Pagkatapos nang nangyari doon sa harap kanina sa room ng theater club, agad din naman na umalis sina Valerie, si Aubrey, at si Kyla ng building na iyun at dumiretso sa classroom nila. Kasalukuyan naman sila na nasa loob ng elevator na yun habang pababa pa rin naman sila ng building. "Grabe naman yun, anong nangyari na ginawa mo Val eh wala pa ngang audition na nagaganap," saad naman ni Aubrey. Kahit nga rin si Valerie ay hindi nya alam kung paano sya nakapasok agad sa lista ng members ng club na iyun. Ang ginawa nya lang nong vacant time nila ay ang magpa lista sa pag audition sa club na iyun at yun lamang ang nangyari bago pa sya bumalik non sa classroom para balitaan si Aubrey sa pag audition nya. "Hindi ko rin alam kung bakit eh wala rin naman ako mag ginawa eh. Tsaka kung ako ang ta

