Chapter 37

3577 Words

Bigla naman akong napabalikwas sa kama ko dahil sa may kumakatok sa pintuan. Agad naman akong bumangon kahit na nahihilo parin ako dahil sa pagkagulat. Binuksan ko naman ang pinto at iniluwal si Joy na gulat na gulat ang mukha. Napakusot naman ako ng kaliwang mata ko. "Bakit?" pagtataka kong tanong sa kanya sabay hikab. Agad niya naman akong hinampas. "Hoy dai, akala ko nakabihis at nakapag-ayos ka na," wika niya naman. "Nandito na si Sir Luke susunduin ka dahil may klase kayo," dagdag niya pa kaya nagulat ako. Bigla naman ako nabuhayan dahil sa sinabi niya. "Seryoso ka?" saad ko sabay tingin ng oras sa cellphone ko. "Hala pasado alas-syete na ng umaga, bakit naman hindi ako nagising," taranta kong pahayag. "Sige na maligo ka na doon at sasabihin ko kay Sir Luke na kakagising mo pala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD