The Unfavorable Child
"Ang akala ko ba suportado mo ang The Page?" naguguluhang tanong ko pero balisa pa rin ang katawan ko sa mga pinagsasasabi ni Luke.
I pursed my lips and watched him contentedly.
"I never said I do," Luke simply answered. "Well, I'm just stating a fact. Ikaw ba? Do you support The Page?" balik na tanong niya sa akin. Nanunuya ko siyang tinignan.
Do I support The Page? I subtly avoided Luke's gaze for a moment. Do I support my own work? Of course! But do I need to tell him that? Of course not, because won't I be safer if I kept quiet, and let people think that I was rolling along with them?
Pero ang mga abong mata ni Luke ay nakadirekta sa akin at alam kong hindi ko magagawang magsinungaling. It was like those eyes were seeing through me.
"Ewan," untag ko pero mas napaiwas ako ng tingin sa pagtalim ng mga mata ni Luke. "Ang akala ko okay ka lang sa Page? Bakit biglang sabi mo never mong sinabing support mo sila?"
Nagkibit balikat si Luke sa akin bilang sagot saka muling nagsalita, "Either way, I don't give a crap. Magpatayan sila sa harap ko, ayos lang, basta huwag nila akong guluhin.
Mabilis ang mga araw na lumipas. There wasn't any mention of The Page at any social media but the Legionnaires' bold move of hunting The Staffs down was buzzing like crazy.
Hindi lumipas ang Biyernes na hindi sila nagbantay sa eskuwelahan tuwing umaga pero kahit anong gawin nila ay wala silang napala. But this just proved that The Publisher will only appear every Monday to distribute The Page.
Hindi ko namalayan ay Sabado na pala uli at oras na para magpaalam ako kila mommy at daddy para sa balak kong pagtulog kila Alisa dahil pinayagan siya ng magulang niya na roon kami matulog sa kanila.
Sabado ngayon katulad ng sinabi ko kaya sigurado na pagbaba ko ay nasa sala na si mommy. Tuwing Biyernes ng gabi ay umuuwi siya galing sa siyudad pero hanggang Linggo lang siya ng gabi.
Pagbaba ko nga ay nandoon na sila mommy, Gianna at Gazelle. Siguro tulog pa si Magnus at nakaalis na papuntang trabaho si daddy. Nangangamoy ang bagong lutong sinangag ni Ate Rhian sa buong bahay.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at pinatakan siya ng isang halik sa pisngi. "Good morning po," pormal na sabi ko, medyo pinagdedebatihan ko pa sa sarili ko kung sasabihin ko na kasi gusto ko munang tantiyahin kung maaliwalas ang ugali siya ngayon. "Mommy." tawag ko at umupo na sa tabi niya.
"O?" tinaasan niya ako ng kilay pero ang mga mata niya ay hindi natatanggal sa telebisyon.
"Puwede bang mag-sleepover? Kila Alisa naman 'yun, 'dun sa may kanto sa school. Umm...may g-gagawin kasi kaming project...ahhh." saglit kong tinikom ang bibig ko para mag-isip saglit. "Ng thesis! Ng research paper pala. Baka abutin na kami ng gabi, tapos puro babae naman kami."
Well technically, we were all girls at heart. Baka mandiri pa si E kung sasabihin kong lalaki siya o sa kaisipang gagapangin niya kami ni Alisa. Iniisip ko pa lang natatawa na ako.
"Kailan ba 'yan?" masungit na tanong niya sa akin.
"Sa Sunday po, bukas." mas lumapit ako sa kaniya at paunti-unti ang paglaki ng mga mata ko habang naghihintay sa sagot niya. My hand was busy with fussing over my bangs.
"E may pasok ka ng Monday, diba?" Tsaka siya tumingin sa akin, nanlisik agad ang mga niya. Napakurap ako ang sobrang bilis, nasindak dahil sa hindi magandang ekspresyon niya. "Sabado na ngayon."
Think, Aris!, I thought, think fast!
"Didiretsyo na ako sa school sa Monday!" halos masigaw ko sa sobrang pagmamadali. "Promise 'dun lang kami kila Alisa, hindi ako maglalakwatsya."
She harrumphed her disapproval but said, "Bahala ka sa sarili mo."
Ngiting tagumapay ang sumilay sa mga labi ko matapos marinig ang sinabi niya. Kadalasan ay kapag ganun ang sinabi niya ay talagang bahala na ako sa sarili ko kung pupunta ba ako o hindi.
"Tanungin mo muna si daddy mo," mataray na dagdag niya pa pero binalewala ko na lang iyon at nagsimula nang pumanhik sa hagdan. Kapag ganitong pumayag na siya ay payag na rin si daddy dahil wala na rin naman siyang magagawa. "At huwag kang hihingi ng pera sa akin!" pahabol niya pa.
