Deniz’ PoV
“Hey miss, balita ko inaway mo kapatid ko?” Sabi ni kuyang matangkad, matangkad lang.
“Wow ha bilis ng balita! Pagsabihan mo yang kapatid mo na umasta ng maayos kababaeng tao eh ay teka babae ba yan?”
“Gago ka ah! Yabang mo tignan mo baka mamaya patay kana, tara na kristal”
Bobo baka ikaw putulin ko payatot! Maka kain nanga talagang ginutom nila ako ha! At dahil jan dalawang ramen ang bibilhin ko bahala na basta gutom ako.
+x+
Pagkatapos na pagkatapos ko kumain ay tinotoo nga ang banta inambangan ako sa pagkalabas ng mall huhu.
“Ilabas mo yabang mo ngayon, baguhan ka lang dito wala ka pang alam sa baho ng mga tao dito, gaano pa man kaamo mga mukha nila ganyan kana umasta!” Sabi nung kuya ni ateng clown kanina.
“Baho? Oo nga eh ambaho mo” sabay tawa ko pa kahit na gusto ko din malaman kung anong baho ng mga tao sinasabi neto.
“Aba’t talagang sumasagot ka pa! Sugurin yan!”
Wala nakong inaksayang oras at kumaripas na ng takbo pagka bato ko ng bike na nakapark malapit sakin kanina sakanila. Takbo lang ako ng takbo hanggat gusto ko nang maiyak.
NAWAWALA NAKO HUHUHUHU ang laki laki namna kase ng lugar nato nasan nako huhu. Nang makita kong wala nang nakasunod sakin ay tumigil nako dahil sumasakit na ang aking tagiliran. Pota kakakain ko lang!
Nakarating ako sa likod ng isang parang bahay. Teka bahay? Bakit may bahay dito? Pwede ba yon eh akala ko mga parang condo lang nandito eh. Sinubukan kong sumilip sa bintana at talagang napatago agad ako ng may makita akong mga tao. Madami sila twelve may anim na babae at anim na lalake. In fairness walang panget.
Nagmatyag pa ako saglit dahil sa curiosity ko. Bakit may bahay sila? I mean mansion ata to. At sa layo ng tinakbo ko feeling ko talaga may kakaiba dito, ang layo sa mga dormitory/hotel/condo or whatever kung ano man yon. Isa lang masasabi ko sa unang tingin niyo sakanila.
Hindi sila ordinaryong tao. They all look so powerful. Na kapag isa akong normal na estudyante ay talagang manginginig ang aking buong katawan sa takot. May kakaiba sa aura nila na diko maintindihan. Dahil dito ay mas lalong dumagdag ang kuryosidad ko tungkol sa eskwelahang to o kung school pa ba to.
Nung marinig ko palang yung usapan ng principal tas si leon ay kinutuban nako. Pero ang akala ko ay isang school lang na puno ng mga pariwarang estudyante mga gangster wannabe. Pero diko inakalang may ganitong mga taong kayang maglabas ng nakakatakot na aura. They all look close sa isa’t isa kasi nag tatawanan at nagbibiruhan pa yung iba.
I was looking at them while hiding ng may lumingon sa gawi ko na pamilyar ang mukha. San ko na nga ba nakita yon? Think Deniz... Aha! Oo yung nakabungguan ko sa may mall! Yung mayabang na gwapo! Pero s**t nakita ako kailangan kona ulit tumakbo! Kundi lagot ako! Paalis na sana ako ng may marinig akong kasa ng baril sa may likod ko.
The f**k? Ganon siya kabilis? Hindi ko man lang naramdaman o narinig paglapit niya dito? I’m doomed!
“What do you think you’re doing here?” Sabi ng isang pamilyar na boses. Na alam kong yung nakabanggaan ko sa mall. s**t talaga. Mag isip ka please patay ka sa baril huhu. Ay teka, feeling ko siya palang ang nandito kaya naman mabilis kong sinipa ng back kick yung tagiliran niya dumudugo kahapon sabay karipas ng takbo habang namimilipit siya don.
Narinig ko pa ang pagdating ng mga kasamahan niya kanina sa loob nung mansion na nataranta nung narinig siyang sumigaw.
Actually narinig ko pa ang sinabi niyang habulin ako. Kaya lagot talaga ako! Huhu. Takbo lang ako ng takbo hanggat may nakita akong gubat. Pinasok ko yon tsaka mas binilisan pa ang takbo. Binilisan ko ng sobra tsaka ako tumalon sa isang puno na akala mo unggoy. Pucha mapapa akyat ako ng puno ng wala sa oras!
Mukhang hindi na nila ako nasundan dito dahil nakita ko silang lumagpas na. Pero yun ang akala ko. May tumamang kung ano sa leeg ko. Nandilim ang paningin ko at bago pa man ako mahulog sa batuhan ay may sumalo sakin.
Then everything went black.
+x+
Nagising ako ng maalimpungatan dahil feeling ko nakatali ako sa upuan. Nang maalala kong nahuli nga pala ako. s**t dapat kabahan ako pero parang wala akong maramdamang kaba. Excitement meron. Pasimple kong nilibot ang paningin ko. Madilim madaming kagamitang pang torture, dugo sa pader, at anim na bantay. Nakita pa nilang nakatingin ako kaya tumawa ako at nginitian pa sila.
Na parang kinabwisit pa nila. Pero nagtataka ako bakit sila di nagsasalita. Dapat pag ganon kung ano ano na ang sinabi nila sakin diba ? Like bakit ako tumatawa. Eh pano kase hindi naman mahigpit pagkakatali kayang kaya ko tumakas dito. Jinojoke time ba nila ako?
Bumukas yung pinto at pumasok yung anim pang kasama kanina sa bahay kasama don yung mayabang. Tumingin siya sakin kaya nginitian ko siya ng alanganin. Feeling ko di ako makita ng maayos kase yung ilaw nasa tuktok ko. Kase diba edi sana nakilala niya ako. Tinatanong niya kaya pangalan ko HAHA!
“What the f**k?” Yabang.
“Nagawa mo pang ngumiti?” Girl 1
“Wow idol ko na yata to! HAHAHA” Boy 2
“Gago! HAHAHA ako din!” Boy 3
“How dare you smile at your situation?” Girl 2
“Wow kailangan may sasabihin kayo isa isa eh ano? Ikaw ateng number 3? Ano masasabi mo?” Gago talaga ako pero okay kinakabahan ako dito no! Twelve sila isa lang ako nakatali pa.
I should never underestimate their capabilities. Based on my observations from awhile ago til now, makapangyarihan sila. I’m sure of that.
“Astig talaga pre! HAHAHA!” Boy 2
“Gago galit na si Kayden” Boy 3
“Who do you think you are?! Huh? Pano mo nalaman na may sugat ako don?” Kayden. Yun daw pangalan eh pero yabang talaga niya ha.
“Hi yabang di mo ba ako natatandaan?”
Pagkasabi ko ay inangat ko ang tingin ko sa kanya. Nanlaki naman ang mata niya sa di malamang dahilan.
“Ay chix pare!”
“Oo nga puta HAHA!”
“Oh it’s you again. Before I untie you can you please say your name?” Yabang.
“Back tayo tol mukang gusto ni Kayden”
“I am.....
just a nobody. Kaya pwede ba palayain mo na ako? Sorry kung nasipa kita eh naligaw kase ako di ko naman sinasadyang mapunta don no! Bago lang kaya ako dito”
“Loosen up everyone, y’all look so stiff what the hell?” Pagkasabi nun ni Kayden ay biglang nagtakbuhan yung anim na nakabantay kanina sakin na di umiimik at binatukan yung kanina pang madaldal.
“Eh eto kasing si Zean tinakot kami na galit ka daw samin at wag daw kaming gagawa ng kung ano ni gumalaw o magsalita bawal”
“Zean?”
“Hehe peace?” Eto si Boy 2. Two down 10 more andami eh!
“Psst yabang! Ano pangalan nila? Ang dami niyo gusto ko kayo makilala! Hehe!” Tumingin silang lahat sakin na parang isa akong alien. Huhu malalaman na ba nila na galing talaga akong mars? Ganon ba ako ka obvious? Joke.
“Ay damot ka din? Pero infairness ha ang creepy ng torture room niyo? Teka ano to pamputol ba to ng daliri?” Tas inabot ko pa kaya nagulat sila na hindi na pala ako naka tali. Kanina ko pa natanggal no.
“How did you—-?” Ate girl 1
“I think I already know who tied her” sabi ni ate girl number 5. Tas sabay sabay sila tumingin kay kuya boy 6. Na busy kumakain ng kung ano don. Teka gummies ba yon!? Omooo.
“Waaaaa kuyaaaa pahingiiii” oops sorry na adik lang sa gummies. Talagang napatingin na sila sakin na super weird. Gusto ko lang naman nung gummies.
“Pero hindi nagbibigay o nag shashare ng gummies yang si Jake, diba?” Zean.
“Gusto mo? Eto oh hehe” binigyan ako nung Jake waaaa huhu mabait naman pala sila. Kumain lang kami ng kumain nang mapansin namin na parang madaming mata nakatingin samin tapos ang tahimik. Nagkatinginan kami ni Jake tsaka dahan dahan lumingon sakanila na nakatameme.
“Hehe bakit?” Sabay pa naming sabi.
“Tara na dun tayo sa HQ. Kayong dalawa dun na kayo kumain. At ikaw babae di pa tayo tapos magusap kaya wag kang tatakas. Drey ikaw na bahala schedula ng babaeng to, excuse mo siya for the whole day.” Kayden.
“Wait pano ko siya i excuse kung hindi ko naman siya kilala?” Drey.
Naku lagot huhu ayoko pa man din sana sabihin pangalan ko eh. Wala trip ko lang.
“What’s your name girl?” Girl 4.
“You make sabi na your name because kailangan na.” Why naman may conyo? Ay nakakahawa ata yung conyo niya. Jusme.
“Oo na teka lang ha. Ang pangalan ko ay
Sisa” HAHAHAHHA tumawa pa ako na nakitawa din naman si Jake tas yung Zean.
Tinignan ako ng masama ni Kayden. Kaya no choice na eto na seryoso na.
“Hi! My name is Deniz Dela Vega nice to meet you all!” Masiglang bati ko sakanila.
“Wow Deniz chix na chix yung pangalan pare!” Tinignan siya nilang lahat kaya agad niya ding binawi.
+x+