"I'm telling you girls, this camp is so exhausting," reklamo naman ni Belle habang nag-susuklay ng buhok. Maaga pa kaming nagbihis ngayon dahil maraming aktibidad ang magaganap. Nagkaroon ng group activity kagabi kung saan nasubukan ang aming pagtutulungan ngunit matagumpay naman itong natapos kaya pagod na pagod kami nang kami ay natulog. "Pero it's a good thing naman that they are testing our solidarity bilang isang grupo diba? Kahit na hindi tayo galing sa iisang school," ani rin ni Melan. "Nakita niyo na ba ang scoreboard kung anong school at solidarity group ang nangunguna?" tanong naman sa amin ni Belle. Napa-iling kaming dalawa ni Melan, "Anong klaseng scoreboard?" tanong ko pa. "After this camp kasi bibigyan ng parangal ang solidarity group na may pinakamataas na puntod ganoo

