The Bounty
Date: 17th of June
As people come and go
By now, you already know
That people always want
The things that they always shan't
Have. Either out of spite
Or envy, to 'cause blight
Just to say that you have
Something that others have
And to sate our desire
To showcase your brier.
Most people settle for anything, just so they can show-off to everyone, anyone really, that they have something. It was a custom most people do. It can apply to anything. Possessions. Even relationships.
Speaking of which, so many people are broken because of failed relationships. Just because society willed them to want what everyone has. We are all buried in broken dreams and promises.
Topping the list of broken dreams and promises is the couple Adrian Pascual and Paula Oligaryo. The two month relationship of the two has ended. Now, the sculpted tree of mango in front of the Don Rushmore's head bust in which it was stated that they will be bonded forever is a big reminder what they shared once.
Just as predicted, the great Luis Arkuena who, recently noted by This Page, was at the topmost part of the hierarchy now. Conquering the Rushmore's society with his looks and charisma, Mr Arkuena acheived everyone's heart. But with his good looks, charisma to behold, and gentlemanliness(?), are any of those really true? His carefully contained temper showed when he blantantly and offensively act around teachers and even students like himself. Just like a king ruling his kingdom (bleh).
While the big fat Renier Carasig was once again, not just one actually but four times now, rejected to be a part of the prestigious Rushmore's, one and only school publication, Golden Rushers. He's got the unmistakable talent, the passion, and the will of a hardworking man... but why? Even Aristheia Andreas, who auditioned for the Golden Rushers for the third time last year, got in this year!
It is also noticeable how Penelope Fernandez is now going up towards the ranks of the Entitled Royalties. Almost severing her contact to Ms Andreas, her known best friend. To keep up with her new friends, namely Patricia Perez and Anne Marie Garcia, she joined a dance troupe and a constant companion to them now which made her one of the newest pet of the Entitled Royalties... of course the main pet will always be Rayzah Mendez.
I pursed my lips while looking at my mirror. Sinubukan kong tumagilid pero kahit sa ilalim ng malaki kong damit ay nakikita ko ang kaunting tiyan na mayroon ko.
Sobrang laki pa ng mga binti, hita, at braso ko. Masyado ring malaki para sa tangkad(o kaliitan?) ko ang dibdib ko. I also have excessive stretch marks staining from my waist down to my legs and my nose is so small.
Ang pangit ko.
Dejectedly, I closed the blinds of my windows so I wouldn't see how Nick made out with yet another one of his paramour. I threw my print edition of The Page as hard as the soft paper could permit me. Maganda ang babae, may matigas at bilugang puwetan, mahabang buhok, at balingkinitang pangangatawan.
Kaya siguro, hindi niya ako mapansin. Kasi pangit ako.
We all want what others have or maybe to better phrase it; we want what we don't have that others probably have.
Bumaba na lang ako sa sala para manood ng telebisyon pero nakita ko si mommy at ang tatlo ko pang mga kapatid na nililibang ng mga kaibigan ni mommy kaya dumiretso na lang ako sa kusina para uminom kunyari.
Ito na ang huling araw dito sa bahay ni mommy bago bumalik sa siyudad para magtrabaho. Lumiban siya ng halos apat na araw dahil nagkasakit ang kapatid kong bunso na si Magnus. Ngayong magaling na ito ay balik kami sa kalinga ng aming ama na dalawang beses ko lang nakikita sa isang araw at sa katulong na hindi ko naman masyadong kakilala.
Sa isang regular na araw, kung wala si mommy ay tuwing umaga hanggang hapon na tatambay sa bahay ang lola at lolo ko. Minsa'y nandito rin ang ilan sa mga pinsan at pamangkin ko para samahan kami.
"Aris!" tawag ni mommy sa akin at sinenyasan akong lumapit. Ang katulong namin ay tahimik na nagsisilbi sa kanila.
Uh-oh! I thought.
Sa presensya ng ibang tao ay ilang ako, hindi pa maganda na walang akong kontrol sa sariling kamay at mukhang magnet pa ako ng kamalasan kaya madalas ko lang mapahiya ang sarili.
"Si Aris na ba 'yan?" sabi ng isa niyang kaibigan na para bang hindi kami nagkakasalubong sa bayan. "Aba! Dalaga na!"
