Chapter Three

2909 Words
The Million Dollar Question Pinigil ko ang hininga ko habang naglalakad ako papasok ng silid-aralan ko. Kagabi ay hindi ako nakatulog nang maayos dahil sa pag-iisip sa The Page. I felt like any minute now I'm going to have a nervous breakdown because of the happenings. Napangiwi na naman ako sa mga dagsa ng mga komento ng nakalagay sa f*******: ng The Page. Walang nangangahas na magpaskil ng positibong mga komento tungkol doon sa takot na makabangga ang ilan sa mga tao rito sa eskwelahan. Kahit din naman ako, pero nakakaasar lang makita kasi! Tsk! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Paano ko malalaman kung sino ang nagpakalat? Kaya halos atakihin ako sa puso pagpasok na pagpasok ko sa silid, inaasahan ang panibagong dagsa ng ingay dahil sa kahapong imprenta ng The Page. Pero mukhang mas nagulat pa ata ako nang ang tumambad sa akin ay isang payak at tahimik na klase. Parang wala lang, parang normal lang ang mga kaklase kong ito. Balik sila sa kani-kaniyang mga buhay na para bang ang kahapong edisyon ng The Page ay hindi lumabas. That was supposed to be good...right? Lumipas ang dalawang oras ay nagsimula na ang tsismisan ng mga tao tungkol sa The Page katulad ng inaasahan ko nga parang ang kaninang umaga ay isang maliit na pahinga mula sa mga usapan. Napabuntong hininga na lang uli ako. Nagpatuloy ang daloy ng usapan tungkol sa The Page hanggang sa natapos ang klase na pang-umaga. Huminga ulit ako ng malalim. Takte, nakakaasar naman ito! Mas napapadalas din ata ang pagbuntong hininga ko. "It is really a wonder beyond compare if society rules are just a protuberance of fallacies," a low voice quoted (or I don't even know if that was a quote, but it seemed like it was), then behind us popped Luke. There was that certain intelligence on his eyes that it made it hard for me to cross his. "I kind of like that...and actually agree to that." "Saan mo naman nakuha iyan?" inosenteng tanong ko. Itinaas niya ang edisyon ng Page at napaismid na lang ako. Ang sinabi ba niyang iyong ay ako mismo ang nagsulat? Napapalatak ako sa isip ko. "Saan pa ba?" balik na tanong niya sa akin. "Hoy, Luke!" sita ni Cristine sa kaniya. "Baka mamaya, ikaw pala nagsulat nito. Tignan mo lang, mapapatay kita talagang ano ka." Kunyaring nanlaki ang mga mata ni Luke sa banta ng kaibigan ko. May halos irita kobg tinignan si Cristine. Tss, isa pa itong paepal. "Noted," sagot na lang niya. Umupo siya sa tabing upuan ko at kinuha ang isang malaking puting headphones. "Luke, may idea ka ba kung sino gumawa nito?" diretsyahang tanong ni Denise. "O ikaw ba 'yung gumawa?" "Oi, Den!" bawal ni Ely sa kaniya at saka siniko ko naman si Denise para suwayin din. "Ano? Nagtatanong lang! Ang sensitive naman po." Denise said defensively. Pinanlakihan niya kami ng mga mata at saka inirapan. Classic Denise. "Bakit lagi niyo na lang iniisip na kapag may gulo ako ang gumagawa?" Luke asked rhetorically and raised his eyebrows to the ceiling as if he's getting tired of it all. "Does it look like something I would do? But, as much as I agree to the things that The Page is saying, nope. Hindi ako ang nagsulat ng mga 'to. At kung ako nga sumulat nito...why would I remain anonymous? Right? That's kinda stupid." Biglang tumingin sa akin si Luke. At iyon na naman ang mga matatalim at nang-aanalisa niyang titig. Marahan akong nag-iwas ng mga mata sa kaniya, hinawi ang buhok, at tinuon ang isip ko sa bulubunduking pumapaligid sa amin. Kunyari akong pumikit para damhin ang hanging sumasampal sa buhok at mga pisngi ko, pero dahilan ko lang talaga iyon para hindi salubungin ang mga nakatatakot niyang mga mata. Ako na ang duwag, sige na. "So sino kayang gumawa nito?" Ely wondered out loud. Halos inulit ni Ely lang ang tanong ni Denise pero alam naming lahat na kuryoso ang bawat isa sa amin. "Well that is the question, ain't it? Sino ang nagsulat, diba?" Nanlalamig akong mas nag-iwas ng tingin. Bigla akong nahiya. Kung kanino ako nahihiya; sa akin o sa kanila, hindi ko alam sa sarili ko. "So hindi talaga ikaw ang nagsulat nito, Luke?" hamon bigla ni Luis. Siya ang pinakaunang nasambit kong pangalan sa pangalawang artikulo nilabas ng The Page. Ang una ay ang introduksyon at ang pangalawa ay ang pahayag na Hunyo 26 ang petsya na nakalagay. And apparently Luis Arkuena, for however short his time spent in this school, has succeeded into higher ranks of the Rushmore's hierarchy. Siya ang naghahari-harian sa buong Rushmore ngayon. Ang korni pakinggan, pero may mga tao talagang katulad niya ang nabubuhay sa bawat eskwelahan. 'Yong tipong nasa kanila na ang lahat. Ang sarap tuloy lapirutin ng mukha niya na parang papel. It was a good thing that no one kneels in front of him or that his entrance inside the school grounds were of those cliché movies and novels. After all, he was just a normal boy in high school. What I can't forgive him was creating a squad with an over the top name. Damn him! "Kaya nga!" sabat pa ni Anne, isa sa mga alipores nila Luis. "Malay ba namin kung nagsisinungaling ka lang." My teeth rattled. I suddenly realized that Luke was taking all the hits for the supposed creator of The Page (which was basically me). That made me guiltier, but it also made me quiter at the same time. Who would want to face them in this kind of situation where it seemed like it was me-myself-and-I situation? Absolutely no one. Sa lahat ng mga estudyante rito ay iilan lang ang puwedeng makapag-isip ng ganito o makapagsulat. Kaya ang ibig sabihin niyon mga matatalino ang inaasahan ng mga estudyante na may pakana sa likod nito o 'yung mga may galit sa karamihan sa mga estudyante rito sa Rushmore. Ang dalawang deskripsyon na iyon ay lahat itinuturo si Luke. Kung paano siya tratuhin ng mga estudyante at kaklase namin, hindi na rin ako magugulat kung isa sa mga araw na ito ay sumabog siya at gamitin ang magaling niyang utak para balikan lahat ng ginawan siya ng masama. But who cares though? I mean about The Page, not Luke. I truly cared for Luke, besides, Ely and I would always stand up for him. Anyways The Page created such a fuss right now because of the school's big names, other than that, it was just practically nothing. Iyon ang mga salitang ginamit ko para makumbinsi ang sarili sa panahong ang kaharap ko lang ay isang kuwaderno at panulat. "Paano nga namin malalaman na hindi ikaw? At kung hindi ikaw, e sino?" gatong pa ng isa ko pang Michael. Ang sarap niya biglang bigwasan! Nagkaroon ng tensyon sa loob ng silid, tanghalian na ngayon at kaunti pa lang ang tao dahil alam namin na wala ang guro para sa unang klase sa hapon. Medyo nagpapasalamat ako na hindi namin kaklase ang kapareha ni Luis at ilan pa nilang alipores. And no one should care about Michael's opinion! But noo! Everyone's attention and eyes fixated on Luke, hoping that he'll actually answer that damning and stupid stupid question. Luke, how much brilliant he was, doesn't like attention much but when he speaks what he was thinking about, people tend to listen carefully. So everyone was looking at him expectantly. Suminghap si Luke at umayos ng tayo. Mas maliit siya kay Luis pero mas nagmukha siyang mas nakatatakot dahil sa talinong nasa mga abong mata niya. "As I've said," Luke enunciated casually. Kung matalim ang tingin sa kaniya ni Luis, kalmado ang abong mga mata ni Luke. It was mocking, sarcastic, and most of all bored. "Iyon na nga ang tanong ng lahat. Who is brilliant enough to carry out a trick such as this? Who is observant enough to know what's all in that?" Itinuro niya ang nakalapag na edisyon ng Page. "Nakaka-flatter naman na ako agad ang naisip niyo because this..." He raised his copy of The Page. "Spits out the dark truth everyone's afraid to speak of and how our society works. Wish I did though, para hindi niyo na ako pagbintangan." "Oh?" sarkastikong anas ni Luis. "Ang dami mo pang sinabi, sana direktang sinagot mo na lang tanong ko." Inip ang mga mata ni Luke na nakatingin sa asar na si Luis na naglilitanya pa rin. Sa takot kong magkakaroon ng isang gulo ay nakisabat na ako dahil mukhang wala atang gagawa 'nun. "Tama na iyan," sabat ko at pasimpleng hinila si Luke sa upuan namin. "Luis, kami rin, okay? Nagtataka rin kami kung sino ba ang creator so stop this. Someone was just messing with us, you'd be pretty stupid if you're gonna take the bait. Huwag mong guluhin si Luke dahil lang sa gusto mo siyang pagbintangan." Hindi ko binitawan si Luke habang kinakaladkad siya ng pinsan niyang si Elydia hanggang sa medyo magkalayo na sila. Isa sa mga siguradong nakalagay sa The Page ay ang dahilan kung bakit naalis si Luis sa dati niyang eskuwelahan at alam kong mas magagalit siya kung makikita niya iyon. Siguro alam niya na rin na paparating iyon kaya mas lalo siyang nagagalit. The reason why the great Luis Arkuena was kicked out of the prestigious Science High School he used to attend was because he was caught on the act of bullying someone. Nakarating din sa akin na hindi iyon ang unang pagkakataon o kahit na ang pangalawa at pangatlong pagkakataon na ginawa niya iyon. He didn't got away and because of that he got expelled. I was scared for Luke. He shouldn't antagonize this Arkuena or else he might do something terrible. I don't think anyone has realized yet what kind of person this Luis Arkuena was and the cruelty that lies just behind those gorgeous eyes. It didn't helped that his mother, Principal Arkuena, was the principal of our school. I know, what a coincidence! "Huwag niyo nang pagbintangan ang pinsan ko." Tuluyang hinila ni Ely si Luke sa tabi namin at matalim na tinignan si Luis pero dahil hindi likas kay Ely na magtanim ng sama ng loob ay nawala rin agad ang talim sa titig niya. Umirap si Luke at suminghap na para bang pagod na siya sa lahat ng ito. Dapat ba akong humingi ng paumanhin? Dahil sa akin kaya nangyari sa kaniya iyon. Pero magiging nakakapagtaka naman iyon! Baka magtaka 'yun kung bakit ako humihingi ng paumanhin kung gayung wala akong kasalanan na maalala niyang ginawa ko sa kaniya. So I kept my mouth shut tightly. I will let this be in the time being until I still have no idea. Besides, I have my own million dollar question. Sinong naglabas ng mga nilalagay ko sa tala-arawan ko? At paano nila nakuha iyon mula sa akin? Ang ibig sabihin nito may isang tao na alam na ako ang tagasulat ng The Page at baka sa ngayon ay pinagtatawanan niya ako! Isang tao lang ang alam kong puwedeng gumawa sa akin nito pero wala siya at imposibleng magawa niya ito ngayon. Inilingan ko ang sarili. You shouldn't say bad words, Aris! I chided at myself. "Grabe sila kung makapagbintang!" Ely ranted at Luke and me as we walk. Maaga kaming pinauwi ng huling klase namin kaya naglalakad na kaming tatlo papunta sa sakayan. Tumango na lang ako, walang maidagdag habang si Luke ay kalmado pa rin. Ang medyo mahabang kulot na buhok niya ay natatabunan ng isang bonet. "Huwag mo kasi silang hayaan na gawin 'yung mga ganun sa'yo, Luke!" pabirong hinampas ni Ely ang braso ng pinsan. "Ayan tuloy nagiging target ka nila! Ang yabang talaga ng Luis na 'yun! Akala mo kung sino porque galing lang ng Science High School. Bobo naman!" gigil ni Ely, at umirap sa kawalan. "Tama, sobrang yabang talaga!" sang-ayon ko sabay hawi ng buhok. "Anong karapatan niya na pagbintangan si Luke! Palibhasa may kumakalaban na sa kaniya kaya ganiyan 'yang reaksyon niya eh! Hindi sanay na hindi siya ang sentro ng adoration ng lahat ng tao." "Seriously, Aris, Elydia?" Pinanlakihan kami ng mga abong mata ni Luke at itinaas niya ang kamay dahil sa yamot. "Bakit parang mas affected pa kayo kaysa sa akin? Ayos lang ako." "Kai-!" Pinanlakihan ko rin siya ng mga mata. "Ginagawa mong target ang sarili mo eh! Eh kung lumaban ka, ay huwag na pala. Baka mamaya naman niyan, pag-initan ka ng ulo ng principal edi mas malala iyon." Pare-pareho naming pinag-isipan iyon at bumuntong hininga. "Touché, pero binu-bully ka na ng harap harapan, ayaw mo pa pumalag!" gatong ni Ely na tinanguhan ko bilang pagsang-ayon. "Ako? Nagpapa-api?" Humalakhak si Luke. "Mukha ba akong naapi, Ely? Itigil mo nga iyan, that was just a simple talk. Hindi ako puwedeng maging balat sibuyas kung lagi nila akong tinatapunan ng hindi magagandang salita." "Wait!" napatili ako at tumigil sa paglalakad. Nanlalaki ang mga mata kong nakatitig. "Guys! Si Ichor!" malakas na bulong ko sa kanila at tinuro ang isa pang bagong lipat na estudyante sa Rushmore. "Na'san?" hagilap naman ni Ely sa direksyong tinuro ko. "Gago! Huwag mong ituro! Baka makita ka, dude." Humagikgik kaming dalawa ni Ely habang nakatingin sa tumatawid na ka-eskuwela. "Hhmmm," nanliit ang mga ni Luke kay Ichor. "Kontra ka na naman?" nanunuyang singhal ni Ely sa pinsan. "I don't know, Ely." Tinagilid ni Luke ang kaniyang ulo. "I'm getting a hard read on him." "Sobrang mysterious niya kasi," I said with dreamy eyes that eventually fell to Luke's face, "at hindi siya libro para basahin," pagbara ko sa kaniya. Nanatiling seryoso si Luke, ang abo niyang mga mata ay nang-aanalisa na naman. Bumalik ang tingin ko kay Ichor. Pero iba na ang klase ng tingin ko sa kaniya ngayon. Isa siya sa dalawang bagong lipat sa Rushmore High. He was extremely good-looking in a dark and mysterious way. May kayumangging kulay ang makinis niyang balat. Matangos na ilong at may banyagang kapeng mga mata. Mas matangkad lang siya kaunti kay Luis. Agaw pansin din ang matipunong katawan niya. "At bakit mo naman babasahin si Ichor?" sarkastikong tanong ni Ely. "Haha," Luke retorted back. "but..." Umiling lang si Luke. "Luis overshadowed Ichor's arrival. Everyone overlooked his arrival, and no one really wondered about him. Pero come to think of it, ano pa bang alam natin about him?" What else? Nothing. Absolutely nothing. Wala siyang mga kaibigan, o mga kapatid. Ni hindi ko pa nga nakikita ang mga magulang niya at saan siya nakatira. And Luke was right, Ichor Bregen's arrival was overshadowed by Luis'. I tried remembering writing about him in my diaries, but nothing came up because first, he was foreign to this town, and second, his moves were so silent he doesn't even stir the dust when he was walking. I mean not like literally. "Sa tingin niyo, guys, may capabality si Ichor na gawin ang The Page?" I speculated. I know that was really impossible, how would he be able to get his hands on my diaries? Ni hindi nga kami magkaklase at siguradong hindi niya rin alam ang mga ugali ng mga estudyante sa Rushmore High para makapagsulat ng tungkol doon. But if I keep up this ruse, I was hoping that nobody will look at me as a potential person involved in The Page. As much as it pains me to actually disown my work, I have to. Masakit sa ulo kung iisipin ko pa kung ano ano ang mga bagay na maaapektuhan sa buhay ko. My good relationship with my friends, Nicholas, and maybe, possibly, even to the teachers. They could accuse me of cyberbullying or some other things like slander. I don't think I could lift that kind of burden right now. At least they couldn't sue me since I was still a minor. "Oh my god, dude!" Lumaki ang singkit na mga mata ni Ely. "Oo nga. What if hindi pala coincidence lang na 'nung saka siya dumating ay saka lang din nagkaroon ng The Page? Paano nga kung siya 'yun?" "See?!" I said in a very speculative voice. "Tama ako! What if, siya nga!" Hindi na binigayang pansin pa ni Luke ang mga walang basehan na mga spekulasyon naming magkaibigan hanggang sa kailangan na naming maghiwalay ng landas. The Editor's Note: Date: 30th of July The Page is now known to the students of the Rushmore Integrated High. There are both negative and positive responses upon its arrival, but The Page now achieved its main goal: to get the attention of the students of Rushmore. Ladies and gentlemen (if there are any), we, the workforce of The Page, thank you for your vigorous reactions towards This Page. Maintain sharpness and attentiveness, The Page is about to launch its weekly printed editions. -The Editor Weekly editions. Weekly editions?! Hawak ko ngayon ang telepono ko at nanginginig na nakahawak dito. Una agad na kumuha ng atensyon ko ang The Page pagbukas na pagbukas ko ng social media account ko. Sa dibdib ko ay hinahagkan ko ng mahigpit ito, hindi ko alam kung ano na ba ang mararamdaman ko. Basta parang gusto kong umiyak at mag-lupasay. Who the heck in this shitty world posted these out there?! It was like there was a caption on my forehead saying 'aristheia.exe stopped working'. My mind was on a slow motion, it cannot fully processed what it was being fed with. 30th of July: The Editor.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD