Chapter Five

3104 Words
The Third Party The Publisher's Note: Date: August 6. It has come to The Page's attention that a fifteen thousand bounty is now on the head of the staffs of The Page. Money has indeed moved the students as they now do all sorts of things to find out whoever we are. Luis Arkuena was the one who started to put the price while other people of his kind contribute more money until the bounty went to fifteen thousand pesos. The following are the Entitled Royalties who put up the money for the heads of the staffs: Patricia Perez, Alvin Cayan, Paula Oligaryo, and Anne Marie Garcia. But is it really wise to put a bounty on our heads? You want to find us? Then do it, Luis Arkuena, don't make people do what you want. Do it. Don't rely to the people around you. As The Publisher, it is my sole duty to do the weekly printed edition of The Page and disseminate it within the school grounds. I will do it with all the might I could muster. It is now a hide and seek game between me and the students of Rushmore High. Come and get me. -The Publisher "Ano, hinahamon niya ba tayo?" I asked incredulously. Itinaas ko ng bahagya ang isang papel kung saan nakasaad ang mensaheng iyon. Nakadikit sa mga babasaging pisara ang mga iyon at meron pa sa bawat mesa namin. Nasa loob kami ngayon ng silid namin at hinihintay ang susunod na guro. The room was buzzing with life and noises because of the posters all over the grade ten sections' premises. Ang mga nasa harap na sila Ely at Denise ay lumipat pa sa likod para makipag-usap sa amin ni Cristine na magkatabi lang. Nakisabat lang si Luke nang marinig na ang The Page ang pinag-uusapan namin. "Come and get me," Denise quoted mockingly. "Obviously! Hinahamon niya nga tayo. Ang tapang ah." "Not us," salungat ni Luke, "just Luis and his gang. At kung sino man siya, talagang sinabuyan niya ng asin sila Luis." Itinaas ni Luke ang kilay niya sa mga nakapaskil. "It's like a test." "At tinawag niya ang sarili niyang The Publisher," Ely pointed out. "So may editor at publisher, dalawang tao na agad 'yun. So group pala sila. Ang effort naman nila, grabe." "Ibig sabihin dalawang tao ang nasa Page," Cristine summed up. There was a glint on Luke's eyes that told me there was another thing, but he kept silent and downed his drink. I watched him suspiciously, my eyes turned into two little slits. "Ano? May naisip ka?" tanong ko sa kaniya. Mas maging matalim ang tingin ni Luke, kaunting iling ang ginawad sa amin ni Ely na tiyak na walang nakakitang iba. Nagkatinginan kami ni Ely dahil sa inakto ni Luke. "Ano 'yon?" untag agad ni Ely pagkaalis nila Den at Cristine. "May something kanina sa tingin mo, huwag mo nang i-deny." gatong ko sabay taas ng kilay. "Ano?" "Just a thought, really," he said cryptically. Sinuntok siya ni Ely dahil sa inip na paghihintay. "Ano nga?" sabay naming sigaw ni Ely pero pinanlakihan kami ng mata ni Luke. "Huwag nga kayong sumigaw," he hissed at us and rolled his eyes in the process. "Okay, sabi ni Cristine may dalawang tao ang involved sa The Page. And I'm almost sure she's wrong." Isang malakas na kalabog ang bumira sa puso ko, para nga akong sinuntok sa mukha dahil sa intensidad na nakikita ko sa mukha ni Luke at maging sa mga salita niya. "No, they are three people behind the page, I'm sure of it." "Baka naman iisang tao lang 'yan tapos iniba lang 'yung tawag," suhestiyon ko pero inilingan lang ako ng dalawa. "Puwede ring ganun pero gaano tayo kasigurado?" Nagtaas ng kilay si Ely at kaswal na nagkibit-balikat. "I'm almost certain there are already three persons involved here," Luke insisted, his voice was hushed and quiet. Tingin din siya nang tingin sa paligid namin na parang tanga. "First is The Editor, obviously we know what he or she probably do. Then The Publisher, it's his or her job to distribute and print The Page's weekly editions." "O tapos?" sabay naming udyok ni Ely. Palapit nang palapit ang mga tainga namin kay Luke. "We're missing a signicant person here, someone who hasn't said anything but told us everything. Who exactly write The Page?" Luke asked rhetorically at us. "We all know now that there are roles here. There is an editor and a publisher, but who writes the articles?" The one who wrote everything. My hands started trembling with coldness. Para matago ang nginig ay hinawi ko na lang ang buhok ko. Gusto ko na lang lagyan ng gapos ang nagsasalitang