ang bag kong pang-eskuwela para kung may nakalimutan pa ako ay maaari ko pang mailagay. Nang sa tingin ko ay nandoon na lahat ng kailangan ko ay bumaba na rin ako para sagutin ang tawag ng dakila kong ina. Mula sa kwarto ay bumaba ako sa hagdanan na tumutumbok sa sala namin at naglakad papunta sa kusina. Nagkusa na akong maglagay sa lamesa ng mga kubyertos para makakain kami habang si mommy ay tinitignan pang maigi ang nilulutong sinangag. "Tawagin mo na muna si Nick, Aris, para makasabay na siya sa atin," walang abog na utos ni mommy, hindi alintana na kahit ang simpleng pagbanggit lang ng pangalan ni Nick ay sobrang nagpapakabog na sa dibdib ko. Para na namang nauupos na kandila ang hininga ko sa sobrang kaba habang naglalakad ako papunta sa kanila. With expert accuracy, I climbed the fence between our houses and went straight to the backdoor. Though I've walked this path a thousand times before, I still feel the maddening pound of my heart. Bumuntong hininga at tinagpo ng mga kamay ko ang maiikling buhok na nakaharang sa noo ko bago ako kumatok sa kanila, makalipas ang ilang sandali ay binuksan niya na rin ang pinto. Halata pa na bagong gising siya sa pagkusot ng mga mata niya, habang ako naman ay ngiting ngiti na sinalubong siya. Parang tanga lang, nakakaasar naman. Hindi na ako bago sa ganito, pero paulit-ulit na lang ako. "Sorry." He smiled sheepishly at me. "Na-late ako ng gising. Crazy night earlier." His eyes widened with mischief and excitement. Nanliit ang mata ko sa asta niya at pinigilan na siya bago pa makapagkuwento ng kung anong kabalastugan na ginawa kagabi. Diyos ko naman, ayokong marinig ang mga iyon. Hindi ba siya naaawa sa akin. Tinignan ko siya, ganoon pa rin naman. He was still as clueless as f**k and, yes, that will surely and greatly benefit me. "Mamaya na iyan kapag nasa tricycle na tayo." Niyakag ko na siya papunta sa tarangkahan nila para mabuksan niya ito gamit ang susi niya. "Late na ho tayo oh." Itinuro ko ang pulsuhan ko kahit na wala namang nakasuot na relose. Maya't maya ay nanguna na siya sa akin sa paglalakad. The short distance between our homes was my only chance on being with him alone. It was like seeing him. Not the Nicholas everyone admires, but my childhood friend that I admire. He was walking with a careless but elegant gait. Kaibang kaiba ito sa madalas na matigas at kalkulado na lakad niya. May multo ng ngiti sa kaniyang labi na para bang nagpaplano siya ng isang kalokohan. Our morning continue smoothly and... normally, just like any other day. Isa lang ito sa mga umagang lumipas na walang hindi pangkaraniwang nangyari. Just an ordinary morning of an unremarkable girl in a simple neighbourhood. Ang hindi ko alam ay sasabihin sa akin ni Nick ang pinakamalaking balitang kumalat sa buong eskwelahan sa iisang gabi lamang. Yes, that was the most cliche thing that ever happened to me. It sounded so trivial, but not a thing can never left me so utterly shocked and speechless as this news. "Sino sa tingin mo ang nagsulat ng mga iyon? Sobrang bold at...well... nakakatawa sa totoo lang." sambit agad ni Nick pagsakay namin ng traysikel. "Ano?" naguguluhang tanong ko. "The Page," tinaasan niya ako ng kilay. "Kung sino gumawa 'nun at ang nagsulat," sabi niya na parang alam ko dapat ang sinasabi niya. Joke was on him since I have no clue what was he getting at. "Huh?" I grunted cluelessly. "Did I miss something yesterday? Bakit parang hindi ko alam ang pinagsasasabi mo?" "Nag-online ka ba kagabi?" tanong niya sa akin pabalik. "Dapat ba akong mag-online?" balik kong tanong. Sa pagkakaalam ko ay wala namang mga pagsusulit sa kahit na anong asignatura kaya ano bang dapat kong malaman? Wala rin namang espesyal na okasyon na dapat abangan. Ano ba itong sinasabi niya? "Alam mo kung isa na naman iyan sa mga tsismis mong gusto mong ipakalat ko...back off, Nick." "Hindi, iba ito," seryoso niyang sambit at nilabas ang telepono niya. Nagtipa siya saglit at naghintay kaunti bago ipakita sa akin. "It was great and different." Nangunot ang noo ko sa pinakita niya. It was just a a certain social media platform page with a name 'The Page' and a profile photo of a quill and silhouette of a side view of a person. I immediately grabbed his phone and scrolled down a certain social media page. Ano ba ito at parang sabik na sabik naman siyang parang bata sa pagpapakita sa akin? Pero bigla akong nanlalamig habang nakatingin sa telepono niya. Ang ritmo ng pusong kanina lang ay mabagal at kalmado ay pabilis ng pabilis na parang nakikipagkarera habang ang mata'y tumutok sa makinis na ibabaw ng telepono ng kaibigan. Napatiim ako ng bagang habang inililipat ang bawat textong nakalatag sa harap namin sa kaniyang telepono. For The Introduction: As life continues its progression, it became apparent that it is the most cruel but good thing in the world.... My mind is in knots and ties as my breathing got shallower and faster. The flow of the familiar words continue to made their on my system. Date: June 10. For however long an ink hasn't touched these pages, things progressed naturally. Things became different, things that weren't there before, started showing. The world seems different...without really changing. First things first.... Date: June 17. As people come and go By now, you already know.... "Ano 'to?" tumingin ako kay Nick, nag-aabang ng sagot sa tanong na ako rin ang makakasagot. "S-sinong... sinong g-gumawa nit-to?" He just shrugged casually and scrolled up to the very start of the page. "Ang nakalagay lang diyan ay collaborative work iyan so more or less marami silang gumawa niyan and sino ba magkakaroon ng lakas ng loob na siraan sila Pat? No one, kaya rin siguro anonymous." Nagpatuloy sa pagsasalita si Nick samantalang ako ay natulala habang ang puso ko ay mabilis ang tambol sa dibdib ko. Collaborative work? Anonymous? Mas nahirapan akong huminga ng maayos. Humihinga ako pero parang walang hangin na pumapasok sa sistema ko sa paghingal ko. Abot abot ang tahip ng puso kong parang sasabog na. Binalik ko ang telepono ni Nick at kinuha na lang ang sarili para muling hanapin ang The Page. Habang hinihintay ang telepono kong ipakita ang gusto ko ay ilang dosenang tanong ang tumatakbo sa isipan ko, pinaglalaruan at binibigyan ako ng iba't ibang mga ideya. Sinong maglalabas nito? Sinong may alam na ako ang sumulat ng mga 'article'? Bakit nilabas? Ano nang mangyayari sa akin? Tinignan ko ang relos ko kung may oras pa ba akong bumalik sa bahay pero mahuhuli na talaga ako sa klase kung babalik pa ako at kung may ayaw ako, iyon ay pagiging huli sa umpisa ng klase dahil sigurado naman na mapapahiya ako ng guro namin. Pero gusto kong siguraduhin na nandoon pa ang mga talaarawan ko. Pinagpapawisan na ako ng malagkit sa kaba. s**t talaga! Kinakabahan ako! There were already six entries, I should be relieved but I wasn't. Anim lang iyon pero lahat ng iyon ay pasok sa taon na ito. Ang ilan pa sa anim na entries na iyon ay napapabilang sa pinakamalalang mga naisulat ko. Lahat ng iyon ay may patamang masasakit na salita sa mga pinakapopular na estudyante sa eskwelahan. Anong gagawin ko? Paano kung may nakakaalam na pala? Teka, gaano ba kalaki ang pinasala nito sa akin? Mga salita lang naman ang mga iyon! They weren't even witty in layman's terms! Maaaring ang iba ay hindi pa nakikita ang The Page o walang pakialam. Pwede rin na nainsulto ang ilan pero baka paglipas ng panahon ay malimutan na rin nila. I just had to keep quiet and everything's gonna be fine! I assured myself. Pinilit kong ulit ulitin iyon sa kokote ko pero ang tambol na puso ko ay hindi tumitigil sa mabilis nitong takbo. Huminga ako ng malalim at nagtingin muli sa The Page. I silently prayed for the best. "Kailangan ko na bang magpasalamat na wala ako sa kahit isang post ng The Page?" biro ni Nick sa akin at pakunyaring siniko ako. Sa nerbyos ay walang tigil ang kamay ko sa kakaayos ng buhok ko. "Hate page ata ito e! Pero nagsasabi naman ng totoo just in a very fancy way." Oh, if you only knew Nick! I dedicated a whole entry for you and a whole new level in the hierarchy. Ano kayang sasabihin niya? Siguradong kapag nabasa niya ang laman niyon ay kamumuhian niya ako at dahil hindi pa naman niya alam na ako ang nagsulat baka hindi pa ngayon ang labas ng pagkamuhi niya. It might be delayed, but I can already feel the piercing pain of it. Nang sa wakas ay nailagay na sa The Page ang telepono ko, agad kong tinignan ang lahat ng laman nito. Already there are loads of comments. Ang sasakit ng mga komento ng mga tao. May mga nagsasabing diyos-diyosan daw ako, sino raw ba ako kung makapagsalita, b***h daw ako, mahaderang tsismosa. I just want to facepalm myself. I'm so doomed if someone will know about this! About me! Sa pagtahak ko ng silid-aralan ko sa ikaapat na palapag ng isa sa dalawang gusali ng eskwelahan ay tulala ko at lutang. "Magiging okay din ang lahat," bulong ko sa sarili ko. I knotted my forehead at Ely's, my best friend, agitated face as she beckoned violently me to follow her inside our classroom. Hinintay niya pa ako sa hagdanan namin. Katulad ni Nick ay masyado siyang sabik na makita ako at ibahagi ang hindi kaaya-ayang balita. Nagpaalam na sa akin si Nick para pumunta sa sariling silid samantalang kaming dalawa naman ni Ely ay pumasok na sa magulo at puno ng taeng, este taong salid namin. "Dude!" she exclaimed and fished out a paper out of her blue skirt's pocket. "Kailangan mong makita 'to!" Mas lalong nangunot ang noo ko sa kasiyahan na nakikita ko sa mukha ng matalik na kaibigan. Doon ko pa lang napagtanto na ang buong klase ay buhay na buhay sa ingay. Lahat sila ay may hawak na isang librito. It was like a booklet, like a brochure really, and all of their heads were hell bound to it. Hinila ako ng kaibigan ko sa upuan ko na katabi ng isa ko pang kaibigan na si Cristine. "Ano? Anong meron?" nakakunot noo na tanong ko sabay hawi ng buhok ko sa irita. Namamawis ang noo ko sa kaba kaya, sa totoo lang, dumidikit na ang bangs ko sa noo ko. Yuck. "You won't believe it!" Denise, another friend of mine, also exclaimed at me and pointed at the glass board in the front. The Hierarchy, it says. The Geniuses. The Entitled Royalties. The In Betweens. The Losers. Nakalagay sa ibaba ng mga uri ang mga ibig sabihin nila at ang mga estudyante na nabibilang roon. And shockingly ( not!), the students were under the classification I made in my journal/diaries. But the In Between were broken down to many more classifications. I really am starting to doubt myself why I wrote in such a way. Para bang ang pagkakamali ng kahapon, ng mga sinulat ko ilang buwan bago nitong araw na ito, ay hindi pa sapat para turuan ako ng leksyion. Dapat ko talagang ipagpatuloy? Nakakaasar! "Tignan mo 'to." Cristine thrust a booklet to me, so eagerly that it makes me a bit sick. Wala sa huwisyo akong tumingin roon, hindi pa rin makapaniwala sa nangyayari. "What in actual the fuck." I whispered as it finally sink in what exactly I'm looking at. Mababaw at hinihingal akong huminga habang binabasa at