Bigla naman akong kinalabit ni Aubrey sabay ngisi sa akin. "Ito naman, nalapabitter talaga sa buhay. Hindi porket hindi ka pinili, magiging ganiyan ka na?" "Hoy, hindi ha!" "Yes, Miss Sandoval? May sinasabi ka ba riyan?" Bigla naman akong napatingin kay Miss Payad nang tinawag niya ako. Nadamay pa tuloy ako. "A-ah, wala po, Ma'am." "Alright, so for the pointers for you exam..." Pagkatapos ng klase namin sa umaga ay umalis na ulit si Aubrey dahil sumakit na naman daw ang tiyan niya. Mukhang inabutan siya ng dysmenorrhea kaya mukhang hindi na rin siya makakapasok sa klase ngayong hapon. Wala naman na akong choice kung hindi si Derek ang kasama kong kakain ng lunch ngayon. "Ano, Val, miss mo ako, 'no? Nagtatampo ka siguro dahil hindi mo na ako nakaka-usap, ano?" Napa-irap naman ako n

