What Happened On Monday
"Dito lang tayo sa kwarto ko ha, baka biglang magbago isip nila mama at palayasin kayo." Ali motioned for us to follow her.
Alisa opened the high gates of her family's house and we all went in to follow her inside the house.
"Good evening po," mabait ay inosentenh na bati namin ni Eugenio sa magulang ni Ali na nasa sala nila, binati naman nila kami pabalik.
Ilang ang pagtayo namin ni E sa harap ng magulang ni Ali habang nakatingin sila sa amin at pinakakilala kami ni Ali. "Ma, pa. Mga kaibigan ko po. Si Aris at si Eugenio."
"Ahh! Si Aris na ba iyan?" Tumayo ang mama ni Ali kaya napatuwid ako ng tayo. "Kamusta na? Hindi ka na masyado nagagawi sa amin ah?"
Medyo ilang na binalik ko ang ngiti ng mama ni Alisa at napakamot sa batok ko. "Ayos naman po, tita. Tita, sana ayos lang po na rito muna kami ngayong gabi ni Eugenio. May mga gagawin lang po kaming project."
Mataray ang mga kilay ng mama ni Alisa na nakataas sa amin. Napakagat labi ako sa rahas na tingin ng mama ni Ali sa amin.
"Dito kayo kakain?" medyo matalim na tanong niya sa amin. Tumingin ako kila Ali at Eugenio para humingi ng tulong sa pagsagot pero mukhang nakalimutan ata nilang tumingin sa akin pabalik o kahit na magsalita lang. Mga traydor kayo!
"A-ahh... h-hindi na po, tita. Iniisip po kasi namin na kumain sa labas," sagot ko at ngumiti.
"Hindi, hindi. Dito na kayo kumain," aya ng mama ni Ali na hindi ko naman nahindian na. "O siya, pumunta na kayo sa kwarto ni Lisa at mag-ayos na roon."
"Grabe nakakakaba mama mo, Alisa!" impit na tili ni Eugenio habang nilalapag ang maliit na bag niya. Ako naman ay nauna nang umupo sa kama ni Ali na siguradong maliit para sa aming tatlo.
Nagsimula akong maghalungkat sa bag ko at maglabas ng mga pagkaing na binili ko. Nag-usap pa kami ng kaunti, mga kwento lang tungkol sa mga tao sa eskuwelahan, bago kami tinawag ng ate ni Ali para kumain.
Sa hapag ay tahimik kaming kumain, minsan ay nagtatanong din ang mga magulang ni Ali sa amin ni Eugenio. Mga practikal na tanong lang para mapunan ang katahimikan sa hapag. Naging maayos din naman pagkatapos naming kumain at wala masyadong komosyon, agaran din kaming pumunta sa kwarto ni Ali.
"Gusto ko rin sana talagang sumama!" muryot ni Ely, kita na sinimangutan niya kami mula sa medyo malabong mukha niya sa harap ng telepono ko. "Ayaw kasi ni mama eh!"
"Mas mabuti na rin na wala ka!" irap ni Eugrnio kay Ely. "Pangpagulo ka lang dito 'noh!"
"Hoy baka ikaw!" Ely retorted back. Inilabas ni Ely ang dila niya para ipakita kay Eugenio.
"Grabe sila, ang ingay," nanunuyang sambit ni Ali habang nagtutulungan kaming maglatag ng hihigaan namin sa lapag ng kuwarto niya. Inusog namin ang kama niya sa tabi ng pader para masulit namin ang malawak na ispasyo ng kwarto niya. "Senyorito, pwede bang tumulong ka naman."
"Hahayaan ko na lang sa mga maid ko ang gawain." echoserong sagot ni Eugenio.
"Hoy, Eugenio, echosera kang bakla ka! Tumulong ka rito. Baka gusto mong sa labas ka matulog?" hamon ko sa kaniya. Inirap niya ulit kami at kumerengkeng na tinulungan na kami.
"Anong oras kayo bukas?" sabi ng malabo na mukha ni Ely sa amin habang nakatunghay sa paglalatag na ginagawa namin.
"Uh...mga 6 am?" tinaasan ako ng kilay ni Eugenio, naghihintay na sang-ayunan nakin siya.
"Gags! Late na 'yun! Baka mamaya niyan tapos na 'yung Publisher sa paglalagay sa buong school," sabat ni Ali.
"O sige, anong oras?" tinaas muli ni Eugenio ang isang makapal na kilay.
"Mga 5 am? Or as much as possible sana mas maaga pa." suhestiyon ko. "Kailangan nating unahan pumwesto ang mga Legionnaires para kapag mahuli natin ang Publisher, hindi nila puwedeng i-claim na sila talaga ang unang nakakita sa Publisher."
"Ahhh, oo nga!" pagsang-ayon ni Alisa sa akin. "So dapat maaga talaga tayo."
Hindi kalaunan ay nagpaalam na rin si Ely na matutulog na kaya naiwan kaming tatlo na hindi makatulog.
"Ilista kaya natin kung sinu-sino 'yung mga puwedeng suspect?" ang malaking mata ni E ay mas lalong lumaki at ang labi niya ay mas umumbok dahil paglabi niya.
"Suspect?" nanunuyang tanong ni Ali sa kaniya pero kinontra ko naman si Ali at sinang-ayunan si Eugenio. "Makapagsalita parang may krimen na nagyari ah."
Kung malalaman ko kung sino ang mga pinakamalapit na maaaring gumawa ay baka magkaroon na ako ng ideya kung sino ang puwedeng gumawa nito.
"Oo nga, Ali, tama si E." Tumayo ako para kumuha sa bag ko ng pen at paper. "Gawa tayo ng list para ma-anticipate natin kung sinu-sino ang mga puwede nating masalubong."
"Feeling ko si Sam at Ervin lang ang puwede gumawa ng ganito," komento ni Ali, kaya agaran kong sinulat ang pangalan ng top students ng Rushmore High.
Prospects For The Page's Staffs:
1. Sam Dane
2. Ervin Hills
"At saka si Luke," dagdag ni Eugenio, "kahit na sinabi niya na wala siyang kinalaman dito, malay ba natin kung nagsasabi siya ng totoo?"
"Okay," sabi ko at nagsulat uli sa papel ko. Sensible na si Luke ang maaaring gumawa nito pero kaibigan ko si Luke at kung may isang bagay na hindi siya, iyon ay hindi siya sinungaling.
Sunod na isinulat ko ang pangalan ni Ichor dahil gusto ko lang.
3. Leukos Mortalis
4. Ichor Bregen
"May isa pa akong pinaghihinalaan." Tumingin ang dalawa sa akin. "Si Ichor Bregen."
Halos sabay na tumaas ang mga kilay ni Ali at Eugenio sa sinabi ko pero inilingan ko lang sila at nagsimula nang magpaliwanag kahit na wala talagang basehan ang dahilan ko.
"Come to think of it, saka lang lumabas ang The Page pagkatapos niyang mag-transfer dito. Is it really just a coincidence?" I asked in a very conspiratorial voice. "Or maybe it's more than that. Maybe siya nga ang gumawa sa The Page. Anong alam natin tungkol sa kaniya? Absolutely nothing."
"Hindi ko gets," maarteng pahayag ni Eugenio at lumabi pa. Sinupalpal ko ang mukha niya. I impatiently huffed as I explained my so-called speculation.
"Saan ba galing si Ichor? Hindi niyo alam diba? Ikaw ba, Alisa, alam mo? Diba classmate mo siya?" dahan-dahang umiling si Ali. "See! Hindi natin alam kung ano ang capabilities niya. So!" I said with finality. "I'm putting him in the list."
"Bahala ka." Inismiran ako ni Eugenio at hinayaan na ako. "Sino pa ba? Paano kung kasali pala sila Luis!" nanlalaki ang mga mata na suhestiyon niya.
"Sige, lagay ko siya sa listahan."
Binukas ko ang mga mata ko sa tunog ng maingay na bagay sa ulunan ko. Humikab ako at kinapa kung ano ba iyon pero napagtanto kong telepono ko pala iyon na tumutunog dahil alas sinco na ng umaga.
"Guys," garalgal ang boses kong nagsalita habang inaalog ang mga katabi ko. "Eugenio! Ali! Gising na."
Mapupungay pa ang mga mata namin nang kumabas kami sa kuwarto ni Alisa. When it slowly dawned to me what we wereabout to do, my blood finally started rushing through my veins and the trance that my sleep put me under vanished in an instant.
Katulad ng naiisip ko noong nag-aya ako sa bahay nila Ali, ang plano ay malaman kung sino ang Publisher para malaman rin kung bakit nilabas ang isinulat ko at paano nila ng Editor nakuha ang mga ito.
The prize wasn't the money, I thought while I looked at Alisa as she climb the wall in front of us. Hindi kami puwedeng dumaan sa main gate dahil may mga guwardiya room at siguradong paaalisin lang kami ng mga iyon dahil hindi pa bukas ang eskuwelahan.
"Ikaw na, Aris," pabulong na sigaw ni Eugenio at inalalayan akong umakyat paitaas. Medyo nahirapan pa akong buhatin ang sarili ko pero sa huli ay nakaakyat din ako.
Dahil alas sinco pa lang ng umaga ay hindi pa sumisikat ang araw at ang kapaligiran ay mukhang sa gabi nagaganap. There were only street lamps as we walked quietly in the Rushmore's premises.
The crunch of the leaves and the roaring wind were the only things that can be heard with the occasional heaves of breath from the three of us. The moon was still peeking from behind the cloudy midnight blue skies. It was peaceful. Eveything was peaceful, all except my thumping heart.
"Sheeet," mura ni Eugenio at saka sumiksik sa amin ni Ali, "akakatakot."
"Ano ba!" naiiritang saway ko kay Eugenio. "Edi sana hindi ka na lang sumama. Kalaki mong tae, sobrang matatakutin."
"Ssshhh." Nilagay ni Ali ang hintuturong daliri niya sa tapat ng labi niya. "Baka marinig tayo ng guards."
Nagpatuloy kami papunta sa mga silid pero ang nakita lang namin ay ang kuyog ng mga Legionnaires. Naroon sila Joey, Jr, Patrick, at Kyle na parehong nagtatago sa guwardiya na naglilibot.
Sumilip ako ng kaunti sa gilid ng pader para makita kung naroon pa ba ang guwardiya sa pasilyo.
"Oh? Anong ginagawa niyo rito?" gulat na tanong ni Jr, nagkatinginan naman kami nila Ali.
"Bawal maagang pumasok?" pabalang na sagot ko at tinaasan sila ng kilay. Kyle chortled at my retort.
"Maaga?" magaspang na saad ni Kyle habang hindi makapaniwalang nakatingin sa amin.
"Tse! Bahala na nga kayo d'yan!" mataray ngunit medyo mahinang sagot ni Eugenio at nauna nang naglakad dahil sa senyas kong puwede na kaming umalis sa kinatatayuan.
Mabilis ang lakad naming tatlo habang iniiwan ang mga Legionnaires. "Huy, mga gago, bilisan na natin. Ang aga nila Joey," natatarantang pahayag ni Eugenio habang halos kaladkarin kaming dalawa ni Ali.
Halos takbuhin namin ang pinakaunang silid kung saan nagkaklase ang klase nila Ali. My heart was thundering inside my ribcage as we almost run. Wala akong ibang marinig kung hindi ang mga yapak namin, mga yapak ng mga tao sa likod namin at ang lakas ng t***k ng puso kong umaabot na sa tainga ko.