sinisipsip ng utak ko ang bawat artikulo na naroon. Ang tanga naman ng utak ko dahil parang iniluluwa niya ito palabas. Mas lalo akong nawala sa huwisyo. Nahihilo na ako at parang lahat ng bagay ay lumalaki, ang sikip bigla ng paligid ko. Sa pinakalikod ay naroon ang uri ng bawat estudyante ng tatlong seksyon na mayroon ang eskwelahan namin. The layouts, the print, even how the so-called articles presented and projected were so good to look at. Kahit ang mga Losers na dati'y may sariling mundo ay sabik na binabasa ang mga artikulong nasa The Page na galing sa talaarawan ko. "San 'to galing?" tanong ko sa mga kaibigan ko, pero ang tanging sagot lang nila sa akin ay ang pagkikibit-balikat. Hinawi kong muli ang buhok ko. Bakit parang ang layo ata pakinggan ng boses ko? Shit! "Diba nga laging ako 'yung pinakamaaga sa room? Dumating ako rito na bukas na 'yung pinto tapos may nakalagay na sa bawat desk natin 'yung mga booklet," sabik na kuwento ni Cristine sa akin. Kumakabong-kabog ng sobrang bilis ang puso ko. Kahit na hindi na ako pinagpapawisan ng malagkit, nanlalamig naman ako. Hindi ko tuloy alam kung ano ang mas maayos. "Sure ka ba na wala ka talagang nakita?" tanong ni Ely pero umiling lang si Cristine. "Ang kapal ng mukha ng nagsulat nito!" gigil naman ni Denise. "Talagang pinagkalat pa at pinamigay sa buong grade natin!" I continued to browse the booklet. In all honesty the booklet, brochure, or whatever they want to call it was really interesting. Whoever did the lay out of this, gave more emphasis and highlights to my articles. Muli kong binalikan ang pinakalikod at napagtanto kong naroon din ang nag-iisang deskripsyon na ayaw kong makita talaga. Oh my gosh. Ayokong makita ito! Nanlaki ang mata ko sa nag-iisang pangalan na nakalagay sa ilalim ng The Escort. It was Nick. Napapikit ako sa itinala ko roon. Ni hindi man lang binago o kung ano man. The Escort: Although extremely handsome and charming, The Escort is completely different from all the jerks that are inside the Entitled Royalties. There is only one person, in this whole school more or less, that sleeps around with...or anything, disappointedly, a v****a. (Of course, the part where he's the only one sleeping around might be actually false but then everyone got the point) He can easily get the girl he wanted that even the fearsome teachers, cough Ms Leah cough, fell under his spell and dropped them like they are scalding hot when everything fell into chaos or when he just feels like it. There's only one person and he is... Nicholas Valdez. Kung kanina ay natutuwa pa si Nick sa The Page, ngayon ay sigurado na akong ayaw na niya talaga rito. "Ang harsh! Akala mo perfect ito kung makapagsalita." komento pa ni Denise. "Oo nga, Den, kailangan pang ipamukha sa atin!" untag pa ni Cristine. "Hindi lang naman kayo 'yung nandun ah," hindi pagsang-ayon ni Ely at binulong ang kasunod na mga salita, "at least nandun sila Pat." Marahan kong siniko si Ely at bumulong din para kung sakaling baka may nakakarinig. "Baka marinig ka, huwag kang maingay," banta ko sa kaniya pero nagkibit-balikat lang siya ulit. Karaniwan, sa mga ganitong sitwasyon ay magtitinginan kami ni Ely. We'll grin mischievously as if sharing a secret. Pero ngayon ay ni hindi ko magawang magkumento ng mahaba at detalyado. Hindi ko magawang sabihin ang mga opinyon ko. Nalulutang ako. As in it felt like my brain is nowhere to be found on top of my head. Nanatili ang tingin ko sa 'hierarchy' na ako ang gumawa. I labeled the people around me like they were petty things and now... My words are out. Just for starters, it most definitely does not feel any good.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD