Tinawag ni Daddy ang mga yaya ng mga pamangkin ko at pinabantay ang mga bata. Ngayon ay nasa library na kaming lahat at tanging tunog lang ng aircon ang naririnig ko. Nasa gilid ako, katabi si Mommy habang si Daddy ay nasa gitna. Kaharap ko naman si Kuya Nathan na kanina pa pinipigilan ni Ate Vea na dumapo ang mga kamay nito sa'akin. Sa tabi naman nila si Apollo kasama si Ate Lily at Kuya Austin. "Ano ba Fhax, intindihin mo ang anak mo. Hindi mabuti ang pag-iyak niya sa batang nasa sinapupunan niya." Pagalit na sabi ni Mommy kay Dad habang yakap-yakap niya ako na parang prinoprotektahan ako. "Huwag mong kunsintihin ang anak mo Naveen dahil alam nating mali ang ginawa niya!" Galit na baling ni Daddy sa kanya. Nagsi-unahang tumulo ulit ang mga luha ko dahil mukhang ang mga magulang ko nam