bibig ng kaibigan ko. Pero matatalim ang tingin ng abo niyang mga mata habang si Ely ay unti-unting naiintidihan ang ibig niyang sabihin. "Oo nga! Dude, whoa, ang galing mo talaga," puri ni Ely. "The Author," Luke said with a smirk and a nod. "He or she might be the supreme mind behind all of this. Someone who has been terribly quiet, but someone who has the ability to make The Page go around. Anyways, theory ko lang iyon, but plausible din naman at logical so why not, right?" Dedepensahan ko na sana ang sarili sa sinabi ni Luke pero naalala kong hindi nga pala niya alam na ako ang nagsulat ng lahat ng iyon. Walang nakakaalm sa kanila...puwera na lang sa Editor at Publisher. Kung mahuhuli sila, paniguradong damay ako! Bumuntong hininga na naman ako. "A!" tili ng isang mababa ngunit ipit na boses kasabay 'nun ang matigas na palo sa aking balikat. Eugenio's pouty face greet me. In shock, I staggered backwards. "E!" saway ko sa kaniya. "Huwag mo nga ako ginugulat ng ganoon!" "Paepal na naman 'yun oh," sita ni Ely sa kaniya habang sumasabay siya sa amin maglakad. "Sino kaya ang paepal, eh hindi naman siya kinakausap!" Umirap paitaas ang mga mata ni Eugenio at pinulupot sa aking braso ang braso niya. "A!" He showed to me one of the Page's poster taht stated the Publisher's note. "'Yung mga Legionnaire nagsimula nang mag-camp sa labas ng school para hulihin ang Publisher, kailan tayo?" "Anong kailan tayo?" I asked incredulously. "15k din 'yun, babaitang 'toh!" Inirapan ako ni Eugenio at mas kinabig ang braso ko. "Wala kang plano?" "Anong plano?" pagmamaang-maangan ko. Ano nga naman kasing plano? Planong hulihin ang mga taong natatanging nakakaalam na ako ang sumulat sa mga nakalagay sa Page? That was like digging my own grave! Under normal circumstances, I would be thrilled beyond compare. Baka isa pa ako sa mga namumuno na malaman kung sinu-sino ang nasa Page. Pero ngayon ay hindi ko magawang magbiro tungkol dito, lalo pa at kasama ako sa maaaring gusto nilang hulihin ngayon. "Alam mo, kalokohan lang 'yan!" I dismissed at Eugenio. "Sa tingin mo ibibigay lang basta basta ni Luis 'yung fifteen thousand? No way!" Agad kaming naghanap ng upuan at mesa sa kantina para makabili na ng meryenda namin. Sa magkabilang gilid ko nakaupo sila Ely at Eugenio. Kaming tatlo lang ngayon dahil ginagawa ni Cristine ang trabaho namin sa math, si Denise naman ay nakadiyeta raw. "Baka nga ang katapusan nito ay magkunyari silang nahuli nila 'yung Publisher at Editor para sa kanila rin bagsak 'nung pera," gatong pa ni Ely na sinang-ayunan ko sabay tango. "Uy! Grabe sila oh!" Tinapik ng mahina ni Eugenio ang braso namin ni Ely. "Alisa!" tawag ko sa isa pa naming kaibigan na taga-ibang klase. "Ali! Halika rito!" Lumingon sa amin si Ali, kinawayan din kami, at lumapit para maupo sa harap namin. "Bakit?" inosenteng tanong niya, ang tsokolateng mata niya ay mas nagiging ginto sa sikat ng umagang araw sa mukha niya. "Diba diyan ka lang nakatira sa may kanto?" I rhetorically asked her, I leaned forward towards her. "Puwede bang mag-sleepover sa inyo?" Matamis ang ngiting ginawad ko sa kaibigan bago mangasim ang mukha niya. "Aba bakit naman?" tanong niya sabay kagat sa tinapay na dala niya. Napatingin ako sa yakult ko at ininuman muna bago magsalita ulit pero naunahan na ako agad ni Eugenio. "Pumapayag ka na?" he exclaimed and beamed at me. "Okay, 15k, here we come!" Tinaas niya ang kamay niya sa kasiyahan pero agad ko rin iyon pinutol. "Gago, hindi!" umikot ang mga mata ko. "E para saan 'yung sleepover?" tanong ni Ely na parang hindi makapaniwala na pinansin ko pa ang ideya ni Eugenio. "To prove how ridiculous all of these are!" I answered them. Umayos ako ng upo at humilig naman sila sa akin. "Baka nga gawa-gawa lang nila Luis 'yung The Page para makapagpapansin eh. Come to think of it, bakit puro tungkol sa kanila lang 'yung mga nasa The Page?" "E paano si Donna?" sabat ni Ely at kinuha ang dalang Page. "Taking the second place, right next to Michael Gutierrez is Donnaly Nueva. The shameless tweeting abd fuzzing over yhe societal royalty is as shameless as Mister Gutierrez'. Her mouth, which is regrettably small, has the capacity of breaking an entire water dam if she chose to do it," pagsipi niya at nagtaas ng kilay sa akin. "At si Michael? Nasa unang print kaya siya! Pati si May Rose." "Okay, baka nga may kumakalaban sa kanila but it still seems ridiculous," I pointed out. "Waste away fifteen thousand for an unknown staffs of a mysterious paper? Sounds suspicious and honestly ridiculous." "Eh tatanungin ko muna sila mama at papa kung ayos lang sa kanila." Napakamot ng ulo si Ali. "Wait nga, para saan ba?" "Si Eugenio kasi, gustong mahuli 'yung The Publisher para makuha 'yung fifteen thousand," sagot ni Ely. "E kung papayag sila mama, magkano ba ang hatian kung mahuhuli natin ang The Publisher?" "Ay! Labas ako diyan," sabi agad ni Ely. "Baka hindi ako payagan ng magulang ko." "Edi, sa ating tatlo! Tig-five thousand tayong tatlo," ika ni Eugenio. "O, basta sa Monday kasi siguradong doon ilalabas ang pangatlong print ng The Page. Tulog tayo kila Alisa ng Sunday ng gabi tapos gising tayo ng maaga sa Monday." "Tatanungin ko muna ah!" apila ni Ali. "Masyado kang excited." "Kaya nga huwag munang masyadong excited," gatong ko pa na nagpahaba ng nguso ni Eugenio. "And anyway, hindi ito tungkol lang sa pera para sa akin. It's the satisfaction that I actually prove myself right." "Edi wow, A. Ely, sama ka na! The more the merrier!" Jinila ni Eugenio ang braso ni Ely na siyang kinampay ni Ely. "Eh si Denise at Cristine kaya?" tanong ni Eugenio sa amin. "Hindi ba natin sila isasama?" "Tanga! Edi mas kokonti 'yung paghahatian ninyo!" kontra ni Ely. Hinayaan ko lang silang magtalo sa kung ano ang gagawin nila, isang ideya ang nabubuo sa utak ko. Kung ang Publisher at Editor lang ang nakakaalam na ako ang tagasulat nila, kailangan kong gawin ang lahat para hindi sila mahuli. Anong kuwenta ng limang libo sa akin o kahit pa ng buong labing-limang libo na pera kung sirang sira naman ang mukha ko sa mga kaibigan ko? Ano nga ang kwenta 'nun kung buong eskuwelahan, o kahit na ang mga tao sa buong baitang lang namin, ay galit sa akin? I need to measure up how many students were trying to find the Publisher and think of a way to prevent them. Saka ko na poproblemahin kung paano ko malalaman kung sino sila, kung bakit nila nilabas ang mga sinulat ko, at kung paano nila nakuha 'yun. Mabilis ang tungga ni Luke sa bote niya habang mabilis na nagsusulat sa kaniyang kuwaderno. Napanguso ako dahil kanina pa siya tinitignan ng titser namin sa math. Kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin sa kuwaderno niya imbes na sa harap namin. "Luke," marahan kong bulong sa kaniya pero parang hindi niya ako narinig dahil patuloy siya sa pagsusulat ng kung ano man. Sa totoo lang, hindi nga ata sulat 'yun, parang gumuguhit siya. "Luke, kanina ka pa tinitignan ni sir." Kinalabit ko pa siya para tumigil siya. "Tama na 'yan." "What?" medyo malakas na sabi niya. Walang muwang na tumingin siya sa paligid namin. Kinagat ko ang labi ko at patay malisyang tumingin sa kung saan. "Mister Mortalis!" medyo asar na banggit ng guro namin, tinuro si Luke at inabot ang panulat sa kaniya habang lumalapit sa amin. Ako naman ay inosenteng tumingin kung saang malayong lugar habang inaayos ang buhok ko na nakatakip sa noo ko. "Answer the problem on the board." Nanliit ang mga mata ni Luke at tumungga muna sa bote niya bago tumayo at kunin ang panulat. Mabagal ang lakad niya papunta sa babasagin na pisara. His gray eyes are already analyzing the problem, slitted and narrowed on the glassboard. As if light dawned on him, his intelligent gray eyes widened. Nang nasa mismong harap na siya ng pisara, agad niyang sinulat ang sagot. Agad din siyang tumalikod sa board at bumalik sa upuan niyang katabi ko. I smirked thinking of Luke's oblivious mind. I know he wasn't just showing off, but nonethless I was amazed. Luke was often underestimated because of his slouching posture and lazy attitude but he is the genius. Mas lumaki ang ngisi ko nang makita na ang sinagutan niyang problema ay ang pinakamahirap at pinakamahabang sasagutan. Luke's face was cool and calm as he went back to his business on his chair. Mabilis ang sulat ng iba kong kaklase, at maging ako rin, para malaman kung paano nakuha ni Luke ang sagot niya. "Mister Mortalis, care to elaborate your answer?" mataray na sabi ng guro namin pero mabilis din ang sulat niya sa kaniyang sariling papel habang hawak ang calculator niya. Tinikom ni Luke ang kaniyang bibig at marahang sinirado ang kuwaderno niya. In just a brief moment I get to have a slight glimpse of its content. May mga linya at magagandang letra at kung ano-ano pa. "Luke, gusto mong mag-sleepover?" tanong ko sa kaniya pagbalik niya. "Sleepover? What for?" tanong niya pero ang buong atensyon niya ay nasa kaniyang kuwaderno. I was sure that whatever was the content of that notebook, it was most definitely not our mathematics. "Sa Monday, try namin nila Eugenio at Alisa na hulihin 'yung The Publisher. Sleepover tayo kila Alisa tapos maaga tayong gigising. Sama ka?" aya ko sa kaniya at saka sinilip ang kuwaderno niya ulit. He looked at me sharply and immediately closed his notebook as if he was a wolf that sensed a danger within the proximity. "The Publisher?" Tumikhim siya bago uli magsalita na parang naasar siya. "You're actually trying to catch him...or her? Hindi ako puwede ng Monday, Tuesday na lang." "Bakit naman?" "Busy ako 'nun sa paimprentahan," rason niya. "Kaya nga Tuesday na lang." "E baka nga kasi sa Monday lang siya magpakita. Kasi diba, tuwing Monday lang ang labas ng print edition ng The Page kasi nga Monday 'yung labas ng huling dalawa." I theorized but Luke just shook his head. "You really think that you can catch The Publisher?" he whispered at me, a ghost of a smirk plastered in his face and his eyes are looking at me lazily. "They've done it twice already, and do you have any idea what are the steps the Legionnares are taking?" I shook my head. Minsan akong sumulyap sa guro namin pero hindi na siya nakatingin sa amin ni Luke. "They patrolled every corner of the school grounds just this morning starting from midnight until the first class." "Talaga?" hindi makapaniwalang tanong ko. So people were that desperate? Awtomatikong naglapat ang bagang ko sa sinabi ni Luke. "Yeah." Lumapit siya sa tainga ko para bumulong. "Since the bounty was announced the Legionnaires started to actively catch the staffs of The Page. I guess, Luis and his cronies want the money to come back to them. Anyways, it will be almost impossible to catch The Publisher." I looked at him in askance. In this angle, I can see every detail on his face. His sharp high nose that almost collide to mine, his flawless white skin, those bushy eyebrows, and his hair that curled around his face. And in this angle I can see the ash color of his eyes which were looking back at me with intelligence. "Paano mo nasabi 'yan?" bulong ko sa kaniya at lumayo ng kaunti nang mapagtantong sobrang lapit na namin. "The Legionnaires will be suspended and proceed to disciplinary actions if they do this every damn time. And even if some stupid students follow their lead-" "Ouch," putol ko agad sa kaniya. "Gusto ko lang may patunayan sa sarili ko at ni E na kumita ng pera." "Okay, I'm sorry," he said in defeat. "As I was saying, the same fate will just happen to any students who try to do the same stunt. Then the school administration will ask why the students are acting like that." "Then?" I probed at him. "Then," he repeated after me, nodding all the while, "then the administration will take over, stopping the students' manhunt. Of course, the school administration will conduct an 'investigation'," he mocked. Umirap ang mga mata niya at natawa na lang ako. "Which will only last for about a second, at best or for however long this issue is circulating. They will stop it then The Page will just continue. Or that won't even happen all together." "So you're saying that I shouldn't pursue this because it's vain?" hamon ko sa kaniya. "Basically," he slumped back to his chair. Luke smirked at me. "Alam kung anong dapat natin gawin?" "Ano?" humilig ako sa space sa pagitan namin at tinaasan siya ng kilay. "Find the person who writes this." Umikot sa paligid namin ang tingin ni Luke at humilig din sa akin para mas marinig ko ang bulong niya. "Let's find the writer. Kahit naman na mahuli natin ang Publisher or even the Editor, The Page will just continue." Tumulo sa aking sentido ang ilang butil ng pawis sa biglaang pagbabago ng usapan ni Luke. Naging tambol bigla ang puso ko at sa takot na maramdaman niya ito ay lumayo ako ng bahagya. "The writer?" walang ganang sabi ko. "They are just just in our plain sight, probably laughing their asses off at our faces. Kinda insulting that I can't think of anyone when I really think who they are. I'm sure curious ka rin kung sino sila kaya gusto mong mag-sleep over kila Alisa, right?" I smiled at him awkwardly as we went right back into our mathematics. For the record, I hate math!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD