Maliban kasi sa gusto kong makasali sa Theater Club ay gusto ko rin namang makatulong sa pag-iipon ng pera para kay Papa. Malaki rin kasi ang gastos ng Papa para sa kaniyang maintenance na halos linggo-linggo ako bumibili at alam ko rin naman na iniisip ni Papa na pabigat lang siya sa akin kahit hindi naman talaga. Napatingin naman na ako kay Kyla at napangiti. "Malaki nga, sige, salamat!" Ibinaling ko na lang ulit ang paningin ko kau Prof Estomo. Mukhang gusto kong sumali sa Threater Club Contest at double purpose pa. Gusto ko kasi talagang maging artista dati pa kaya kapag nakapasok ako kay malaking tulong din naman talaga sa akin. "Pst! Aubrey!" tawag ko kay Aubrey na abala sa pagsusulat sa kaniyang notebook na hindi ko naman alam kaya tinignan ko na. "Ano 'yan?" "Girl, may sense ng

