Chapter 3: First Day

1506 Words
Deniz PoV “Hoy tayo jan pabuksan mo tong gate!” Hehehe sorry no choice eh. “Halika sabi eh. Pag di ka tumayo jan kakaladkarin kita jan.” Pananakot ko pa kunwari. “F-f**k you!” Hirap na nga magsalita nagawa pa akong murahin amp. “Lul di tayo talo tanda!” Dahil sa bagal niya kumilos eh kinaladkad ko na at hinarap don sa scanner. “Welcome to Shin University” nice! “Yown! Salamat sensei! Ngayon papuntahin mo dito yung Leon kasama yung isang milyon kundi lagot ka sakin!” Pananakot ko kunwari. “Hindi ko ibibigay sayo yun!” Okay sabi mo eh. *booooogsh* “Oh ayan isang tatlong buwan ka sa ospital paretoke kana sira na yang muka mo eh. Panget mo!” Pumasok nako sa University kuno at laking gulat ko ng makita kung ano ang meron sa likod ng dambuhalang gate. What the f**k? Hindi to school eh! Parang city! Naglalakihang building tapos ang dami pa! At sa tingin ko wala pa don yung mga dorm! Like what the hell is this? May mall pa akong nakita like seriously? Ganito kalaki tapos hindi ko man lang alam na may ganto pala? “This is dope!” Bulong ko sa sarili ko. At mga estudyante dito ay.... jusko wala yatang panget dito? Anyways bago pako maglaway ay hinanap ko na yung registration office. Kaso sa sobrang lawak dito baka kung san lang ako mapunta kaya sinubukan ko magtanong sa isang magandang babae na naka upo sa parang mga bench. “Uhm... excuse me? San ko po mahahanap yung registration office? Bago lang po kasi ako.” “Oh, so you’re a new student? What grade are you on?” Naku englishera naman pala to. “Yeah. Grade 12.” “Oh same we might be classmates. But anyways, Let’s go I’ll tour you first. Cuz you know this school is pretty big.” Mukha siyang anghel oo, pero parang may iba akong nararamdaman sakanya eh. Pero ittour daw ako eh! Bahala na. So ayun nga nilibot niya ako at magaling naman ako mag kabisado kaya duh kering keri! Masasabi ko lang ay wow. As in wow! Sinabi niya din sakin mga dapat kong bilhin ay nasa mall. Shin Store daw hanapin ko lang tas ia-assist na daw ako dun kung anong required bilhin. “So yeah here’s the registration office, see you when I see you Deniz!” “Yeah, see you when I see you too! Thank you so much!” At tuluyan na siyang umalis. Kaya kumatok na ako bago pumasok. Pagpasok ko pinagmasdan ko muna yung paligid at masasabi ko na lalaki ang nakaupo sa swievel chair na nakatalikod sakin ngayon. Base on my observation this guy loves lion stuffs. *smirk* “Leon.” Oo. Tama kayo. Ang Leon na to ang may hawak ng one million wiiiii! Singilin ko kaya siya? Hihi! “Binibini, maupo ka.” Nakangisi niyang sabi. Tahiin ko yang bibig mo jan eh! “Umm mahilig ho kayo sa leon?” Inosente kunwari na tanong ko. “Pinapahanap ho kase kayo ni Principal Lida” plastikan tayo dito. “Oh so ikaw pala si Deniz Dela Vega?” “Opo, hindi pa ho ba nagagawi dito si ma’am ? Nagkahiwalay ho kasi kami nung nag cr ako.” “Hmm hindi pa nga. Kaya nagtataka ako iha kung bakit nandito ka na at wala pa si Lida?” “Sabi niya ho kasi ay pupunta ho kami registration office may kukunin daw ho siya sayo?” Hmm. Kunin ko na kaya?” “Ah oo. Gusto ko sanang personal na ibigay yon sakanya. Tawagan ko lang saglit.” Gooo. Mapapasakin din yan. “Oh! Lida! Andito na ang estudyante mo! Asan kana?” “Ahh. Sigurado ka ba?” “Okay. Sige.” Napangisi nalang ako ng palihim. Madali naman pala kausap si Lida. “Ahh Deniz, may ibibigay ako sayo pwede mo bang iabot kay Lida? Nasa may gate daw siya. Wag mo sanang bubuksan kasi medyo confidential. Eto iha salamat.” Waaaaa isang bag na pahaba tapos may check na sign. Alam ko laman niyan ulol. Nagtataka siguro kayo pano nangyari yon? Ganto kasi. *flashback* “Mamaya, kapag hindi ko nakuha ang isang milyon mula sa Leon na yon, tandaan mo tong sasabihin ko ha? Hahanapin kita at papatayin pati na rin yung anak mong walang kwenta! Naiintindihan mo? Di mo ako kilala kaya magingat ka sa mga gagawin mo ha? I have a lots of eyes everywhere. I can easily find you and kill you. Understand?” Kahit wala talaga pero pananakot lang ba hahaha! “O-oo! Oo na!” That’s what I’m talking about! “Hoy! Ikaw!” Turo ko sa driver na nanginginig na sa takot. “Bantayan mo to ha? Narinig mo ang mga sinabi ko!” Pananakot ko pa sa driver ng animal na principal na to. “O-opo ma’am!” Good. *end of flashback* “Makakaasa ho kayo sir Leon! *smirks*” Bobo ka huh! +x+ Kasalukuyan akong nag lalakad patungo sa girls dormitory buhat buhat ang maleta ko at ang one millioooon naka cash si manong leon! Hahaha. Alam ko naman na dahil tinuro sakin kanina ni ate ganda. Natatandaan ko pa naman lahat. Pagkapasok ko ay para siyang hotel dahil may front desk. Susyal talaga dito. “Excuse me miss? New student po, Deniz Dela Vega. Saan po ang room ko?” “Ahh wait po ma’am. Eto ho, room 135, 5th floor. Single room. Eto po card.” Wow single! Ang saya naman! Tapos card pa hindi susi! Tinanggap ko na at pumunta na sa 5th floor at hinanap ang room 135. Nung nahanap ko na ay nasa pinaka dulo ito ng hallway at talaga namang namanghanga ako dahil bukod sa card ay pwede pang lagyan ng password yung pinto. Pero next time nalang. Nung pagpasok ko namangha nanaman ako dahil napaka modern at spacious. May dalawang pinto akong nakita na sa tingin ko kwarto at cr siguro. Kaso mukang hindi pang cr yung pinto nung isa. Isang average size na tv at complete set ng sofa. Tapos gaiiis! Ang ganda ng kitchen omooo! Ang laki ng ref! Tapos ang ganda ng dining area although pang single person lang eto. Parang hotel talaga! Wow. As expected, hindi cr yung isa kundi walk in closet. May mall naman sa loob ng school tsaka may 1 million ako! Haha shooppppiiiing spreee! Naghanap ako ng pwedeng pag taguan ng pera ko sa loob ng walk in closet at naisip na bibili nalang ako ng vault. Sana lang meron sa mall. Pagkatapos ko mag ayos ng mga gamit ko ay dumiretso na ako sa mall para mag shopping dzuh! Groceries palang nabibili ko kumakalam na tiyan ko kaya inuwi ko muna tong mga pinamili ko dahil malapit lang naman tong mall ay nilakad kona abay wala naman ho akong kotse. “San kaya ako kakain?” Bulong ko sa sarili ko. Syempre wala naman akong friends? Haha anyways napagdesisyonan kong sa ramen nagi nagccrave ako ng noodles eh. Eh malay koba kung ano meron don nadaanan ko lang kanina basta gusto ko ng noodles at ramen ang nakalagay don. Bahala na. Parang gusto kong umatras nung nakita ko yung presyo ng isang ramen. Tangina? Eh mas mahal pa sa sahod ko yan sa paglalaba?! “Don’t tell me you can’t afford that? Omy what did I expect? You’re just a poor b***h newbie” biglang sabi ng kung sino man to na mukang clown. KAPAL NG MAKE UP! Imbes na patulan ay tinalikuran ko lang ayoko ng away lalo’t gutom ako. Baka mamahinga siya habang buhay. De joke. “No one dares to turn back at me b***h! You don’t know me!” Madaming tao ang pumalibot samin dahil sumigaw ang bruha kaya no choice ako at humarap nalang. “Sino ka man wala akong pake naiintindihan mo ba yon? Hindi ako humarap sayo kaya di kita tinalikuran. Bago lang ako kaya panong kilala kita? Gamitin mo yang utak mo di yung puro ka satsat jan.” Poker face at derederetso kong sabi sa pag mumuka niya. Kadiri ang kapal talaga ng make up. Nagtawanan ang mga tao dahil sa sinabi ko kaya mas lalo siyang nagalit nagmuka tuloy siyang bull, bullshit. Diko na pinakinggan kung ano anong pinag sasasabi niya don at umalis na ako. “Grabe ang tapang niya kaso mali yung binagga niya” The hell I care kung sino yan. “Lagot yan sa mga kuya ni Kristal” Ibaon ko pa sila sa lupa. “Magbabayad ka sa ginawa mo!” Kristal. Kristal daw eh. Bahala ka jan peste gutom yung tao pinepeste mo. Peste ka! Speaking of peste parang gusto ko tuloy ng pasta. May mura naman sigurong ganon dito. “Hey miss, balita ko inaway mo ang kapatid ko?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD