Napa-isip naman ako ng malalim sa mga narinig ko ngayon. Napatayo naman agad ako, "Puntahan nalang kaya natin ngayon ang bahay nila at magtanong tungkol sa litrato na 'to?" paanyaya ko naman sa kanila. "Hindi ka basta-bastang makakapasok sa bahay nila ng walang appointment galing sa kompanya, Cass," wika naman ni Belle. Napa-iling na lamang ako sa mga pangyayari. Bumalik naman ako sa pagkaka-upo dahil sa pagkadismaya, "Salamat sa tulong mo Luke ha, salamat sa inyo ni Belle dahil tinutulungan niyo ako," sabi ko sa kanilang dalawa. "No worries, Cass. We've known each other for how many years na at ngayon pa talaga naungkat ang tungkol sa pagkatao mo," patawang sabi ni Belle. Napangiti naman si Luke sa akin, "Who would have thought na yung mortal ko na kaaway sa academics ay matutulungan

