"Cassandra! Cassandra!" tawag ng isang boses galing sa labas. Nandito na nga ako sa mundo ng mga mortal. Bumukas ang pinto sabay luwal ng isang matabang babae na halos kainin na ako sa tingin, "Kanina pa ako sigaw ng sigaw sa labas, malilintikan ka talagang bata ka sakin," nagulat na lamang ako nang bigla niya akong nilapitan at sinampal ng sobrang lakas. Natumba naman ako dahil sa taglay na lakas ng kanyang kamay. Hindi ko rin napansin ang dugong lumalabas sa kaliwang bahagi ng aking ilong, "Oh ano, hindi ka pa ba diyan tatayo para ipagluto kami ng agahan, o gusto mo talagang tadyakan pa kita?" tinakpan ko naman ang mukha ko gamit ng aking kamay dahil akma na niya sana akong tatadyakan. "Ano ba naman Linda, umagang-umaga pinapagalitan mo na naman si Cassandra," napatingin agad ako sa pi