"Opo! Thank you!" masayang bati ko at kinuha ang telepono para padalhan ng mensahe sila Ali at Eugenio na agad namang sinagot ako.
Ali:
Bibili ba akong meryenda natin?
E:
Edi good, aba alangan namang ikaw pa ang hindi aattend 'no!
Kahit hindi pa ako naliligo sa araw na iyon ay nag-impake na ako agad ng kaunting damit at maging ang dadalhin ko sa klase sa Lunes na paparating.
Anong oras na nang matapos akong mag-impake sa pinahalong kaba at kagalakan. Kaba dahil sa pagsisinungaling ko kay mommy at saya dahil kahit isang araw ay makakawala ako sa parang hawlang bahay na ito.
Bumaba uli ako para kumain naman at napansin na naroon ang ilan sa pinsan ko at mga anak nilang nakatira lang sa kalapit bahay, nakikisalo sa pagkain sa beranda. Siguradong pinatawag sila ni mommy dahil marami masyado ang nahandang pagkain.
"Lea! Helloo, baby!" parang literal na tumalbog ang matabang pamangkin ko sa akin at bumungisngis. "Jane!" marahang kinurot ko ang pisngi ng isa ko pang pamangkin na karga ng pinsan kong babae.
"O, Aris, huhuli huli ka ayan tuloy paubos na ang meryenda," sabi sa akin ni Ate Melanie.
"Grabe kayo, Gianna, Gazelle! Hindi niyo man lang ako tinawag! Kumakain na pala kayo!" sabi ko sabay subo ng isang turon.
"E, tama lang 'yan sa'yo at mataba ka na." untag naman ni mommy na nagpaasim sa mukha ko.
Kumuha na lang ako ng isang turon at pinutol iyon sa gitna para maiwan ang kalahati, dumiretso sa sala para manood ng telebisyon at hindi na pinansin ang sinabi ni mommy sa akin.
Matapos nilang magsalo-salo sa nilutong turon ni Ate Rhian ay nagsiuwian na rin ang mga pinsan at pamangkin. Mamaya na lang siguro babalik ang nga iyon para sa tanghalian.
"Niyayaya kong mag-outing sila Melanie at Winnie kasama ng mga asawa nila at saka si Kuyang John mo," sabi sa akin ni mommy pagkaupo niya sa sofa kung nasaan ako. "Dahil kung ang lola't lolo mo lang ang aayain ko siguradong hindi sasama ang mga 'yun."
"Ano raw sabi?" direkta ang tingin ko sa telebisyon habang nililipat ito gamit ang remote.
"Ayaw daw nila, sabi ko nga libre ko naman e! Sila na nga niyaya at ililibre, sila pa ang tumatanggi," muryot ni mommy na siyang binalewala ko na lang.
Alam ko na kasi kung saan papunta ang usapan na ito at sa totoo lang ayoko talagang marinig ang isa na namang sermon ni mommy.
"Ayan kasi, nag-asawa ng maaga!" iniling niya ang ulo niya. "Ang kakapal pa ng mukha na tumira sa lola't lolo mo. Aba! Sumusobra na ata sila! Sila ang kusang lumayo dapat panindigan nila 'yun. 'Nung nagtanan kami ng daddy mo, hindi na ako bumalik para umasa sa kila wài gōng mo."
Nagtangis ang panga ko sa mga pinagsasasabi ni mommy. I don't want to hear this, we've had this conversation for over a million times now.
"Kaya ikaw!" Tinuro ako ni mommy at pinanlakihan ng mga mata. "Mag-aral ka ng mabuti! Gusto ko naman na pagtanda ko, alagaan niyo ako. Hindi 'yung katulad ng pagpapahirap na ginagawa nila sa magulang at lola't lolo ninyo. Pati diaper at gatas pinasagot na sa kanila! Dapat marunong kayo tumanaw ng utang na loob sa mga magulang ninyo. Pinag-aral, binihisan, at pinakain namin kayo ng daddy niyo. Binigay namin sa inyo ang lahat! Ano na lang ang alagaan niyo kami ng daddy niyo pagmatanda na kami at uugod-ugod na."
Totoo ang lahat ng sinabi ni mommy. Totoong pinag-aral niya kami. Totoong binihisan at pinakain niya kami. Pero hindi na niya kailangan manumbat pa na lahat ng iyon ay ginawa niya para sa amin. Hindi na niya kailangan pang batikusin at mamintas pa ng iba para ipamukha sa amin ang mga ginawa nila.
I already knew all of those, and I don't need a reminder or anything.
"Sa tingin niyo ba gagawin ko ang ginawa nila Ate Melanie?" seryosong tanong ko at alam ko na ang sagot doon. Katulad ng lagi niyang sinasagot sa akin tuwing itatanong ko iyon.
"Aba, malay ko ba!" she shrugged and I just pressed my lips together. "Hindi mo naman masasabi, lalo na sa'yo. Diba malapit ka nang mag-college?"
Mas tinikom ko lalo ang mga labi ko sa pag-iiba niya ng usapan. Kapag magkatabi kami ni mommy madalas dalawa lang ang nagiging paksa at tema ng bawat usapan namin.
Ang hindi pag-aasawa ng maaga at ang kolehiyo ko.
"Opo." mabigat na sambit ko, muli ay parang pumasan na naman sa mga balikat ang mundo. Tumikhim siya magsalita muli.
"O, napag-isipan mo na ba ang kukunin mo? Two years na lang at graduate ka na ng high school, malapit na 'yun."
"Mommy, napag-isipan ko na at alam niyo naman kung ano talaga ang gusto ko." Hindi pa ako tapos magsalita ay umiiling na si mommy na parang hindi nagugustuhan ang sinasabi ko. Tumikhim ako para maibsan ang bigat sa dibdib ko. Umayos din ako ng upo dahil hindi na makapanood ng programa sa telebisyon ng maayos.
"Wala ngang pera sa trabaho na gusto mo," mariin na sambit ni mommy. "Anong trabaho sa gusto mong kunin na course? Writer?" tanong niya na parang isang kalokohan lang iyon.
"Oo!" halos pasigaw na sambit ko pero pinigilan ko ang sarili ko. "Writer, editor, proofreader, copyreader marami naman diyan. O kaya sa mga t.v stations at publishing companies."
Umirap si mommy sa akin na parang hindi ko makuha ang point na gusto niyang ipaintindi sa akin. "Oo nga, pero wala ngang pera doon! At ano? Magsisimula ka sa pinakababa? Hindi ka lang dapat kukuha ng kurso dahil 'yun ang gusto mo. Maging praktikal ka! At saka, hindi ka naman magaling at matalino, paano ka makikipagsabayan sa mga totoong writer aber? Hindi rin naman tayo mayaman, kaya siguradong hindi ka namin masusuportahan. May tatlo ka pang kapatid, alalahanin mo na ikaw ang magpapa-aral sa kanila."
Sa totoo lang nakukuha ko ang puntong gustong ipaintindi sa akin ni mommy pero masakit pa rin na ang sarili kong nanay ang siyang pinakaunang hindi naniniwala sa kakayahan ko. Na siya pa sa lahat ng tao na nagsasabing hindi ko kakayanin.
"Bakit hindi ka mag-engineer o kaya architect! Kumuha ka naman ng course na nakakaproud. Ano namang mapapala mo sa gusto mo?"
Personification of my dreams, satisfaction of my ambition, and maybe even some recognition, I thought but I honestly don't have the guts nor the courage to say those things in her face.
Tahimik akong umalis sa tabi ni mommy, mabigat ang loob at pumanhik sa kwarto ko. Upstairs, I saw my pen, the papers scattered on my desk, and I can see myself. Writing on that very desk, drinking coffee all night long so I can interpret my thoughts into words, and I know I'll never get tired of that.
I know I'll never get tired of reaching out to my dreams, even if I get buried underneath them. I will never change my dreams into simple plans because the world around me was harsh and unforgiving.
"Pupunta lang ako sa ministop!" paalam ko bago umalis, hindi ko na hinintay pa ang sasabihin nila at tumakbo na paalis.
Inabot ko ang paborito kong yogurt mula sa ref at at muli akong nagsalita kay Ely na kararating lang. "Sure ka bang hindi ka sasama? Masaya 'yun!"
"Ayaw nga akong payagan ni mama." saad niya habang sinasabayan akong maglakad at kumuha na rin ng pagkain. "Sana raw sa bahay na lang tayo imbes kila Ali."
"Hello! Ang layo kaya ng bahay ninyo." kontra ko naman sa kaniya at binayaran na sa kahera ang pinamili namin. Tinikom ko ng mariin ang bibig ko matapos makitang kaunti na lang ay ubos na naman ang pera ko. Linggo naman ngayon kaya ayos lang iyan. "Mag-tricycle pa tayo, e kila Ali maglalakad lang tayo."
"Ayaw nga ni mama." Ely motioned at the nearest table in the convinience store we're in. Magkaharap kaming naupo at sinimulang kainin ang mga pagkain na binili ko. "Huy, bakit?"
Napakurap ako ng mabilis sa marahang pagsanggi ni Ely sa braso ko. "Huh?" wala sa huwisyong tanong ko. "Ano?"
"Sabi ko bakit?" Ely asked again, then she leaned forward to me. "Mukha kang problemado."
Napatunganga ako sa mukha ni Ely na puno ng pagtataka at pagkabahala. "Ganun ba ka-obvious?" Because of that I got conscious of what gave her an idea that I was not well and looked at the glass mirror of the convenience store we were in.
Mapupungay ang mga mata kong tumingin pabalik sa akin, walang kulay ang matambok kong mga pisngi, at laylay ang madalas kong nakangiting labi.
"Ano bang meron?" tanong ng kaibigan ko.
Pilit kong nilunok ang umbok sa lalamunan ko at kinurap ang mga mata ng mabilis para matuyo ang luhang namumuo rito. "Kasi...k-kasi si ano, uh, si mommy," nauutal kong untag at ilang na kinamot ang batok ko at tinignan ang mga kuko para maiwasang makita ang awa na dumadaan sa mga mata ni Ely. Awang nakadirekta sa akin. "Uh...alam mo na, iyon uling away namin. Nakakapagod kaya inalisan ko na lang siya kaysa sabayan ang galit niya."
"Tungkol saan?"
"Na hindi para sa akin ang pagiging writer," maikling pahayag ko, nagkibit-balikat ako at sumubo ng maraming yogurt hanggang sa mapuno na ang bibig ko't hindi na makapagsalita. I subtly wiped my tears away. "That I'm nothing more than what I am today, isang palpak na anak na walang magawang matino."
"Huy," she reached out to me and patted my shoulder. "tama na iyan. Hindi naman 'yun totoo. Baka...uh... baka nasabi lang 'yun ni tita kasi...uh ano... kasi galit siya o kaya—"
"Hindi niya lang talaga ako suportado." nanunuya kong tuloy sa sasabihin niya. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil may napagsabihan ako. "Ayos lang...ayos na rin siguro na honest siya, at least ngayon sanay na ako or alam ko na ang dapat i-expect kapag pumalpak talaga ako."
Umayos ng upo si Ely at sinimangutan ako. "E bat parang affected ka pa rin kung sanay ka na pala?" may panghahamon na tanong niya.
Bumuntong hininga ako at sumubo uli. Umiwas ako ng tingin sa kaibigan, ang mga luha ko ay nangingilid na ulit. "Syempre," simula ko, bumuntong hininga uli ako at nilunok ang namumuong bukol sa lalamunan ko, "gusto ko rin ng recognition at approval sa kaniya 'no! Kahit naman anong gawin ko, nanay ko 'yun. For once, gusto ko. Hindi 'yung palpak nilang anak o kaya 'yung anak na hindi nila pinlano at hindi nila ginustong magkaroon. Gusto ko rin na maging proud sila sa akin sa kung ano ako. Kahit minsan lang."
Suminghot ako at ngumiti kay Ely, ang awa sa mga mata niya ay mas naging matibay. "Hindi ka niya dapat kino-control ng ganito, at the end of the day naman kasi ikaw ang mag-aaral at magapapakahirap. Hindi sila."
Hindi man halata, pero minsan nalulungkot din ako. Ang bawat salita ng nanay ko ay parang kutsilyo na unti-unting hinahati ang laman loob ko sa mga maliliit na piraso.
She never even believed on what I could do.
Kahit na ang lagi kong pinapakita na wala akong pakialam sa kung ano ang ginagawa ko at ang opinyon nila mommy, hindi naman totoo 'yun.
Sa tuwing sasabihin niya na kung wala ako ay sana mas naging matagumpay siya sa buhay ay nasasaktan ako. Tuwing sasabihin niya na wala akong pangit, at laging palpak ay nasasaktan din ako.
At sa tuwing sasabihin niya na dahil sa akin, hindi niya muling nakita ang pamilya niya, parang nagiging balewala ang buhay ko.
"Aalis na po ako," paalam ko kila mommy at daddy bago umalis papunta kila Alisa. "Punta na ako sa bahay nila Alisa, mommy, daddy."
Tumango lang si daddy sa akin, busy habang nakaupo at nagtetelepono, si mommy naman ay nagsabi lang ng ilang paalala.
Paglabas ko ng bahay, pakiramdam ko ay nakalaya ako sa isang kulungan. Mas naging maliwanag ang pang-hapong sikat ng araw. Mas naging malamig ang hanging amihan na humahampas sa mukha ko. At mas naging magaan ang katawan kong pakiramdam ay pinasan ang buong mundo.
Sometimes I felt like I was more of myself when I was with other people or when I'm alone. Instead of feeling the comfort I should have felt when I was with my family, all I could feel was the weight they put on my shoulders and how I could never surpass those.
It was good to be out.