"Sheeeet." Napagaya ako sa mura ni Eugenio dahil sa nakikitang maayos na nakapatong na mga papel sa mga mesa sa silid na sigurado akong galing sa Publisher. Ang pinto at ang gate na parang rehas ng classroom ay bukas na. "Bilis! Sa kabilang room na!"
"Ha?!" nanlalaking tanong ni Ali habang humahabol sa amin ni Eugenio para makapasok sa silid niya.
"Sa classroom na namin!" tili ni Eugenio pero agad ko siyang pinalo para tumahimik. Sabay sabay kaming tumakbong tatlo sa ilalim ng buwan na nagpapaliwanag sa dinadaanan namin.
Hindi ko alam kung bakit pero ang tatlong seksyon ng ika-sampung baitang ng Rushmore High ay nasa magkakaibang parte ng gusali na ito. Hinihingal naming inakyat ang pangtalong palapag ng gusali para makararing sa silid ni Eugenio.
Our black shoes were screeching against the friction of the smooth floor. Ang hingal na paghinga namin ay umaalingawngaw sa buong pasilyo, hindi na ako magtataka kung mahuhuli kami ng mga guwardiya.
Nang natanaw ko sa wakas ang room nila Eugenio parang gumuho ang mundo ko.
I can see clearly the already opened gate bar and wooden door of E's section's classroom.
"Wait," hingal na pigil ko sa kanila. I tried to to swallow but my tongue was raspy and peppery with the wind's taste. "Wa-wala na siya rito, siguradong mas makaka-save tayo ng time kung didiretso na tayo sa classroom ko."
"Okay, maghiwa-hiwalay tayo para mabutan natin siya," suhestiyon ni Ali na tinanguhan namin ni Eugenio.
"Eugenio, ikaw sa kabilang hagdan at doon ka magbantay, ako naman dito. Ali, sa baba ka maghintay para wala siyang lusot."
Pagkatapos kong magsalita ay kumilos agad kaming tatlo. Pagtingin ko sa baba ay nakikita kong naghihintay at nagtatago ang Legionnaires.
Mga duwag! Kailangan kong mauna sa kaniya, marami akong tanong na kailangan ng kasagutan.
I took the stairs two at a time to accelerate my speed though I was so sure that I could roll down the stairs precariously any time because my balance was not my greatest strength. Kung biglang mapag-isipan ni Eugenio na pumunta sa itaas ay kailangan ko siya maunahan, hindi pwedeng siya ang unang makakita sa Publisher!
Mahaba at mabigat na hininga ang pinakawalan ko pag dating ko. Isang malaking itim na bag ang nakalagay sa harap ng gate bar ng silid ng klase ko.
Ang pagtibok ng puso ko ay sinasabayan ng pagtibok ng utak ko sa pagod. My legs were sore and my feet were numb. Abot-abot ang tahip ng puso ko habang naglalakad papalapit.
Umawang ang bibig kong nakatikom sa taong nakikitang gumagalaw sa loob ng solid. The person was wearing a baggy hoodie that obscured most of its figure and facial features.Hindi niya pa ako nakikita kaya tahimik akong pumaloob sa silid.
"Ahem!" I cleared my throat loudly to get their attention. "Good morning. Wala na tayong time so mapapadali ang lahat kung sasagutin mo ang mga tanong ko sa'yo. At huwag ka nang mag-deny dahil sa akin galing ang content ng Page at wala akong naaalalang may pinagbigyan ako ng copy."
Unti-unti akong lumapit sa kaniya. Sa bawat hakbang ko ay ramdam ko rin ang mas pagbilis ng ritmo ng puso kong naghuhurumentado.
Nanatiling nakatuod ang lalaki sa harap ko na para bang iniisip na niya kung paano makakatakas sa akin.
"Finally, nagkita rin tayo. But I don't want to say nice to meet you though," mariin na anas ko, nakatiim ang labi ko sa bawat segundong hindi ako nagsasalita. "Puwede bang tanggalin mo 'yung hoodie mo? We can talk and puwede tayong mag-negotiate na huwag mo na ulit 'tong gagawin. Hindi ako magsasalita sa kahit na sino, pero ibigay mo sa akin ang lahat ng kopya mo ng journals ko. Please."
I heard him heaved a heavy breath. For a split second, nothing happened but then he started running.
Sa gulat ko ay hinabol ko siya at nagulo ang ilang upuan. I jumped at the plastic chairs and hang on to his back. Wait, my back hurts! He shook me off but I immediately stood up to grab his arm.
Ang mahahaba kong kuko ay bumaon sa kaniyang braso. Ilang guhit ang ginawa ng karmot ko sa braso niya na nabahiran na ng dugo ngayon. Pero kahit nasugatan ko na siya hindi ako bumitaw.
He yelped in pain and shook me off again.
Pilit kong hinawakan ang kamay niya ng nadulas ang mga daliri ko sa kaniyang braso.
"Huwag mo na akong takasan!" pagod kong sambit pero tuluyan nang nakawala sa hawak ko ang kamay niya. Sa lakas ng hiklat niya sa kamay niya na hawak ng kamay ko ay natumba ako. Nakita ko siyang lumiko sa direksyon na pinanggalingan ko kanina.
I shrieked as I landed on my bottom. Ang pagkakasakdal ko ay mas lalong nagpapagod sa akin dahilan kung bakit hindi ako makatayo agad. But then, I opened my palm to find a silver ring.
Mariin ang hawak ko rito at suminghap.
As soon as my feet can carry me, I took off to run after him. Ngayong nakatakas siya sa akin ay wala na dapat na ibang tao ang makakita sa kaniya.
Mabilis ang bawat hakbang ko palabas ng silid nang makita ko si Eugenio na dahan-dahang naglalakad.
"A!" he called and looked at my disheveled appearance. "Anyare sa'yo, A?"
"Nakita ko siya! Nakita ko ang Publisher." singhap ko at tinuro ang kabilang direksyon na pinuntahan ng Publisher. "Doon! Doon siya nagpunta! Habulin mo, E! Bilis!"
Nanlaki ang mga mata ni Eugenio at umikot na para sana tumakbo pero lumingon siya sa akin. "Paano ka?"
"Basta! Habulin mo na lang siya." Huminga ako ng malalim at nilagay ang isang kamay sa dibdib na parang nahihirapan pero sa totoo lang ay nahihirapan na talaga ako sa pagod. "Bilis E, bago pa siya makita ng mga Legionnaires."
Tumakbo na si Eugenio sa direksyon na tinuro ko, samantalang halos gumapang na ako pababa ng hagdan. Magpagulong-gulong na lang kaya ako?Pero pagbaba ko sa sumunod na palapah ay nakita ko siya na dumiretsyo sa banyo ng pangbabae.
A brilliant light of flashlight illuminated the whole corridor. I flattened myself against the wall, a few steps away from me was the women's comfort room's entrance.
Unti-unti akong sumilip sa gilid ng pader. I can almost hear the audible sound of my breathing. Sabog na rin sa pawisang mukha ko ang buhok ko.
Agad din akong nagtago matapos makita na si Joey lang pala iyon. Palapit na ng palapit ang ilaw saka ako naghanda para pigilan at iligaw din si Joey.
"Joey?" singhap ko, lumabas ako sa pinagtataguan ko at kunyaring tumakbo papunta sa kaniya.
"Aris!" gulantang niya tawag sa akin.
"Nakita namin siya ni Eugenio na bumaba!" I relied on him, my voice was urgent and eager. "Hinahabol na siya ngayon ni E, bilisan mo kung gusto mo pa silang abutan. 'Dun sila dumiretsyo." Turo ko sa isang banda kahit na hindi naman totoo.
"Ha? O sige sige, thank you Aris!"
