Umuwi naman kami ni Joy na tahimik lang ako sa buong byahe. Naglalakad na kami ngayon papasok sa subdivision. Agad naman akong nilapitan ni Joy at kinalabit. "Hoy Cass, kausapin mo na ako," wika niya. "Ano ba talaga ang nangyari sa iyo kanina dun?" tanong niya pa. Natigil naman ako sa paglalakad at napangiti kay Joy. "Salamat nga pala sa pag sama sa akin ngayon ha?" saad ko naman. Napangiti naman siya sa akin. "Pwede ko bang malaman kung anong nangyari sayo kanina dun, atsaka kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit tayo pumunta sa kompanya ng mga Verde?" tanong niya naman sa akin. "Pumasok muna tayo sa mansyon," saad ko naman kaya napatawa siya. "Ay oo nga pala, buti at na feel mo rin ang init dito sa labas." Pumasok na kami sa mansyon at hindi parin pala dumadating si Ate Flor. Um

