Kahit na parang ayaw ko pang bumangon ay pinilit kong gumising ng maaga. May pasok pa kasi ako kaya agad na akong naligo at nag-ayos, pagkatapos ay tumulong na ako kay Ate Flor na maghanda ng breakfast namin. "Nandoon din ba ang mga Verde sa party kagabi?" tanong ni Kuya Cardo habang nakasandal sa pader na umiinom ng kanyang kape. "Aba! Hinding-hindi mawawala ang ganyang mga tao sa celebrasyon ng Presidente," wika rin naman ni Ate Flor na naghihiwa ng rekados. Napangiti naman ako. "Opo. Nandoon nga sila kagabi, mabuti nga at walang media na nakapasok sa loob," pahayag ko naman. Pagkatapos kong tumulong ay lumabas na ako ng kusina upang puntahan si Joy sa kanyang kwarto. Ang taas kasi ng lagnat niya simula pa kagabi ng umuwi ako. Dahan-dahan ko namang pinihit ang door knob at pumasok n

