Ang iba sa mga estudyante ay nagagalak ngunit ang iba naman ay panay ang reklamo sa kani-kanilang mga guro. "Regal students, attention!" tumahimik naman kami sa nakakatakot na boses ni Professor Aberia. "I have here with me your designated groups and members, all you need to do is sign it," ibinigay na ni Professor Aberia ang papel kung saan kami lalagda. "I hope na magkasama parin tayong tatlo," wika naman ni Melan. Nasa likurang bahagi kami kaya matatagalan pa bago umabot sa amin ang papel. Habang abala ang iba sa paglalagda ay abala rin si Luke sa pagbibigay ng papel na nakapaloob ang mga aktibidad namin. "Nako, bukas pala ng umaga ang quiz-bee," wika ko ng mabasa ang list of activities. Marami ang magaganap sa loob ng tatlong araw ngunit hindi naman ako pamilyar sa ibang mga laro

