"May napili ka na ba, girl?" tanong naman sa akin ni Joy habang naglalakad kami dito sa mall. Balak ko kasing bumili ng regalo para kay Luke bukas. Isang buwan na kasi kami kaya hindi ko pa alam kung ano ang ibibigay ko. "Mahilig kasi siya sa libro," sagot ko. "Pero gusto ko rin siyang bilhan ng stuffed toy kasi nabasa ko na ganoon ang mga klaseng bagay na binibigay mo sa taong mahal mo." Napatingin naman sa akin si Joy. "Alam mo Cass, halata ngang ngayon ka palang nagkajowa, alam mo ba 'yon?" pahayag niya sabay tawa. Napakunot naman ang noo ko. "Bakit naman?" pagtataka kong tanong sa kanya. "Wala naman, oh ano may napili ka na ba?" tanong niya pa sa akin. Nandito kasi kami ngayon isang book store. Naghahanap ako ng libro na maganda na pwedeng ibigay kay Luke. "Ito may napili na ak