Napasalampak na lang ako sa pader nang makita siyang kumaripas ng takbo paalis.
Mabagal akong naglakad para kumatok sa pintuan ng banyo. "Wala na sila sa ngayon," pahayag ko rito. "Niligaw ko sila pero mas mabuti pang umalis ka na, kung hindi ay mahuhuli ka pa nila."
Tatlong beses na kumatok pabalik ang Publisher, sinubukan ko kung mabubuksan ko ang pinto pero nakakandado ito.
"Now's a good time to tell me who you are, kung sino ka man. Kung alam ko kung sino ka, mas madali sa ating dalawa na mag-cooperate. Just tell me who you are. Nasa akin ang singsing mo, ibibigaybko sa'yo kung sasabihin mo sa akin kung sino ka." Yumuko ako para tignan ang singsing sa palad ko pero lumipas ang ilang segundo ay hindi na siya nagsalita kaya sa huli ay kumatok ako ng tatlong beses pabalik at tumakbo na palayo.
"Ngayon saan na sila?" I wonder out loud as I ran through the deserted corridors until I went out of the building but I was halted when I stumbled on the hard ground. "Oh no!" I yelped and cursed again when I saw a deep gash on my knee and my skirt torn at the seams.
Hindi ko napigilan na mapadaing uli habang sinusubukang tumayo pero sa pag-angat ng paningin ko ay isang kamay ang nag-aabang sa akin. My eyes went immediately to the hand's owner.
Napasinghap ako sa kung sino ang nadatnan ng mga mata ko. My lips mouthed his name until I found my voice to speak.
"Ichor." I gasped.
"Come on and stand up, the guards are coming." He shook his hand that was reaching out to me. Napunta roon ang tingin ko at walang dalawang-isip na inabot iyon.
Itinayo niya ako at halos kinaladkad para makaalis kami sa puwesto ko kanina. Ang tahip ng puso ko ay tinatabunan na ang lahat ng ingay sa paligid ko. Hindi ko na ininda ang sakit sa tuhod ko kahit na patuloy ang pagdugo nito, basta ay tumakbo lang ako habang hila-hila ni Ichor.
The light around us became lighter with the impeding sun rise. Ang mahalumigmig at malamig na hangin na dala ng amihan at ng nagdaang gabi ay nagiging mainit na at maalinsangan.
Everything turned a shade of sepia, the reddish-brown colours of everything; the leaves that surrounded us, the barks of trees, and the beautiful man in front of me...absolutely everything was touched with dramatic ambiance.
Like everything was happening yesterday and it was just memory from my own mind.
Ito na naman ang puso ko at dumadagunong at ang utak ko na puno ng mga tanong.
Anong ginagawa rito ni Ichor Bregen? Bakit siya andito? Hinahanap niya rin ba ang Publisher?
Tinanaw ko ang braso niya at hindi naman ito nagdudugo o namumula man lang, indication na hindi siya ang Publisher.
Katulad kaya ng Legionnaires at nila Alisa at Eugenio ay narito si Ichor para hulihin ang Publisher?
Dahil sa masyado kong preoccupied na pag-iisip ay sa kamalas-malasang pagkakataon ay nadapa uli ako. For the second time that morning, I yelped out of pain again.
"Aristheia." Ichor halted on his tracks as I was left behind, couldn't keep up because of my knee.
It was throbbing so hard and the bleeding was non-stop and excessive. Hindi ako makatayo sa kinasadlakan ko kahit pa pilit akong tinatayo ni Ichor.
"Ah!" untag ko, lumuhod sa harap ko si Ichor at bubuhatin na sana ako ng pang-kasal pero isang sigaw ang nagpahiwalay sa aming dalawa.
"Hoy! Anong ginagawa niyo diyan?!" sigaw ng isang guard sa amin, tinapatan pa kami ng flashlight kahit na maliwanag na dahil sa tuluyang pagsikat ng araw.
Napamura na lang uli ako.