"Oh, it's you, Lucas, it's okay walang kaso," aniya sabay tingin sa akin. "And who are you? Oh, from Engineering. What are you doing here?" Grabe naman 'tong teacher na 'to. Pakiramdam ko ay parang bawal na kaming mga engineering students na pumunta rito sa ibang building. "Ah, aapply po for the Theater Club..." "Really?" ani Lucas kaya napatingin ako sa kaniya. "Oo, bakit?" "I'm from the Theater Club. Good choice, Val!" "O siya, maiwan ko na kayo at may klase pa kayo," pahayag pa ni Ma'am. "Sige po, Miss," tugon ni Lucas sabay tingin na sa akin. "Let's go, Val. I'll take you to Shaira." Agad na kaming naglakad ni Lucas papunta sa isang room at nang makapasok na kami ay nadatnan ko ang ilang mga estudyante na pumipila sa isang table at may dalawang babae naman na nandoon sa gitn