"Kaya nga, ang bilis ng panahon. Noon, eh, kay bata bata pa lang niyan... aba ngayon mas malaki na sa atin!" sambit pa ng isa pang kaibigan ni mommy.
Ngumiti na lang ako dahil alam ko na ang patutunguhan ng usapang ito. Ganito naman lagi, medyo nasanay na rin ako.
"Naku, Aris!" Pinisil ng naunang nagsalitang kaibigan ni mommy ang tiyan ko. It took me physical effort not to slap her hand away or even hide my cringe. I hated being touched by people I was not closed to. "Masyado ka nang malusog, hija! Mag-ingat ka! Baka mamaya hindi mo na ma-maintain ang katawan mo!"
Nagtawanan silang lahat habang ako'y sumasakit na ang kaliwang bahagi ng mukha sa pagngisi sa pagpapanggap na gusto ko rin makitawa sa kanila. Sa totoo lang, sinasabi ko na sa sarili ko na hindi maganda ang pagbaba ko mula sa kuwarto. Matamlay kong sinuklay ang buhok ko ng mga daliri ko at binaba ang malaking damit ko.
Madalas akong sabihan ni mommy na punggok, maliit at mataba. Sa nakita ko kanina sa salamin at sa pahayag na ito ng kaibigan niya, sa tingin ko naman hindi siya nagsisinungaling.
"Eh, masarap daw kumain eh! Imbes na pataas ang laki ay palapad naman!" halakhak ni mommy saka hinawakan sa balikat ang kapatid kong sumunod sa akin, si Gianna. "Ito, ito naman ang pinakamaganda kong anak."
Tumikhim ako. Alam ko na ang susunod dito. Lumipat ang mga kamay ni mommy sa sumunod kay Gianna. "At ito namang si Gazelle ang pinakamatalino kong anak."
Tumagilid ng kusa ang ulo ko habang pinakikilala niya si Magnus. Ang pinakamakulit kong kapatid at nag-iisang lalaki sa aming magkakapatid. I just stood there like an idiot, not really fitting in the picture.
"Aris, tulungan mo si Ate Rhian mo," utos ni mommy sa akin. Kinuha ko naman sa lamesita ang mga basura at basong gamit na para ilagay sana sa lababo sa kusina pero ang sumpa ng kamay ko ay inatake na naman ako.
Nabitawan ko ang babasaging baso na paborito ni mommy na ilabas tuwing may bisita. Agad akong lumuhod para pulutin ang nga bubog at sa pagmamadali ko ay nadaplisan ng matalim na bahagi nito ang mga daliri ko.
"Tatanga na naman!" mommy hissed at me lowly as she pulled me out of the ruins or what was left of the glass. "Huwag mo na hawakan, Aris, nasugat ka na oh. Ito lang hindi mo pa magawan ng diskarte."
Dinala ko ang sarili ko sa may lababo at itinapat ang mga duguang kamay sa malamig na tubig na rumaragasa galing sa gripo. Sa ganitong paraan, sana mahugasan ko rin ang sakit.
"Hindi mo na naman ginagamit utak mo!" She jabbed at my temple with her index finger and it throbbed more painfully than I think it would. "Nagbasag ka pa ng baso! Tatanga tanga ka naman! Umakyat ka sa kwarto mo at gamutin mo 'yang katangahan mo." Nanlilisik ang mga mata ni mommy habang nakatingin sa akin.
Umismid lang ako at sinunod ang sinabi niya. Kumuha agad ako ng mga papel para itapal sa mga sugat ko. Hindi pwedeng tela o damit kasi magagalit si mommy sa akin sa mansta.
Nang magtigil sa pagdugo ay binalot ko naman ng basahan at bababa na sana ako para kumuha ng gamot na puwedeng ilapat sa mgasugat ko nang narinig ko ang tinig ni mommy na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya.
"Sorry 'dun, ha?" Narinig kong sambit niya sa mga ka-amiga niya. "Tatanga-tanga talaga si Aris. Hindi ko nga alam kung kanino nagmana iyan eh."
"Pero bakit nga tumaba ng ganoon ang batang iyon 'noh?" sabi ng kaibigan niya.
"Ewan ko ba kung 'san nagmana ng itsura. Ang pangit pangit!" magaan na humalakhak si mommy. "Matangos naman ilong naming mag-asawa, wala namang mataba sa amin, bakit kaya ganoon ang itsura 'nun! Ang taba taba na punggok!"
"Mare naman, hindi ba't matalino namang bata si Aris?"
"Haay, hindi na ako umaasa 'dun. Tamad mag-aral! Nakita mo naman kanina, diba, mare? Tatanga tanga pa! Puro palpak, kaya nga hindi na ako magtataka kung puro palapak din 'yun pagtumanda. Si Gazelle, 'yun ang matalino! Kahit hindi mag-review, perfect ang exam! Lagi pang with honors."
Tahimik na lamang akong umakyat muli sa kwarto ko at hinayaan ang mga sugat ko.
It was always like that. Aristheia was the unwanted child that should never happen. Aristheia was the accident. I was a mistake my parents made when they were young and were fooling around.
Nagpakasal lang sila dahil nabuo ako. Dahil sa akin ay hindi nakapagtapos ng kolehiyo sila mommy at daddy. I wasn't even the perfect the daughter they wanted. Because of me my mother was casted out by her big-shot family and was never taken in again.
I was always the least. The least pretty and the least smart. Kapag nagpalakilala, ang sasabihin lang nila ay panganay ako ng nga Andreas.
There wasn't anything to tell about me. There wasn't anything special about me. Gianna was mommy's favourite, Gazelle was daddy's favourite, while Magnus was everyone's favourite.
I was good at painting and drawing, aside from writing, those were my hobbies. I thought that if I focused on what mommy used to do, if I excelled in everything she did back then, I thought she'd finally pay some attention. But I was always lacking of something. It wasn't always enough. I'm not enough.
I also tried to get close to my father, but I always feel uncomfortable with him and all awkward so it was vain to even try to get close to him. I can't even think of something to talk with him.
Bumuntong hininga ako, napapa-isip na mas mababaw pa ako sa mga tao sa eskwelahan kong sinasabi kong mababaw.
Once in a while, I wonder what if I'm not Aristheia Andreas. What if I'm someone different? Someone better?
Date: 3rd of August
As Nicholas Valdez continues his s****l onslaught to Jennifer Bañares of the town next to ours, the drama inside Rushmore is still ongoing.
Willy Mulach and Ysabelle Aniag's, both inside the circle of the Entitled Royalties, sweet relationship is now in tatters as the high school sweetheart were seen fighting at the back of Rushmore High's building. It is in speculation of This Page that the couple is fighting over a text message sent by the former lover of Mister Mulach's, The Page will let you guess who is this mysterious lover. But will their bonded relationship be ruined by a simple but yet destructive message?
Another day passed, another heart broken but to the Entitled Royalty Luis Arkuena, that was just nothing while he used his trusted friend Marielle Abanzano, who was helplessly and blindly infatuated to him, as everyone was well-aware of. But of what use? Of course to romanticize another prospect to target as he broke the heart (metaphorically) of a pretty grade 12 student of another town, Kyla Burgos.
It has come to the awareness of This Page that people wondered, of course, who is The mind of it. But, let it be known to the wide and vast ground of Rushmore High, that it is not Leukos Mortalis as many have blantantly pointed out. But The Page must thank the Genuise, Mr Mortalis, that he clearly stated, right in front of Mr Arkuena, that he supports the vision and content of The Page.
Alam kong dapat ko nang itigil ang pagsusulat sa mga kuwaderno kong ito, paano kung makuha muli ng kung sino mang Poncio Pilatong nag-imprenta ng mga tala ko ang mga ito?
Pero ito na ako, ito lang ang nag-iisang paraan ko para malabas ang mga saloobin ko.
Lumipas ang linggo at sa bawat araw ay mas dumadagsa ang mga taong nagkakaroon ng mga malaking interes sa The Page noong sumapit ang Lunes. Naglabas ang The Page ng panibagong mga kopya nito na naglalaman ng mga sinulat ko sa katapusan ng buwan ng Hunyo at simula ng Hulyo. Kaunti na lang at mag-a-Agosto na.
I suddenly wondered, will the production of The Page's paper be halted once they run out of my July entries?
Well, that was a question I haven't thought of yet. How many of my entries do they have whoever they were?
There was another uproar of the Entitled Royalties that was led by Patricia, the one and only known queen bee(-tch) of the Rushmore and, of course, Luis' group.
Sa ngayon ay pareho lang kami ni Ely na nakatingin sa aming mga kaibigan habang paikot-ikot na tinatakbo para sa isa sa mga klase namin. Hanggang sa nakita ko si Luke na hingal na hingal na tumakbo.
Luke looked like a frail teenager with his slender shoulders, pale skin, and somber eyes. Tumatalbog ang maalon at kulot niyang buhok habang tumatakbo siya sa malawak na parang ng Rushmore.
"Go, 'insan! Hooo!" masiglang pag-alu ni Ely sa pinsan, halos balewalain si Denise at Cristine na nagdadaldalan sa gilid namin.
"Isang lap pa, Luke!" sigaw ko sa kaniya. I motioned for his drink if he wanted it but he just shook his head and gave us a double thumbs up though he looks like he will pass out at any moment.
Binuksan ko ang malaking inuman ni Luke at inamoy ito habang nagkukwentuhan sila Denise sa kung ano pang laman ng pinakabagong edisyon ng The Page at kung paanong, sa pangalawang pagkakataon, ay parang kabuteng sumulpot ang mga kopya nito sa mismong mga lamesa naming lahat ang mga ito.
Tama sa hinala ko, nakasaad din sa pangalawang edisyon ang dahilan ng pagkakatanggal ni Luis sa dati niyang eskwelahan. Every time I remember Luis' face at that moment when he read it, I just want to face palm myself out of embarrassment and shame. I know by now, he was the hot topic of everyone. As in EVERYONE.
It has come to The Page's attention the main reason of Mr Arkuena's expulsion. Although a bit brutal, what do people expect from a boy like Mr Arkuena? He is easy enough to read with all of the hypocrisy and playact.
Circling back to the main topic, the reason of Mr Arkuena's expulsion? Bullying. Poor unnecessary boy from Mr Arkuena's old school was terrorized and brutally hurt after Mr Arkuena and his minions in that school attacked him. The reason?
Because they want to. And because the poor boy (The Page wouldn't name him as a respect to his privacy) wasn't able to do all of Mr Arkeuna and his minions' assignments. Actually, it wasn't the first instance that Mr Arkuena was caught terrorizing other students. There were many record of him in his old school that said much about his true character and nature.
Mr Arkuena's family, who is notable in this side of province as powerful family in the area of education, had kept this issue about their scion down. But how long? Will Mr Arkuena repeat the same mistakes again in the Rushmore Integrated High? Or will he be able to finally change his cruel heart?
So you see? Looks can be truly deceiving.
Huminga ako ng malalim, patay ako kung malalaman ni Luis na ako ang sumulat nito. Sa totoo lang, humahanga ako sa kung sino man ang gumawa ng disenyo out nito. May litrato pa nga ng mismong mga rekord ni Luis sa dati niyang eskwelahan.
Paano kaya nakuha iyon ng kung sino mang nag-iimprenta ng mga kopya ng The Page ang mga iyon?
"Ugh!" Luke grunted as slumped to his chair in our classroom. "I still don't understand how physical education enhances the educational system. It's just an hour of getting disgustingly sticky with sweat."
Humalakhak ako sa sinabi niya at pinuntahan si Ely sa unahan kung saan nakapuwesto ang upuan niya at ang galon ng tubig ng silid. "Nasan sila Den at Tin-tin?" tanong niya habang nilalagyan ko ang lalagyan ng tubig namin mula sa kulay na asul na galon.
"Ang bagal daw natin eh, nauna na sila sa canteen." pahayag ko at nilagay ang lalagyanan ng tubig niya sa lamesa niya. Inayos ko na rin ang gamit ko. Nang nakapagpahinga na si Luke ay umalis na rin kami at nagtipa ako ng maikling mensahe sa telepono ko para kay Denise kung saan sila nakaupo pero ibang sagot ang nakuha ko mula sa kaniya.
Denise:
Nasan na kayo?! Bilisan niyo! May nagaganap na dito sa canteen!
Nangunot ang noo ko sa mensahe ni Denise at inaya na sila Ely at Luke na umalis na silid-aralan namin.
Sa pintuan ay bumungad sa amin sila Bea, May, at ilang miyembro ng isang grupo ng magkakaibigan na ang tawag nila ay Legionnaire. I winced at the sheer corn in that. I cringed whenever I heard them call themselves that. It was the typical way that high schoolers thought they would sound cool.
Ilang mga mas batang estudyante ang nasa labas at nagrereklamo dahil ayaw magpapasok ng Legionnaires.
"Joey!" tawag ko sa isa sa kanila na isa sa mga kaklase ko. "Anong meron?"
"Eh... si Luis eh. Sabi mga grade 10 lang daw ang papasukin, saglit lang naman daw," sagot niya, ang garalgal niyang boses ay tunong ng liha sa makinis na kahoy.
"Pasok na kayo, Aris, Ely. Uy! Luke, pare pasok na." tinanguhan lang ni Luke si Jr na pinagbuksan kami ng pinto ng isa sa mga kainan ng eskwelahan.
Sa loob ay parang bubuyog ang ingay ng mga tao sa hina.
Sa itaas ng isang plastik na mesa, nakatayo si Luis Arkuena. Medyo peligroso pa nga ang puwesto niya dahil hindi naman pantay ang paa ng mesang kinatatayuan niya. Sa gilid ng mesang kinatatayuan niya ay sila Patricia, Anne, Ryan, Kyle, Ricky, at Arah. Ang ilan lang sa mga Entitled Royalties, at ang pinakamalalapit sa kaniya. Nasa malapit na mesa ang ilan pa sa kanila, kasama sila Marielle, Rayzah, Alvin, Edna, at Lorenzo.
Sa isa pang malayong mesa ay mariing nakikinig ang mas matitinong parte ng ER. Sila Ella, Adrian, Paula, Cameron, at Lorry. Nakikinig lang sila at maayos na nakaupo hindi katulad nila Patricia na parang mga pusang gala.
If only I could put a caption on them like 'Wild Neanderthals on their natural habitat', I gladly would.
"What's happening?" untag ni Luke pero nagkibit balikat kami ni Ely.
"A! Ely!" Eugenio, one of our friends from another section, hissed at us. Katabi niya sila Denise at Cristine. Sinenyasan niya kaming lumapit at umusog naman sila para may uupuan kami. "May big announcement ang mayor natin," he said sarcastically, his already pouty lips became even more protruded when he renewed his pout.
"Okay, guys, makinig kayo!" bulyaw ni Luis sa amin. Nagkatinginan kami ni Luke, kunot ang noo ko samantalang siya ay nagtataka.
Luke leaned towards me. "I loathe this kind of high school clichés. Why do people our age think they can gather us around and announce an all-important speech and not think that this is freakishly stupid?"
"Because exactly of high school clichés. At hindi rin nakatulong na anak ng principal natin si Luis."
"Awoo!" sabay-sabay sigaw na matigas ng mga Legionnaires na pinalibutan na ang canteen. Nagkatinginan ulit kami ni Luke at nakita ko siyang pisikal na kinilabutan sa ginawa ng mga Legionnaire.
Yup, I was so over high school clichés.
"I just have a few things to say so all of you...listen!" patuloy niya. "Sino sa inyo ang gumawa ng The Page?!"
"High school clichés." Luke muttered again with annoyance but I didn't heard him.
Nanlamig ko at dumoble ang ritmo ng puso ko. Nagsimulang tumulo ang malalamig na butil ng pawis sa noo ko. A flurry of noise came back to but no one dramatically confessed. Heck! Sigurado akong walang aamin.
"Sino?!" he bellowed stupidly. "So... walang magsasabi ng totoo. Two editions! Ang kapal ng mukha mo kung sino ka man para gawin ang lahat ng ito! Magsimula ka nang kabahan, five thousand for the identity of The Editor at kung sino-sino pa ang kasabwat sa kalokohang ito!"
Bumaba siya sa mesa at tinapon doon ang binunot na pera sa may tatak na wallet niya. Malulutong na tig-iisang libo ang tinapon niya na parang wala lang iyon.
"What?" I exclaimed. Napatayo pa ako sa gulat ko pero hindi lang ako ang nagkaroon ng matinding ekspresyon dahil kahit ang iba pang tao sa paligid ko ay kani-kaniya rin ang reaksyon.
Dumoble ang kabog ng puso ko. Totoo ba ito? I nervously picked at my bangs.
"Oh, gawin na nating seven thousand." Winagayway ni Anne ang dalawang libo at nilapag sa lamesa. Parang hindi na ako makahinga sa lakas ng tambol ng dibdib ko.
"Twelve thousand!" nagbaba si Patricia ng limang libo pa sa mesa, naghiyawan ang mga tao sa palaki ng palaking patong sa ulo ko.
Saan sila kumuluha ng ganiyan kalaking pera? Ako, kahit anong gawing ipon ko, wala akong makalap na pera. Kung ipamimigay nila, sana sa akin na lang.
"Twelve thousand-five hundred!" naglapag si Alvin ng limang tig-iisang daan. Gayundin ang kabilang Entitled Royalties na sila Paula na siyang kinabigla ng lahat hanggang sa umabot ang pera sa labing-limang libo.
Tumataginting na labing-limang libo peso. Iyon ang halaga para malaman kung sino ang mga tao sa likod ng The Page. Iyon ang halagang nakaputong sa ulo ko. Anong kalokohan 'to?
"Cold hard cash!" Luis emphasized every word as he started to walk. Sa likod niya ay nakasunod ang mga alipores niya at ang Legionnaires. "I'll be waiting."
Nagkagulo ang lahat matapos ang madramang pag-aalis na iyon ni Luis. Ang mga kaibigan ko ay nagsimulang magplano kung paano mahuhuli ang The Editor at kung sino pang kasabwat nito.
"Aris! Fifteen thousand! Fifteen thousand, A!" Winagwag ako ni Eugenio sa mga balikat ko habang tuwang tuwa sa paglilista sa kung anong mga puwede niyang mabili.
"Alam naman siguro nilang magfa-finals na tayo, right?" Ely asked sensibly. "Bibigyan pa nila ng iba pang iisipin 'yung mga tao imbes na mag-focus sa exams."
Tumango ako bilang pagsang-ayon, dahil totoo rin naman.
"Dinagdagan pa ni Luis," untag ko.
"Yeah," tumango sa akin si Luke at nilagok ang inumin niyang kulay dilaw, "exam, money, then money."
Ang abong mata niya ay nagdidilim habang umiinom siya. "Siguradong mas pagkakaguluhan lang ng mga tao 'yung offer ni Luis na 'yon," sambit ni Ely. "Syempre, maraming mga desperado riyan. Puro false leads lang ang makukuha nila. Ayos lang sila."
"Well, hintayin na lang natin kung tama siya o mali." Luke smirked. His grey eyes were telling me he was holding some secret. They were clouded and misty as if he was already thinking and he can't stand what was happening on his surroundings anymore.
Pinabayaan ko na si Luke. Madalas naman siyang maligaw sa sarili niyang mundo dahil sa pag-iisip kaya sanay na rin ako.
But if they found out whoever was distributing those papers, there will be a possibility that they can extract further information from him or her. They might know that I was deeply involved in this matter and that can never happen.
"Paano kaya nalalaman 'nun 'yung mga nangyayari? Sa iba't ibang section pa ha!" malakas na bulalas ni Eugenio sa amin.
"Good question. Paano niya nalalaman ang lahat?"
Kani-kaniya ang suhestiyon nila Denise, Cristine, Eugenio, at Ely. Samantalang nakatulala ako sa harap ko kung saan naglalakbay ang mga abong mata ni Luke. Lumingon ako at tinuldok kung saan siya nakatingin.
At the farthest corner of the canteen sat Ichor Bregen, as gloomy and mysterious as ever. Nakahukot ang malaki niyang pangangatawan na parang pinagmumukhang maliit ang sarili niya sa mataong kuwarto na ito. Sa harap niya ay ang pagkaing hindi pa nababawasan.
His amber eyes suddenly looked upon finding mine. Because of shock, I unconsciously flinched. In the bright light of the sun, his intense brown eyes are almost golden and they were looking at me as if sensing my gaze.
Sa takot ko sa makulimlim at malamlam niyang mga mata ay umiwas ako at tumuwid ng tayo.